Season 2-Chapter 18

7.9K 191 8
                                    

Happy 41k+ reads. At kahit po bumaba sa tayo rank #15 ayos lang. Thankful prin ako kasi andyan kayo. Thanks po sa lahat ng nag add ng story na to sa kanilang reading list. Thanks po sa mga nagvote at nagcomment. Enjoy reading...












K2-18

"Ex Sommo Exsistal Exunduns Undina Inimicum Immergat in Alveum Vinctus Aquarius!"

Natigilan at nanlaki ang mga mata ni Abegail na nasa katawan ni Ruby ng maramdaman niyang may komokontra sa kapangyarihan niya. Unti unti ay nilalamon ng gahiganting tubig ang apoy niya. Bahagyang humina rin ang apoy na nakapalibot sa kanila. Nawala siya sa konsentrasyon. At maging si Rogue na nasa katawan parin ni Rico ay ganun din.

"Anong nangyayari, mahal ko?" Malambing ng tanong nito sa kanya.

"May lapastangang komontra ng ritwal!" Nanlilisik ang mga matang sagot niya.

"Ipagpatuloy mo ang ritwal. Tatawagin ko si Rodrigo para matulungan tayo." Anitong nagmamadaling umalis sa bilog para pumunta sa mga kalahing aswang.

Kita naman ni Rico ang paglabas sa bilog at pagpalit anyo ng kung sinumang gumagamit sa katawan niya. Tumayo rin siya para sundan ang lalaki.

"San ka pupunta?" Tanong sa kanya ni Ruby.

"Kukunin ko ang katawan ko."

"Hindi mo siya kaya. Katawan ang kailangan natin para makalaban tayo. Wag kang magpadalusdalos. Dahil maaring tuluyan ka ng di makabalik pag winasak nila ang katawan mo."

Nagpupuyos na tiningnan niya nalang ang abuhing lobo habang mabilis na tumatakbo palayo.

"Pero maari natin siyang sundan. Para malaman natin kung ano ang mga binabalak nila." Anitong tumayo rin at hinila siya pasunod sa lobo.

***

"Rodrigo?!"

Dumagundong sa buong gubat ang boses ni Rogue.

"Anong maipaglilingkod ko sayo, aming nuno."

Tumugon naman agad si Rodrigo. Bahagya pa siyang yumukod bilang pagbibigay galang.

"Kailangan ko ang pwersa mo. May nangahas na pumigil sa aming ritwal. May pumigil para makamit natin ang ating kasarinlan!" Muli ay dumagundong ang malakas nitong boses.

Napaangat siya sa narinig. Sino ang may gustong pumigil sa kasarinlan? Naningkit ang mga mata niya sa naisip. Hindi maaring pigilan ninuman ang matagal na nilang hinahangad. Ang maging malaya muli sa sariling mundo. Ang muli silang ihiwalay sa mundong itinatakwil ang mga katulad nila.

"Pagbabayaran po nila ang kanilang kapangahasan!" Aniyang tinawag ang kanyang mga kalahi upang maghanda sa paglusob.

"Hahanapin natin ang pangahas!" Utos niya sa mga ito.

Nagsiungolan naman ang mga ito bilang pagsang-ayon. Pero pinayapa silang muli ni Rogue.

"Hindi yan! Iba ang nais kong mangyari, Rodrigo." Anitong tila iniisip ng maigi ang gustong mangyari.

"Ano pong nais niyo, nuno?" Mapagpakumbabang tanong niya dito.

"Kung sino mang pumigil sa amin ay tiyak may pagtatangi siya sa mga tao. At tyak kong, kung sila ang inyong kakantihin ay mababaling doon ang kanyang atensyon at maipagpapatuloy namin ang ritwal."

"Kung ganun ay maghahanda po kami para sugurin ang mga tao." Aniya bago muling bumaling sa mga kasamahan.

"Mga kalahi, maghanda tayo para sugurin ang mga tao!"

Umalingawngaw ang mga ungol at angil ng pagsang-ayon.Pagkatapos nun ay nagsipulasan ang mga aswang at kanya kanya ang deriksyon na pinuntahan.

"Shit! Mapapahamak ang mga tao!" Nanggigigil na bulalas ni Rico.

Dinig na dinig nila ang utos ni Rogue na siya ngayong gumagamit sa katawang lupa niya.

"Kailangan natin silang sundan. Tulungan mo kong makahanap ng katawang pwede kung magamit. Kung makakasanib ako. Tiyak magagamit ko ang kapangyarihan ko." Ani Ruby na hinila na siya pasunod sa mga kalahi niya.

Sinundan nila ang daang tinatahak ng mga aswang. At kita nilang palabas na ang mga ito ng baryo Manawang at papunta na ngayon sa susunod na baryo. Ang Manalaysay. Doon kung saan karamihan sa mga nakatira ay purong tao.

"Awooooh..."

Umaalulong ang bawat asong madadaan ng mga ito.

"Rrrrrrr..."

Pagkatapos ay magtatakbuhan na parang mga tutang natatakot kapag nag-aangilan ang mga ito. Kita nilang hinabol ng isang aswang ang isa sa mga asong di magkandaugaga sa pagtakbo. Nang masukol ito ay di man lang nakapalag ang aso ng baliin ng aswang ang leeg nito. Pumulandit ang sariwang dugo at agad nginasab ng aswang ang sariwang laman ng kawawang hayop.

Samantala ay narinig naman ng batang si Ningning ang nangyayari. Nakatira sila ng kanyang lolo sa kalapit na kubo.

Namuo ang kyuryusidad sa mura niyang isip. Dahan dahan siyang sumilip sa bintana. Nakita niya ang isang malaki at balahibuing nilalang na kumakilos sa di kalayuan. Tumayo siya at lumabas ng silid. Gusto niyang makita kung anong klaseng nilalang iyon. Binuksan niya ang pinto at dahan dahang tumalilis palabas.

Naalerto naman ang mga aswang sa paligid. Naamoy nila ang mabangong amoy ng dugo ng bata.

"Rrrrrrr..."

Umangil ang isa sa mga ito at sumugod.

"Mapapahamak ang bata!" Napahawak pa si Ruby sa mukha habang pasugod ang aswang sa bata.

Pero bago pa man makasugod ng tuluyan ang aswang sa bata ay may pumigil na dito. Isang aso!

"Awooooh..." Umalulong ito ng malakas na wari'y ginigising ang buong baryo.

Namaluktot naman sa takot ang bata. Napasiksik ito sa gilid. Hinanap niya si Rico. Asan kaya yun?

"Awooooh..."

Muli ay umalulong ang aso. Napangisi tuloy si Ruby. Mukhang alam niya na kung nasaan si Rico. At mukhang wala din siyang ibang magagawa. Kung ayaw niyang mauwi din sa pagsanib sa aso. Isa lang naman ang pwede rin niyang saniban. Ang bata!

To be continued...

Another UD tomorrow. Thank you po ulit sa inyo.Sana basahin niyo din po ying iba ko pang stories. Punta lang po kayo sa acct. ko. Wag pong kalimutan. Vote, leave a comment, share and pafollow narin.

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon