Season 2- Chapter 3

11.9K 250 7
                                    

Alam ko po maraming nabitin sa UD kahapon kaya eto nag UD po ulit  ako para makabawi... Enjoy reading...

Nag-aalab ang mga mata ni Ruby habang nakatingin sa dalawang masayang nagbubulungan.

"Ang mga walanghiya! Magkapatid lang daw ang turingan pero parang mga bagong kasal kung maglandian." Mahinang bulong niya habang madiing nakakuyom ang kamao.

Halos magdugo na nga ang mga kamay niya sa sobrang panggigigil. Di naman nakaligtas kay Rico ang naging reaksyon na iyon ng dalaga. Buong pagtatakang sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito. At dun niya nakita si Nora na may kasamang isang lalaki. Nakaupo na ang mga ito sa labas. Parang pinagpirapiraso ang puso niya sa nakitang kasiyahan sa mukha ng dalaga habang nakikipag-usap sa kasama nito. Napakatamis ng ngiti nito na ni minsan ay di niya nakitang iginawad nito sa kanya.

"Ruby? Ruby ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya dito. Base kasi sa nakita niyang reaksyon nito ay mukhang apektado ito sa nakitang eksena.

"Tinraydor nila ako, Rico." Halos pati boses nito ay nanginginig na. Marahil ay dahil sa tinitimping galit.

"Anong ibig mong sabihin?" Kahit parang alam na niya ang tinutumbok nito ay nagtanong parin siya.

"Ang kasamang lalaki ni Nora ay ang masugid kung manliligaw na malapit ko na sanang sagutin. Si Mercylito." Kitang kita niya ang paglungkot mukha ni Ruby habang sinasabi iyon. Maging ang boses nito ay kababakasan ng pait at hinanakit. Naaawang kinuha niya ang kamay nito at pinisil. Ginawa niya iyon para kahit papano ay maramdaman nitong may karamay ito sa kanyang katauhan.

"Gusto ko ng umuwi."

"Sige tara na ihahatid na kita."

Nagpatianod lang ito ng alalayan niya patayo. Lumabas sila ng restaurant na iyon na hindi nila namamalayang may dalawang pares pala ng mga matang nag-aalab sa selos habang nakatingin sa kanila.

"Nakakainis, Mercy kasi kahit anong gawin kong pigil sa sarili ko nahuhulog parin ako sa kanya." Gigil na sambit ni Nora.

Kanina lang ay ikinwento niya kay Mercylito ang lahat. Kaya nga hindi na ito nagulat ng makita si Ruby at si Rico. Pero kahit ganun ay di parin nito mapigilang masaktan. Lalo na ng alalayan ng lalaki ang dalaga at igiya palabas ng restaurant.

Nagulat pa si Nora ng bigla nalang tumayo si Mercylito.

"San ka pupunta?"

"Susundan ko sila. Hindi pwedeng manood nalang tayo at mag-abang sa mga susunod pang mangyayari." Padabog na tumayo ito at umalis sa lugar na iyon. Halos magkandarapa pa siya sa kakahabol dito.

"Mercy, ano ba magdahan dahan ka naman." Sita niya dito.

Parang walang narinig na nagdirediretso lang ito sa paglalakad. Para bang sinasabing kung gusto niya sumunod siya. At kung ayaw niya ay di siya nito pipilitin. Agad nitong pinara ang parating na taxi at sumakay. Pati siya ay sumakay narin sa takot na basta nalang siya nito iwan. Wala pa naman siyang pamasahe.

"Manong, sundan mo yung kotse na yun." Utos nito sa driver. Tarantang sumunod naman ang driver sa sinabi nito. Napansin niyang parang natakot ito sa paraan ng pagkakatitig ni Mercy dito. Maski siya ay natatakot pero kailangan niya itong sitahin. Kita niya kasing pinagpapawisan na ang driver kahit aircon pa ang taxi nito.

"Mercy, pwede ba nakasunod na naman tayo sa kanila, oh. Wag mo ng sigaw sigawan si Manong kawawa naman. Wag naman natin siyang idamay sa problema natin, ok." Para naman itong natauhan dahil sa sinabi niya.

"Sorry po, Manong." Mahinahong wika nito na tinanguan lang ng takot na driver.

"Magmaneho lang po kayo. Basta sundan niyo lang po yung kotse." Nakahinga siya ng maluwag ng huminahon na ang boses nito.

Tahimik sila buong byahe. Panakanaka ay tinitingnan niya sa rearview mirror ang reaksyon nito. Wala siyang emosyong nababakas sa mukha nito. Pero alam niyang galit ito. Ngayon niya lang din kasi nakitang ganun ito kaseryoso.

Samantala ay ihahatid na sana ni Rico si Ruby sa kanila kaso nakatulog pala ito. Payapa at himbing na himbing. Napakamot nalang tuloy siya sa ulo. Oo nga pala hindi nga pala niya alam kung saan ito nakatira. Nakalimutan niya ring tanungin ito kanina. Tiningnan niya ito habang nag-iisip. At wala sa loob na dinala siya ng kanyang pagmamaneho sa sariling bahay. Tama. Dun nalang muna niya ito pagpapahingahin. Labag iyon sa patakaran ng kanilang pamilya. Pero kung wala namang ibang makakaalam liban sa kanya ay ligtas siya. Ligtas sila pareho. Humimpil siya sa gilid ng gate. Wala kasi siyang kasama sa bahay kaya siya lang din ang nagbubukas na gate pagdumadating siya.

Magbubukas na siya ng gate ng mapansin ang isang taxi sa di kalayuan. Anong ginagawa ng taxi iyon dun? Para kasing kanina pa sila sinusundan nun. Noong una ay di niya masyadong binigyang pansin. Pero nung lumiko iyon ng lumiko sila sa may subdivision na tinitirhan niya ay bahagya na siyang nagduda. Pero tanda rin niyang nawala iyon at lumiko sa kabilang kalye kanina. Nag-isip muna siya kung ano ba ang makakabuting gawin bago niya napagdesisyunang lapitan ang taxi.

"Tol?" Tawag niya sabay katok sa bintana ng sasakyan. Hindi niya prin maaninag ang sakay nun o kung may kasama ba ang driver. May pagkatinted kasi yun ng kunti pero maari mo namang maaninag ang sakay kung maliwanag. Yun nga lang madilim na tsaka madilim din ang parte kung saan iyon nakapark. Kinakabahan siya at hiniling na sana'y hindi masasamang loob ang lulan nun. Kumatok pa ulit siya ngunit wala siyang nakuhang sagot. Napailing na lamang siya. Baka akala niya lang ito yung taxi kanina. Baka nga nauna pa sa kanya iyon dun. Paranoid lang siguro siya masyado. Pilit niyang hinahanapan ng ekplenasyon ang kanyang mga pagdududa.

Napabuntong hininga pa siya bago nag-umpisang lumakad palayo.

"Rico?"

Agad siyang napalingon ng marinig ang pagtawag na iyon. Pero kamao ng kung sino mang tumawag sa kanya ang sumalubong sa kanya. Bumalandra siya sa gilid ng taxi sa tindi ng pagkakasuntok nito.

"Mercy, tama na." Napaangat siya ng tingin ng marinig ang mayuming boses na iyon na napakapamilyar sa kanya.

At tama nga siya. Si Nora ang may-ari ng boses na iyon. Hawak nito sa braso ang gigil na gigil na si Mercylito. Nalilito at nagtatanong ang mga matang napatingin siya dito.

"Sorry Rico." Mapagpaumanhing wika ng babae.

"Ba't ka humihingi ng tawad sa lalaking yan, huh?" Nagulat pa siya ng iglap lang ay isinalya ng binata si Nora papasok sa loob ng taxi.

Dahil doon ay para siyang nagkaroon ng panibagong lakas at siya naman ang umunday ng suntok dito. Yun nga lang ay parang eksperto ata ito sa pakikipag-away kaya agad itong nakaiwas. Hinawakan nito ang mga kamay niya at inilagay sa likod.

"Akin lang si Ruby." Mahina pero ubod ng diing bulong nito sa kanya.

Literal namang nag-alab ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Ang kapal ng mukha nitong sabihing pag-aari nito si Ruby samantalang nakikipagdate din ito kay Nora.

Inipon niya lahat ng lakas sa kanyang mga kamay at parang papel lang ito ng iangat niya at ibalibag sa isang kanal malayo sa kanilang kinaroroonan. Hinihingal pa siya ng maramdaman niyang may sumusuntok sa likod niya.

"Walanghiya ka. Anong ginawa mo."

Akmang haharap sana siya sa babae ng may mapansin siya sa mga braso niya. Hindi pwedeng malaman ng babae ang totoo. Imbes na lumingon ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kanyang kotse at pinaharurot iyon palayo. Kailangang mawala ang galit niya. Ngayon lang siya nagkaroon ng normal na buhay at nagkaroon ng kaibigan. Hindi pwedeng maunsiyami iyon ng dahil sa kanyang kahapong matagal na niyang tinatakasan.


To be continued...

May UD pa po to until bukas. Para di kayo masyadong mabitin. Maraming salamat po sa pagbabasa. Sana po ay malaman ko po kung anong tingin niyo sa story ko by leaving a comment. Thanks po ulit. Please vote and pafollow narin...

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon