Season 2-Chapte0r 15

9.3K 177 1
                                    

Happy 27k+ reads at rank #10 ulit. Yehey!!! Thanks po talaga sa inyo. At dahil dyan ang chapter po na ito ay para kina @ishanti2015 at @cerlygrace. Thanks sa comment. :)








K2-15

Napaatras ang takot na takot na si Nora. Dalawang hakbang na nagagawa niya ay isang hakbang lang para sa lobo. Tandang tanda niya. Hindi siya maaring magkamali. Ito rin ang lobong tumangay sa kanya papunta sa gubat na iyon. Kaya naman sigurado din siyang si Rico ang lobo. Pero bakit ganun parang hindi siya nito nakikilala.  Sa tuwing gumagalaw siya ay nagniningas ang mga mata nito. Para bang ikinagagalit nito ang pag-atras niya. Pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Hindi pa siya ganun kagaling sa mahika. At dahil nerbiyos ang nangingibabaw sa kanya tiyak hindi siya makakapagconcentrate. Tiyak pag nagbitaw siya ng spell sa ganung kalagayan ay wala ring epekto. Lihim niya nalang dinasal na sana ay sinundan siya ng Nanay Shine niya. Pero habang wala pa ito ay gagawa muna siya ng paraan para maiwasan ang lobo.

Atras dito. Takbo dun. Halos lumabas na mula sa dibdib niya ang kanyang puso sa tindi ng kabog nun.

Nilingon niya si Rico. Papunta na naman ito sa kanya.

"Ignis!" Usal niya sa pag-asang makalikha kahit kunting apoy. Ngunit tanging mumunting usok lang ang lumabas mula sa mga tuyong dahon. Palapit na si Rico. Gusto niya pa sanang subukan ulit pero hindi na talaga pwede. Kailangan niya na talagang umatras kung ayaw niyang malapa ng wala sa oras.

Umatras siya. Mabilis para wag siya nitong abutan. Pero napalunok siya ng may maapakan. Paa? May tao? Dahan dahan niyang ipinihit ang ulo pra tingnan kung sino yun. Ngunit di pa siya tuluyang nakakalingon ay inlipad na siya ng naturang nilalang. Aswang!

Ang lobo naman na si Rico ay hanggang tingin na lamang ang nagawa dahil hindi niya na kontrolado ang sarili. Oo siya parin iyon pero ang masamang Rogue na ang may kontrol sa kanya.  Batid niyang natakot ang babae sa bawat paglapit niya at pagdingas ng kanyang mata. Pero wala siyang magawa. Makapangyarihang si Rogue. Bakit ba naman kasi naisipan ni Nora na sundan siya. Pero sana rin pala hindi na lamang niya ito pinuntahan. Puro sana nalang siya kasi nangyari na. Ang pinakamahirap nga lang ay wala na siyang magagawa kundi pagmasdan nalang ang dalaga habang inililipad ni Manilyn palayo. Wala siyang silbi. Ni hindi niya magawang ibalik ang sarili sa anyong tao. Natatakot siyang dumating ang oras na lamunin nrin ng tuluyan ni Rogue ang kanyang katauhan. Talaga bang magiging kalayaan ng lahi nila ang muling pagkikita nina Rogue at Abegail? Talaga bang matitigil na ang pagtugis? O baka naman niloloko lamang nila ang mga sarili. Dahil base sa kanyang napapansin ay parang iba ang nais ng Rogue na ito. Sana namatay na lamang siya kasama ng Ina kaysa nabuhay para isakatuparan ang isang huwad na propesiya.

Samantala ay patuloy naman si Nora sa panlalaban. Ngunit sa kasamaang palad ay mukhang mahigpit ang kapit ng aswang  sa kanya kaya hindi siya nito mabitawbitawan. Hindi niya alam kung ano ang balak nito. Baka mamya ipalapa pa siya nito sa iba nitong mga kasama. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Concentrate Nora, concentrate. Pinayapa niya ang sarili at hindi inisip ang posibleng kahantungang panganib. Kailangan maniwala siya sa sariling kaya niya. Pumikit siya at umusal ng mahinang panalangin para siya gabayan ng Diyos ng kalikasan. Umihip ang malakas na hangin. Ramdam niya ang bawat paghampas nito sa mukha niya.

Bahagya namang naantala ang paglipad ng aswang na si Manilyn. Ramdam niyang pinipigilan siya ng hangin. Sinasalungat siya nito. Ngunit hindi siya maaring huminto sa paglipad kung ayaw niyang tangayin ng hangin. Tiningnan niya ang babaeng tangan. Maari kaya?

"Rigescent!"

Bigla ay tumingala ito sa dako niya. Unalingawngaw sa gubat ang boses nito kasabay ng biglaan niyang pagbulusok pababa. Bigla na lamang siyang nanigas. Bigla rin ang paghinto ng malakas na bugso ng hangin. Pakiramdam niya ng nagkalasoglasog ang mga buto niya pagdating sa ibaba. Muli siyang nagbalik sa anyong tao. Panu nangyaring naging ganun kalakas ang babae?

Lumingon siya at nakita niya itong nakapikit na muli. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito. Baka tuluyan siya nito. Hindi rin siya makakalaban kung sakali mang sugurin siya nito dahil sa pinsala niya.

Si Nora naman ay tila hindi na makontrol ang sarili. Para siyang sinapian ng isang makapangyarihang mangkukulam dahil sa mga nagagawa niya. Ito ba? Ito ba ang kayang gawin ng isang mahika? Ang sarap pala sa pakiramdam. Tumingala siya itinaas ang kamay at iminulat ang mga mata. At bumwelo para makasigaw.

"Ahhhhhhhhh..."

Umalingawngaw sa bawat panig ng kagubatan ang kanyang matinis na boses. Bawat inaabot nun ay hinahangin ng malakas at nagtutumbahan ang mga puno. Tila siya hindi nauubusan ng hangin na putuloy lamang sa pagsigaw. Lahat ng inaabot nun ay nawawasak.

Bigla namang napalingon si Shine ng marinig ang tinig at makita ang malakas ng pwersang kaakibat nun.

"Si Nora!" Mahinang bulong niya sa hangin.

Kilalang kilala niya ang boses nito. Pero anung nangyayari? Bakit ang lakas ng babae?

"Pax!" Usal niya ngunit wala iyong naging epekto. Bagkus ay parang pinalala pa nun ang epekto ng boses ni Nora sa paligid. Kailangan hanapin niyang dalaga. Kailangan niya itong pigilan. Baka mawasak nito ang buong kagubatan. Wala na silang mapagkukublihan.

"Pax!"

Napamulagat siya ng may nagsalita sa likod niya. Pero higit na nanlaki ang mata niya sa nakita. Sinunod ng hangin ang utos nito. Pumayapa ang paligid. Parang walang nangyari.  Dahan dahan niyang ipinihit ang sarili paharap dito. At kusang tumulo ang luha niya ng makita kong sino ang nakatayo sa kanyang likuran.

"Anak!"

To be continued...








Salamat po sa pagbabasa. Bukas po ulit may UD. Sana abangan niyo po. Nalalapit na po ang pagtatapos ng ating season 2 at ang ating finale. Marami pong salamat sa inyong suporta sa kulam.

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon