Chapter 6

15.8K 406 11
                                    


"Ahhhhh...." Malakas na sigaw ni Mercylito ng maramdaman niyang umaangat siya sa lupa.

Sa kinalalagyan naman nina Joboy, Zhed, Abegail, Ruby, Nora ay kitang kita nila ang mga pangyayari. Nagtaka naman sila ng tila may ibinubulong si Abegail sa hangin. Di nila maintindihan ang mga sinasabi nito pero nagkaroon sila ng pagdududa dito. Mas lalo silang nagulat ng tumingala si Abegail at bigla ay binitiwan si Mercylito ng aswang at lumipad ito palayo na tila takot.

"Abegail, ikaw?" Nanlalaki ang mga matang wika ni Nora.

"Pasensya na kayo. Hindi ko naman in-

"Mangkukulam ka layuan mo kami!" Nahihintakutang napaatras si Joboy ng maglakad  ito papunta sa kanila.

"Aswang  tapos ngayon mangkukulam? Ano pa bang pwede naming malaman?" Takot ding tanong ni Mercylito.

"Umalis na tayo dito. Please saka ko na ipapaliwanag lahat pag ligtas na tayo." Ani Abegail.

"Talagang aalis na kami. Pro kami lang at di ka kasama." Ani Zhed.

"Pasensya ka na din Abegail pero kaya mo naman ang sarili mo kahit wala kami." Ani Ruby nauna pang maglakad.

Naiwan namang hindi makapaniwala si Abegail. Pagkatapos ng lahat ng kabutihan at pagtatanggol niya sa mga ito ganun ganun nalang? Hindi niya hahayaang mangyari yun. Susundan niya sana ang mga ito ng bigla nalang siyang palibutan ng mga aswang. Ni hindi na siya nakaalma ng pagpasapasahan siya ng mga ito. Halos makadurogdurog ang buto niya sa katawan. Halos gusto na niya ng mamatay nalang dahil sa naramdaman sakit. Inipon niya lahat ng natitirang lakas at nag-umpisang umusal ng orasyon ngunit di niya na naituloy iyon ng bigla nalang siyang binuhat at ibinalibag ng aswang sa isang puno. Dahilan para panawan siya ng ulirat.

"Guys, ayos lang ba talagang iniwan natin si Abegail dun? Kawawa naman siya?" Tanong ni Nora ng makalayo na sila.

"Mangkukulam siya kaya niya sarili. Nakita niyo naman siguro kung paano siya kinatakutan ng aswang na may tangan kay Mercylito kanina,dba." Paliwanag ni Joboy sa kanila.

"Guys, ang junction ligtas na tayo." Nakangiting turo ni Ruby sa di kalayuan.

"Oo nga bilisan pa natin ang pagtakbo."

"Pero teka san tayo pupunta?" Tanong ni Mercylito ng may dumaang dyip na agad pinara ni Ruby.

"Baryo Bagongbato po." Nagkatinginan sila at sabay sabay napatingin sa gawi ni Ruby.

"Taga rito ka?" Halos pabulong ng lumabas sa bibig ni Nora ang katanungang iyon.

"Pasensya na.May bagay talagang di na dapat pang balikan at may alaalang gusto mo nang kalimutan."

"Bagongbato na po." Sigaw ng driver kaya bumaba na sila.

"Dito." Giya niya sa mga ito.

"Hindi ka naman mangkukulam diba? O di kaya aswang?" Nagsisigurong tanong ni Zhed.

"Normal ako,ok. Pero si Nanay albularyo siya. Siya ang madalas nilalapitan ng mga nakukulam dito sa amin."

Malapit na sila sa kubong tinuro ni Ruby na bahay nila at dinig nila ang malakas na palahaw ng isang babae na tila sobrang nasasaktan. Ng pumasok sila sa loob ay nakatalikod ang sa tingin nila'y Ina ni Ruby. May nakahiga naman sa harap nito na marahil siyang gumawa ng ingay na narinig nila kanina. Lumingon ang babae sa kanila.

"Ms. Shine?" Gulat na tanong ni Nora.

"Kilala mo Nanay ni Ruby?" Tanong ni Joboy dito.

"Filipino teacher namin siya."

"Ruby?"

"Mahabang kwento." Anitong tila wala namang balak magkwento.

"Ahhhhh......" Malakas na sigaw ng babaeng nakahiga. Tiningnan nila kung anong nangyayari dito out of curiosity. Nangilabot sila sa nakita. May nakalagay na dahon sa iba't ibang bahagi ng katawan nito. At bawat parte na may dahon ay may lumalabas na uod. Marahil  kaya ito sumisigaw ay dahil sa sakit.

"Kailangan kong mailabas lahat ang uod sa katawan niya. Bago pa ubusin ng mga ito ang laman niya." Paliwanag sa kanila ni Shine.

Samantala sa baryo Manawang naman ay galit na galit ang Tiyo Rodrigo ni Sharliene na siya palang pinuno ng mga aswang  dahil nakatakas ang ibang dapat sana'y magiging alay din nila. Galit na binalingan nito si Sharliene at sinampal ng ubod lakas. Hindi man lang ito natigatig.

"Dalhin sa pagtitipon ang isang yan pati nrin ang dalawang nahuli." Utos nito sa mga kasamahan. Nagtaka si Sharliene kung sino ang huling tinutukoy ng Tiyuhin. Ang alam niya kasi ay nakatakas ang mga ito.

"Lynne? Abegail?" Twag niya ng makilala ang dalawang babaeng hilahila ng mga kalahi niya. Sinamaan lang siya ng tingin ng dalawa na parehong nakabusal.

"Ngayon ang Ikasampung kabilugan ng buwan. At dapat ay pagtalaga sa magiging susunod na pinuno ng ating lahi. Ngunit, isang malaking lapastangan ang ating napili. Nagawa niyang patakasin ang dapat sana'y mga alay natin. Dapat lang sa kanyang magawaran ng kaparusahan. At ang kaparusahan sa pagtatraydor ay kamatayan." Wika ng pinunong lumapit kay Sharliene at walang anumang dinukot ang puso nito. Tila nauupos na kandilang unti unting napabulagta ang dilat na dilat pang si Sharliene. Ngunit bago pa man siya bumulagta ng tuluyan ay sinugod siya ni Manilyn at tinagpas ng hawak na itak ang ulo niya. Tuluyang bumagsak ang wala ng buhay na si Sharliene. Si Lynne naman ay nanginginig na sa takot dahil sa nasaksihan. Si Abegail naman ay tila may kung anong malalim na iniisip na nakatulala lang.

"Kunin ang mga alay." Utos nito sa mga kasama. Kinuha ng mga ito ang dalawa at pilit inihiga sa isang malaking mesang kahoy. Nag-umpisa na sa ritwal ang kanilang pinuno habang wala silang kaalam alam na si Abegail din ay gumagawa din ng sariling ritwal. Pagkatapos ng pinuno sa ritwal nito ay dinukot din nito ang puso ng dalawa pagkatapos ay kinain. Tuluyang nawalan ng buhay ang dalawa ngunit bago iyon nangyari ay nagawa pang matapos ni Abegail ang kanyang orasyon.

Nagising naman si Ruby sa kailaliman ng gabi. Iginala niya ang paningin sa paligid at ngumiti ng matagumpay bago humiga ulit sa higaan at natulog.


To be continued...





















Maraming salamat po ulit sa pagbabasa. Please vote, leave a comment and share. Pafollow narin po kung pwede.

❤❤❤ Mitch

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon