Happy 6k+ reads...
Maraming maraming salamat po talaga sa inyo... :)Hinaplos haplos ni Rico ang natutulog na si Nora. Nandito sila ngayon sa kanyang tiyong si Ka Berting. Kapatid ito ng kanyang Ina. Ayaw niyang madamay ito sa problema niya dahil tahimik narin itong naninirahan bilang isang albularyo. Ngunit wala siyang ibang mahingan ng tulong kundi ito. Alam niyang kaya nitong sulusyonan ang problema niya kay Nora.
"Shapeshifting ba kamo? Isa lang ang kilala kung may ganyang katangian na hindi isang aswang."
Pinag-uusapan nila ngayon ang bago niyang nadiskubrehan sa kaibigang si Ruby.
"Sino ho ang kilala niyong kayang magpalit ng anyo, Tiyo."
"Si Abegail. Isang kilalang mangkukulam na gumagamit ng itim na mahika sa aming kapanahunan. At sa lahat ng mangkukulam ay bukod tanging ang lahi lamang na kinabibilangan niya ang kayang magpalit anyo. Hindi kaya anak niya ang kaibigang tinutukoy mo?"
"Imposible ho dahil Shine ho ang pangalan ng Mama ni Ruby. At isa pa mukhang ordinaryong tao lang siya."
"Wala sa kaanyuan ang pagiging mangkukulam, iho. Tulad natin ay namumuhay narin sila kasabayan ng mga tao. Mahirap ng malaman kung sino ang ordinaryo lang at yung hindi."
"Kung ganun ho. Posible ho bang si Nanay Shine at Abegail ay iisa? At si Ruby ay tagapagmana niya ng kanyang itim na mahika?"
"Hindi natin lubusang alam ang katotohanan, iho. Pero isa lang ang masasabi ko. Mahirap kalabanin silang kayang magbagong anyo."
Tinalikuran na siya nito at hinarap ang nilalaga nitong iba't ibang klase ng dahon ng mga hindi niya kilalang puno. Iyon daw ang magiging sulusyon sa problema niya. Magagawa nitong makalimutan pansamantala ni Nora ang lahat bago ito sasailalim sa hipnotismo. Gagawin nila iyon para tuluyang mapasakanya si Nora. Inumpisahan niya ito at wala ng urungan.
Di nga nagtagal ay gumalaw ito at anyong magigising na. Agad niyang ikinubli ang sarili at sumilip sa may mga siwang ng kawayan. Siguradong hindi siya mapapansin ng dalaga. Hindi siya pwedeng makita ng dalaga. Saka na. Saka na pag pwede niya ng sabihing mag-asawa silang dalawa.
"Nasan ako?" Sapo ni Nora ang sumasakit na ulo.
Iginala niya ang paningin sa paligid. Nasa isang bahay siya na gawa sa kawayan. May umuusok sa paanan niya at bahagya siyang umangat para makita iyon. May nakasalang sa lutuang kahoy. Kahit masakit ang ulo ay pinilit niyang tumayo. Napaupo nga lang ulit siya dahil sa pagkahilo.
"Gising ka na pala. Kumusta ng pakiramdam mo, Ineng?"
Nilingun niya nagsalita. Isa iyong matandang lalaki. Kaedad marahil ng lolo niya.
"Ano hong ginagawa ko dito?"
"Nakita kitang walang malay sa gubat kanina. Akala ko nga patay ka na pero ng makapa kong may pulso ka pa ay agad kitang dinala dito. Ako nga pala si Berting. Tawagin mo nalang akong Tiyo Berting. Isa akong albularyo." Pagpapakilala nito.
"Yung malaking aso ho. Siya ho yung tumangay sa akin. Nasaan na po siya? Baka po nasa paligid lang siya. Baka po kunin niya po ulit ako." Nanginig siya sa takot ng maalala kung panu siya nakarating doon.
"Huminahon ka Ineng. Heto inumin mo muna to."
Inabot sa kanya ng matanda ang isang basong bahagya pang umuusok ang laman. Tiningnan niya muna iyon at bumaling sa matanda. Ngumiti ito na parang sinasabing pag ininum niya iyon ay magiging maayos na ang lahat.
Tumikim siya ng kunti at napangiwi siya sa pait nun.
"Wag mong lasahan. Deritsuhin mo lang ang pag-ino at malalasahan mo ang tamis pagkatapos."