Final Season Finale

5.8K 130 4
                                    

K3-5

"Rico." Ani Nora ng tuluyan ng makalapit sa lalaki. Hinatid siya doon ng babaylan ayun narin sa kagustuhan niya. Nagmistulang sanggol na nahihimbing sa ibabaw ng papag na iyon na gawa sa kawayan ang binata. Gusto niya itong gisingin pero di niya magawa. Wala silang magagawa dahil ayun sa matandang babaylan ay kagustuhan mismo ni Rico ang mga nangyayari sa kasalukuyan. Bakit? Ganun ba kalaki ang galit nito sa kanya? Diba nga dapat ay siya ang magalit dahil sa ginawa nitong pagsamantala sa kahinaan niya? "Rico." Muli ay usal niya kahit pa alam niyang wala namang sasagot sa kanyang pagtawag. Hinaplos niya ang malambot nitong mga pisngi. Ang dami ng nangyari sa kanila. Parang kelan lang ay nasa eskwelahan lang siya at ginagawa ang mga bagay na gawain din ng iba pang ordinaryong nilalang na kawangis niya. Pero ngayon ay iba na. Naiinis siya dito dahil ninakaw nito ang pagiging inosente niya. Ito ang nagdala sa kanya sa mundong hindi niya akalaing nag-eexist din pala. Dapat sabay nilang harapin ang mundong ito. Kailangan ay maging responsable sila sa isa't isa. Pero sa sitwasyon ng binata sa kasalukuyan ay mukhang kailangan niya ng tanggapin na dapat ay ibalik niya na ang sarili sa mundo kung saan talaga siya nababagay. Isa lamang siyang ordinaryong nilalang na kung hindi dahil sa pagtitiyaga ni Nanay Shine ay hindi matuto ng mga di pangkaraniwan. Tama ng malaman niyang totoo ngang hindi lamang ang mga tao ang narito't nakatira sa mundo. May mga ibang nilalang din. Hindi man natin nakikita ay nararamdaman naman natin ang presensya at katulad natin ay kailangan din silang igalang.

Hinayaan niyang maglakbay ang kanyang kamay sa makinis nitong mukha hanggang binawi niya iyon kasabay ng isang hakbang paatras. Haharapin niya na ang mundo niya. Ang totoong mundo niya. Muli ay sinulyapan niya ang lalaki. Pilit niyang pinigilan ang pag-agos ng kanyang suwail na mga luha. Ayaw niyang umiyak. Hindi ngayon. Hindi na kailanman. May anak siya kaya kailangan niyang maging matatag.

"Paalam, mahal ko." Mahinang bulong niya sa hangin pero sapat na para makarating iyon sa pandinig ng kakadilat pa lamang na si Rico.

"Nora?" Para siyang itinulos sa kinatatayuan sa narinig. Totoo ba ang naririnig niya? Si Rico ba talaga ang nagsalita? Nakiramdam siya at muli ay inantay itong magsalita ngunit ilang segundo na ang dumaan ang wala siyang narinig.

"Guni-guni."

Napabuntung hiningang muli siyang humakbang.

"Nora, sandali." Muli ay tangis ng isang boses. Natutukso na siyang lumingon dahil sa narinig pero ayaw niyang madismaya. Ayaw niyang makita ang nakapikit na si Rico kapag lumingon siya. Alam niya kasing guni guni niya lamang ang lahat dahil sobrang namimiss niya na ito. Kaya naman tulad ng una ay binalewala niya ang kanyang narinig. Muli ay humakbang siya palayo.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apa-

Hindi pa man lumalapat sa lupa para sa ikaapat na hakbang ang kanyang mga paa ay naramdaman niya na ang pagpuluput sa kanya ang isang pares ng kamay. May yumakap sa kanya mula sa likuran!

Tuluyang pumatak ang kanina niya pa nagbabadyang mga luha.

"Pakiusap kung nananaginip man ako ay gusto ko ng matigil ang kahibangang ito." Aniyang di napigilang mapapiyok.

"Hindi ka nananaginip mahal ko. Nagbalik na nga ako. Pakiusap harapin mo naman ako." Anang lalaki. Di siya makapaniwala. Totoo ba talaga ang nagaganap? Dahan dahan ang ginawa niyang paglingon. Halos hindi na nga siya humihinga sa tindi ng kanyang kaba. Panu kung halusinasyon lang ang lahat? Baka tuluyan siyang mabaliw. Pero ganun pa man ay kailangan niyang harapin ang katotohanan.

"Rico." Parang gripong ayaw paawat sa pag-agos ang mga luha niya ng tuluyang makita ang lalaking kanina lamang ay nakahiga sa papag na kawayan na ngayon ay nabakante na dahil nakatayo na sa harapan niya ang dati'y nakahimlay doon.

"Please wag ka ng umiyak." Anitong sinapo ng magkabilang kamay ang kanyang mukha. Lalo tuloy nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.

"Sorry na. Please patawarin mo na ko. Pangako di na uli ako aalis. Pangako di na kita iiwan." Anito habang masuyo siyang kinakantilan ng halik sa kanyang noo.

"Hindi ka galit sa akin?" Imbes na ang pagpapatawad ay iba ang mga salitang nanulas sa kanyang mga labi.

"Hindi ako galit. Panu naman ako magagalit sa mahal ko? Kung galit man ako hindi sayo, Nora kundi sa sarili ko. Kung may iba man akong naramdaman sa iyon kaya kita hindi hinarap noon ay walang iba iyon kundi pagkahiya. Hiyang hiya ako dahil alam mo ng sinamantala ko ang pagiging mahina mo. Pero totong nagawa ko yun dahil mahal kita. At hindi ko iyon pinagsisihan lalo na ng makita ko si Baby Rino. Please, Nora-

"M-mahal mo talaga ako?" Di makapaniwalang tanong niya.
Hindi niya na pinatapos pa ang pagpapaliwanag nito. Tanggap niya ano man ang rason nito. Sapat niyang marinig niya mismo sa lalaki na mahal siya nito. Dahil pareho lamang sila ng nararamdaman at hindi na nila dapat pahirapan pa ang isa't isa.

Tuwang tuwa naman sina Ruby at Mercylito habang pinagmamasdan ang pagkakaayos dalawa.

"Tayo ba Ruby kelan tayo magpapakasal?" Bulong ni Mercylito sa may punongtenga ni Ruby dahilan para magtayuan ang mga balahibo ng dalaga.

"Ano ka ba!" Anitong pabiro pa siyang hinampas sa braso. Oo nga pala. Dapat ay nag-aasikaso kasal nila kung d lang nangyari ang pangyayaring kinasadlakan nila sa kasalukuyan. Kailangan kasi nilang isantabi muna ang isa't isa at unahin sina Rico at Nora.

"Kelan nga kasi." Muli ay ungot niya.

"Pag-iisipan ko pa ulit."

"Ulit? Eh kelan ko pa malalaman?"

"Ang kulit naman pag-iisipan ko pa nga."

"Kelan nga?" Tanong ulit niya pero di na siya inimik ng dalaga. Bagkus ay nakatitig nalang ito kina Nora at Rico na ngayon ay masayang nakatitig sa isa't isa. Wari'y di makapaniwalang magkasama na nga sila. Gusto niya pa sanang kulitin si Ruby pero mukhang seryoso nga ata ito sa sinabing mag-iisip na muna kaya naman pababayan niya na lamang muna ito. Siguro rin ay kailangan nito ng kunting distansya para makapag-isip ng maayos. At sisimulan niya ng gawin ang distansyang iyon ngayon. Tumayo na siya at humakbang palayo sa dalaga.

"Oo na tuloy na yung plano natin. Sa darating na kabilugan ng buwan pakakasalan na kita." Anitong ikinatigil ng paghakbang niya. Iglap lang ay nasa harap na ulit siya ng dalaga.

"Pwede mo bang ulitin ang sinabi mo?"

"Ayoko nga. Alam ko namang narinig mo, eh." Anitong tila nang-aasar pa.

"Eh di sige aalis nalang ako. Hindi ko rin naman alam kung totoo yung narinig ko, eh." Aniyang nag-umpisa ng humakbang palayo.

"Kasi naman, eh. Oo na nga pakakasal na nga tayo." Anitong ikinangiti niya. Pero di niya ito nilingon at humakbang parin palayo. Hanggang sa namalayan niya na lang na unti unti siyang umaangat sa lupa.

"Ruby." Aniyang sinamaan ng tingin ang dalaga na ngayon ay ngiting ngiti habang nakalutang siya. Hinayaan siya nitong makababa sa harapan nito mismo at bilang parusa ay kinantilan niya ito ng masuyong halik sa mga labi.


The next chapter will be the Epilogue... Thanks po ng marami sa pagbabasa.

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon