Happy2x 50k+ reads... Ano pa nga po bang masasabi ko kundi thanks po talaga ng maraming marami. Hahahaha... lage nalang ganito sinasabi ko. Memoryado niyo na ata ang AN ko. Hay naku basta. Enjoy reading... :)
K2-22
"Phasmatos Tribum, Melan Veras, Et Vasa Quisa Exilum San."
Bawat katagang binibitawan ni Nora ay tinatangay ng hangin papunta kay Abegail. Dahilan para parang ahas na kumiwal ang nilalang na nakakulong sa isang bahagi ng katawan nito.
"Ahhhhhhhhh..."
Pumunit sa katahimikan ng gubat ang nakakabinging tinig ni Abegail.
"Pax!" Nanggigigil niyang saad dahilan para muling pumayapa si Rogue na siyang nagwawala.
Gigil na iginala niya ang paningin sa paligid. Kailangan niya ng umpisahan ang ritwal. Pero hindi niya iyon magagawa kung may aabala sa kanya. Ikinumpas niya ang kamay at kusang humawi ang mga talahib na nakatabon sa pinagkukublihan ni Nora.
"Levitato!"
Kusang lumutang ang babae papunta sa kanya. Ipinitik niya ang kamay at parang lantang gulay na bumagsak ang walang malay na katawan nito.
"Siguro naman ay maari ko ng umpisahan ang ritwal." Aniyang ihinihanda ang sarili. Pumunta siya sa gitna ng bilog. Lumuhod siya at umusal ng salitang latin pagkatapos ay tumingala. Kumidlat ng malakas at tumama iyon sa bawat panig ng bilog. Bawat tatamaan nito ay nag-aapoy.
Samantala ay kitang kita naman ni Nora ang ginagawa ng babae. Di niya akalaing kakagatin nito ang ilusyong binuo niya kanina.
Nabasa niya kasi sa isip nito ang balak nitong gawin kaya nagawa niyang makapagkubli sa puno at gumawa ng isang kahalintulad niya at siyang ipinain niya kay Abegail.
Hindi niya akalaing ganun lang niya kadaling nalinlang ang babae. Ngayon ay malaya na siyang gawin ang pagpapalaya kay Rogue upang matulungan siyang magapi ang babae.
Muli niyang inusal ang pagpapalaya kay Rogue ng bigla nalang tamaan ng kidlat ang kinatutungtungan niyang sanga ng puno. Dahilan para malaglag siya sa lupa. At dahil hindi niya iyon inasahan ay labis niyang ininda ang nangyari. Medyo may kataasan din kasi ang kanyang pinagbaksakan.
"Hindi mo ko kaya, Nora. Nagkakamali ka ng piniling kalabanin." Bulong sa kanya ng hangin.
Umihip ito ng malakas pagkatapos at kasabay nun ang pagkahati ng lupa sa pagitan nila ng gumagawa ng ritwal na si Abegail.
Pinilit niyang tumayo kahit sumasakit ang balakang. Sinubukan niyang tumawid ngunit di niya magawa. Tila inilagay siya nito sa ibang dimensiyon. Bagama't nakikita niya parin ito. Pumunta siya sa dulong bahagi pero muli siyang napaatras ng makitang unti unti nabibitak ang lupa. Huminto siya at tumigil ang pagbitak. Sinubukan niyang muling humakbang at ganun muling nabitak ang lupa. Kung ganun ay hindi siya maaring kumilos dahil tiyak guguho ang kinalalagyan niya. Gusto niya ng panghinaan ng loob ng makitang may mga parating. Nagliwanag ang mukha niya ng makita sina Ruby, Rico at Nanay Shine. May kasama pang matanda ang mga ito na hindi niya kilala. Uusal sana siya ng pagtawag ng bigla nalang dumilim ang paligid. Natigilan siya. Hindi rin siya maaring kumilos dahil baka magkapirapiraso ang kinaroroonan niyang kapirasong lupa at tuluyan siyang mahulog sa kawalan.
Maging ang palapit na sa kinaroroonan ni Abegail na sina Shine ay natigilan din. Binalot na kasi ng kadiliman ang paligid. Hindi na nila mahanap si Abegail na ng mga sandaling iyon ay patuloy paring ginagawa ang ritwal. Naging invisible siya dahil sa kapangyarihan narin ng itim na buwan. Hindi siya makikita ng mga ito hangga't hindi ang buwan mismo ang nagbigay ng pahintulot.