Chapter 1

28.9K 694 47
                                    

"Walanghiya namang traffic to, oh. Mal-late na ako nito, eh. Ang terror pa man din ng Filipino teacher namin." Naiiritang reklamo ni Miko.

Monday ngayon, at sobrang traffic nga naman talaga papunta sa school nila. Inip na inip na siya na bago pa niya tuluyang natanaw ang ekwelang pinapasukan. Agad siyang bumaba ng jeep, at tinakbo ang distansya papunta sa bakal na gate ng school. Sa sobrang pagmamadali ay hindi niya namalayang may kasalubong pala siya.

"Aray!" React ng babaeng nabangga niya. Tiningnan niya lang ito imbes na tulungang tumayo. Ni hindi niya nagawang mag-sorry dito. Ni ang pagpulot nga sa kumalat nitong mga kwaderno matapos tumilapon ay hindi niya nagawa. Ang tanging nasa isip niya lang kasi ng mga oras na iyon ay ang makarating kaagad sa kaniyang classroom. Nangyari naman ang nais niya, at laking pasasalamat pa nga niya dahil wala pa pala ang teacher nila.

"Tol, wala daw si Ms. Shine ngayon. May importanteng nilalakad daw."

Salubong sa kanya ng kaklase at kabarkadang si James. Agad na nalukot ang mukha niya sa narinig. Lalo pa at naisip niyang siguradong bawas pogi points ang itsura niya ngayon. Sa kakamadali niya kasi ay hindi na siya nakapagbihis ng maayos. Tabingi ang polo niya, at hindi rin naka-gel ang buhok niyang unat na unat na nakalatag sa kaniyang ulo.

"Oh, bakit nakabusangot 'yan?" Puna sa kaniya ng bagong dating na si Gian.

"Baka namimiss si Ms. Shine, tol." Tatawa-tawang wika ng isa pang kabarkada nilang si Jamal. Nakasunod pala ito sa bagong dating na si Gian.

"Tigilan niya nga ako."

Padabog na umupo siya sa kaniyang silya, at walang ganang yumukyok doon.

"Uy, ano 'yan? Ang lagay ba'y ganyan nalang? Ano Miko hindi ba't kapag ganito eh dapat dating gawi tayo?" Pukaw sa kaniya ni James na siyang tuluyang nagpabalik sa huwisyo niya. Nakangising nag-angat siya ng tingin. At kahit walang anumang salitang namutawi sa mga labi niya ay alam na ng mga kabarkada ang ibig sabihin no'n.

Dating gawi!

Agad na lumabas ang apat sa kanilang classroom, at nagtungo sa likurang bahagi ng isang abandonadong silid. Hinawi nila ng tila kurtinang damo na nakatakip sa isang bahagi ng pader. Sabay-sabay silang napangisi nang bumungad sa kanila ang lagusang sila lamang ang may alam. Sila ang gumawa ng lagusang iyon na kakasya lamang ang isang taong may katamtamang sukat ang katawan. Alam nilang walang ibang nagagawi doon liban sa kanila dahil takot ang ibang estudyante sa dakong iyon. Balibalita kasing haunted daw di umano ang abandonadong silid. Pero wala naman silang pakialam sa silid. Dahil ang nasa kabilang ibayo ng pader ang kanilang pakay. Ang tinutukoy niyang dating gawi. Ang boardinghouse ng mga babae. Tuluyan na silang lumabas ng school gamit ang lagusan.

"Ayos, tol mukhang maliligo yung crush mo, ah." Nakangiting wika ni Jamal kay Miko ng makita ang isang babaeng border na papasok sa CR.

"Ayos! At dahil ang crush ko pala ang maliligo ako lang ang sisilip." Excited na wika ni Miko sabay bitbit ng monobloc chair at pumuwesto para makasilip. Una niyang nakita ang likurang bahagi ng dalaga ng hubarin nito ang suot na pang-itaas. Sabik na mas ginandahan niya pa ang puwesto nang makitang ang pang-ibaba naman ang huhubarin nito. Napakagat labi siya nang makita ang kulay puti nitong panty. Dangan nga lamang at hanggang doon na lamang ang maari niyang makita. Sa tinagal-tagal kasi ng pamomoso nila, ni minsan ay hindi niya nakitang naghubad-baro  ang dalaga.

"Tol, kami naman." Ungot ng mga kabarkada niya.

Parang walang narinig na nagtuloy sa pagsilip si Miko. Sa inip ay gumawa na ng paraan ang tatlo para makasilip din. Isang hagdanan ang nakita nila sa may likod bahay. Isinandal nila iyon sa tabi ng kinatutungtungang upuan ni Miko. Si James ang unang sumilip tapos si Jamal. Akmang susunod na rin sana si Gian ng may makakita sa kanila.

"Hoy, anong ginagawa niyo d'yan?!" Pasigaw na tanong ng isang matandang lalaki. Agad namang nagpulasan ang apat dahil sa nangyari. Isang oras na ang nakalilipas nang magkita-kita ulit sila sa classroom.

"Muntik na tayo do'n, ah." Natatawang pahayag ni James.

"Oo nga buti nalang mabilis tayong tumakbo." Pahayag naman ni Jamal.

"Buti nga kayo nakasilip eh ako wala." Naiiritang wika naman ni Gian. Si Miko naman ay nasa isang tabi lang walang kaimik-imik Tatanungin sana nila ito ng dumating naman ang teacher nilang si Ms. Irene. Mabilis lumipas ang oras at kailangan na nilang umuwi. Naglalakad na sila ng mapansin ni Miko ang isang pamilyar na babae. Eto 'yong nabunggo niya kanina.

"Miss?" Tawag niya sa pansin nito.

"Ako ba kinakausap mo?" Takang turo ng babae sa sarili sabay lingon sa paligid.

"Yeah. Sorry nga pala sa nangyari kanina. I know it's my fault at dapat kanina pa ako nag-sorry. Pasensya na I was in a hurry kasi kanina."

"Ah 'yon ba? Naku ayos lang. May kasalanan din naman ako,eh. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaan ko."

"Friends?" Nakangiting pahayag ng lalaki sabay lahad ng palad na tinanggap naman ng dalaga.

"Ako nga pala si Miko. Miko Cordovez at your service."

"Abegail Dapat"

Inaya ni Miko si Abegail na mag-snack tapos ay hinatid niya ito sa tinutuluyan.

"Dito ka pala nakatira?" Nagniningning ang mga matang tanong ni Miko. Paano kasi do'n sa binubosohan nilang boardinghouse ito nagpahatid.

"Oo. Bakit?"

"Hoy, anong ginagawa mo dito mamboboso ka?" Ang galit na boses ng isang matanda ang sumalubong sa dapat sanay papasok sa boardinghouse na si Miko. Napatakbo naman si Miko sa sobrang gulat. Kinuwento naman ng mga nando'n ang nangyari kay Abegail.

"Kaya pala siya nagkukumahog sa pagtakbo." Natatawang wika ni Abegail.

Apat silang boarders do'n. Siya, si Lynne, si Sharliene at ang binosohan nina Miko kanina na si Nora. Kasama nila doon ang mag-asawang may-ari ng boardinghouse at ang anak ng mga itong si Deak.

Kinabukasan ay maagang nagising si Miko. Ayaw niya na kasing ma-late. Tatayo na sana siya ng mapansing tila hindi niya maramdaman ang mga paa niya. Sinilip niya ang mga ito, at nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Namamaga ang mga paa niya. At sa sobrang pamamaga ay hindi niya na ito maramdaman. Sinubukan niyang tumayo ngunit tila naman lalong namaga iyon hanggang sumabog ito sa sobrang maga, at naglabasan ang hindi mabilang na mga uod mula doon.

"Ahhhhhhhhh...." Malakas na sigaw niya habang pilit pinapagpag ang mga uod na nasa paa na ngayon ay kinakain ang nabubulok niyang laman.

Itutuloy...





















Ok lang po ba tong first chap? Please vote, leave a comment and share... Expect me to update this story atleast once a week...

<3 <3 <3 Mitch

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon