Dinala agad ng mga magulang niya si Miko sa ospital. Nataranta ang mga doktor pagdating nila dahil pangatlo na di umano si Miko sa sinugod na ganun din ang kalagayan.
"Sino hong dalawa pa ang tinutukoy niyo?" Kahit hirap ay nagawa pring magtanong ni Miko.
"A certain James Rhoi and Jamal Busok."
SOUTHEAST VALLEY HIGH ACADEMY
Balitang balita ang nangyari kina Miko, James at Jamal sa buong school. Ayon sa usap usapan ay kinulam daw umano ang mga ito dahil sa mga kapilyuhan. Ang nakakapagtaka lang ay bakit sila lang at di kasali yung isa pa na kasama rin nmn nila sa mga kalukohan nila. Isa pa sa naging usap usapan sa school ay ang bago nilang tranferee na si Ruby Rosa Bataller, second year education. Ang wierd daw kasi nito dahil hindi ito nakikipagkaibigan sa kahit kanino. At sa edad nitong 17 ay may dala pa itong isang maynika lage. Naisip na nga rin nila ang posibilidad na baka mangkukulam ito at ito ang kumulam sa tatlo gamit ang maynika nito. Marami kasi ang nakakitang binubully nila ito kahapon. Narinig ni Ruby ang mga bulong bulongan na iyon tuwing dumadaan siya. Ngunit lahat yun ay binalewala niya. Yun nga lang lalo tuloy siyang nawalan ng pag-asang magkaroon ng kaibigan.
"Paupo, huh?" Hinging pahintulot sa kanya ng babaeng nasa harapan. Nsa canteen siya ngayon dahil break time nila. Nginitian niya lang ito bilang tugon. Unang beses iyon na may pumansin sa kanya lahat kasi takot.
"Ako nga pala si Nora. Ikaw si Ruby dba?"
"Oo."
"Ikaw lang ba mag-isa? Wala ka bang kaibigan?"
"Well, well, well. Look who's here. Nora dear I don't know na you're that cheap pala. Imagine nakikipagkaibigan ka dyan sa weirdong yan. Ewww..." Naantala ang dapat sana'y pagsagot ni Ruby dahil dumating si Dhalle. Ang isa sa pinakasikat at pinakamaldita dn nilang schoolmate.
"Oh anyway Ruby if you're thinking na takot ako sayo? Well I am not. Hindi nmn ako naniniwalang mangkukulam ka, eh. Coz you don't look like one though ang pangit mo nga lang." Pahabol pa nito and leave smirking.
"Ruby ok ka lang? Wag mo nalang pansinin yun. Maldita talaga yun, eh."
"Iwan mo nalang ako ayoko ng gulo."
"Anong gulo ba yang sinasabi mo? Walang pwedeng magdikta sa akin sa mga gusto kong kaibiganin ok?"
Di nagtagal ang panunuyo ni Nora dito at magkasundong magkasundo na sila. Mabait at malambing si Ruby taliwas sa mga sinasabi ng mga itong masama ang ugali nito kaya wala itong kaibigan. Talaga lang napakamahiyain nito. Ang maynika namang dala nito lagi ay di nmn talaga ganong pansinin. Maliit at napakacute ng maynika para maging gamit sa pangkukulam. Ayon dito ay iyon ang kaisaisang alaala nito sa namatay na kapatid. Palagi niya itong dala dahil pakiramdam niya kaya siya nitong ipagtanggol katulad ng ginagawa ng kapatid nito nuong nabubuhay pa.Isang araw ay nagkaproblema si Ruby sa tinutuluyan nito kya dinala siya ni Nora sa boardinghouse.
" Nora hindi talaga pwd kc darating dito sa ngayon yung panganay naming si Mercylito kasama pa yung dalawa niyang pinsang sina Joboy at Zhed." Paliwanag sa kanya ng may-ari ng boardinghouse.
"Manong, kahit po sa isang kwarto lang kami. Sige na po, please? Diba ok lang nmn sayo, Ruby?"
"Oo nmn ang importante po nmn may matutuluyan ako, eh."
"Bahala na nga kayo." Sumusukong wika ng kasero habang kinukumpas pa ang mga kamay sa hangin.
Nagkatinginan naman ang dalawa at tumili ng paimpit. Agad naglipat si Ruby ng araw ding iyon. Pagkatapos nilang ayusin ang mga gamit nila ay siya naman dating ng sinasabi ng kasero nila na mga pamangkin.
"Eto nga pala sina Joboy at Zhed. Mga pamangkin ko mula mindoro. Dito na muna sila titira hanggang wala pa silang nahahanap na trabaho. Joboy, Zhed eto naman ang mga boarders nmin dito. Si Lynne, si Sharliene, si Abegail, si Nora at si Ruby." Pakilala ng kanilang kasero sa mga bagong dating.
"Nora,akala ko ba all girls tayo dito?Ba't may mga lalaki?" Mahinang bulong ni Ruby.
"Hayaan mo na. Pamangkin, eh. Tsaka pansamantala lang nmn diba?"
Masaya ng nagkukwentuhan ang mga ito mayamaya. Nakagaanan agad nila ng dating ang mga bagong dating palibhasa'y mga palabiro din ang mga ito. Si Ruby nmn ay nakayuko lang habang kumakain. Naiinis kasi siya dahil sa kakaibang mga tinging pinupukol sa kanya ng panganay ng kanilang kasero, si Mercylito.
Samantala sa ospital naman na kinalalagyan nina Miko, James at Jamal ay nagkakagulo na naman ang mga doctor at nurse. Kakatapos lang nilang sabay na putulin ang mga paa ng mga ito. Ngunit ganun nalang ang kanilang panghihilakbot ng lumipat naman ang mga uod pataas at ngayon ay kalahati na ng katawan ng dalawa ang nilalatakan ng mga uod.
Ng gabing yun naman habang tahimik ang kapaligiran ay makikita ang anino ng isang babae habang tila dinadasalan ang hawak na maynika. Pagkatapos ay nilagyan niya ito ng uod sa mata at bunganga.
Kinabukasan ay napabalitang tuluyan na ngang namatay ang tatlong binata dahil umano sa dami ng uod na naglabasan sa buong katawan ng mga ito. Ni hindi na nga ito ibinurol dahil sa nakakasulasok na mga itsura nito. Ngumisi nmn ng matagumpay sa di kalayuan ang isang babae.
"Umpisa palang yan." Nanggigigil na pahayag nito bago pinatakan ng kandila ang maselang bahagi ng katawan ng maynikang hawak.
"Ahhhhhhhhh....." Halos mapugto ang hininga ng isa sa mga dumalo sa libing dahil sa pagsigaw nito. Namilipit at napaluhod pa ito habang hawak ang kanyang kaselanan.
To be continued...
Ano pong masasabi niyo sa chapter na to? Ayos lng po ba? Sana po nagustuhan niyo siya. Please vote, leave a comment and share...
<3 <3 <3 Mitch