Chapter 12

5 3 3
                                    

Chapter 12

    Nandito na kami sa Canteen at kumakain. Ang susunod na subject namin ay MAPEH at sabi ng Teacher namin doon ay magpalit kami ng pang P.E. na damit.

At yun nga ang ginawa namin nagsuot kami ng pang P.E yung soot namin ay T-shirt na Blue  at may tatak ng School namin sa harap sa bandang gilid. Yung pangbaba naman namin ay Blue rin kaya lang ay sa gilid ay may guhit na kulay green at sa harap sa kanang bahagi ay may nakasulat na EMRSN UNIV. Pangalan ng School namin 'Emerson University'

Nga pala meron din kaming locker, doon namin nilalagay yung extra uniform namin at P.E. uniform ganun din ang rubber shoes at ibang libro o gamit namin. Pero ako ay ang nilalagay ko lang doon ay ang P.E uniform ko at Extra Uniform. Meron din akong ibang libro doon kaya lang puro makakapal ang nilalagay ko at ang dinadala ko lang ay ang di mabibigat. Nilalagay ko rin doon ang rubber shoes ko para pag may ganitong activity.

Pagkatapos ay sabay-sabay kaming pumuntang field kung saan naabutan namin yung teacher namin doon na si Sir Nash, siya pala teacher namin dito. Nakaka excite hehehe kung di niyo natatanong isa sa mga gwapong Teacher dito sa Emerson University si Sir Nash.

May hawak ng bola ng volleyball si Sir. "Okay class alam kong kakakain niyo lang, so doon muna kayo sa gilid at pahinga muna bago magsimula." he said at ngumiti. May narinig pa akong impit na nagtitili.

Ilang minuto lang ay tinawag na ulit kami ni Si Nash para daw makapag warm up. Habang nagwawarm up kami ay kinalabit ako ni Kyra.

" Punta kami sa inyo mimiya?"

Bumaling ako sakanya. "Bahala kayo. Tulungan niyo akong maglinis ng bahay." sabi ko at bumungisngis sa huling sinabi.

"Gagi." sabi nalang niya at nakinig ng magsalita si Sir...

"Ngayon naman ay bubuo tayo ng 2 grupo. Nakabuo na ako ng dalawang grupo kanina habang nagpapahinga kayo—" nahinto sa pagsasalita si Sir Nash ng may dumating na mga Varsity ng Volleyball, bale 9 sila, 6 na lalaki at 3 babae.

"Coach ano papagawa mo samin?" sabi ng lalaking umakbay pa kay Sir Nash. Ang alam ko ay si Tegan iyun, Senior namin sila...

"Oh nandito na pala kayo. Tuturuan niyo yung mga juniors niyo ng volleyball, pero alam kong pamilyar naman na kayo sa sports na to." Sir.

"That's easy coach." sabi nung babaeng may bangs.

"So ito na nga, gumawa na ako ng 2 grupo. Pagnatawag yung pangalan niyo ay tayo at punta dito sa harap, okay?" Sir said at sabay-sabay naman kaming sumagot.

"For Group 1 we have 26 member, and that 26 is Carlo, Andrea, Lia..." sabi ni Sir hanggang maka-26 na.

"So lahat ng di tinawag ay ang Group 2." Sabi ni Sir at nag-apiran kami nila Kyra ng magkakagrupo kami. "Meron tayong Varsity ng Volleyball dito para ituro sa inyo ang tamang posture at iba pang kelangan niyong gawin kapag naglaro na kayo."

Tumango kaming lahat ng sabihin ni Sir na pwede ng magpractice ay pumunta kami sa kaliwang bahagi ng field at yung isang grupo ay sa kanan naman.

Pagdating namin doon ay sumunod din yung ibang varsity ng Volleyball at may hawak ng bola. Pinapanood ko si Kyra, Abby, at Danica kung ano ang ginagawa nila at ginagaya ko ito ng may lumapit sakin.

Pag-angat ko ng tingin ay nasilaw pa ako ng kaunti dahil sa araw. Pero saglit lang namam yun at naaninag ko na rin ang muka nung lumapit sakin, si Tegan...opss Kuya Tegan pala.

"Hi!" sabi niya at bumati rin ako sakanya. "May nagtuturo na sayo?" tanong niya.

"Ah wala." sabi ko at napakamot pa ako sa ulo ko. Nakita ko naman siyang ngumiti.

"That's great!" he said at pinahawak sakin yung bola. "Ganito dapat yung position ng kamay mo." at pinosition niya yung kamay niya.

Binaba ko naman yung bola sa paanan namin at ginaya siya." Ganito ba?" tanong ko at tumingin naman siya sa kamay ko.

Lumapit siya sa harap ko at nagulat pa ako ng kaunti ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Ahm sorry." he said ng mapansin yun.

"Okay lang." I said and i smile to him. Nang maayos na niya yung kamay ko ay kinuha niya yung bola sa lapag.

"Ihahagis ko sayo ito then anuhin mo ng kamay mo." he said, tumango naman ako at binend ko ng kaunti yung tuhod ko.

Umatras naman siya at ng ihagis na niya ay sa bola lang ako nakatingin at ng malapit na ay saka ko iyon hinampas. Nagulat pa ako dahil napalakas yung hampas ko at pumunta sa kabilang grupo yung bola.

"Ayy sorry!" sigaw ko doon sa kabila. Si Kuya Tegan naman ay nagjog papunta kung nasan yung bola, napahawak naman ako sa kamay ko at tinignan yun, Namumula.

Habang hinihintay yung bola ay tumingin naman ako sa mga kaibigan ko na may sariling mundo. Nakita ko pang papunta sa direksyon ko si Dustin at nakasalubong yung kilay...wait sinabi ko bang papunta dito sakin?

Napatalon naman ako ng kaunti ng may magsalita."Give me your hand." sabi nun at pagtingin ko ay si Dustin pala. Mabilis ko naman nilagay yung mga kamay ko sa likod ko.

"A-ah maayos naman yung k-kamay ko, hehehe." sabi ko at napayuko.

"Tsk!" he said at hinablot yung braso ko para makita ng tuluyan ang namumula kong kamay, narinig ko pa siyang bumuntong hininga at bigla nalang akong kinaladkad papuntang canteen.

"W-wait, wait lang si ano si Sir b-baka pagalitan tayo."i said at pilit na binabawi yung braso ko sa kanya pero di ko magawa.

Hanggang sa makapunta na kaming Canteen. Wala masyadong estudyante dahil oras ng klase ngayon. Pumunta siya sa isang table at pinaupo ako.

"Wait me here." he said at tumalikod na papuntang counter. Napatingin naman ako sa kamay ko na namumula, kaya ayaw ko sa mga bola na yan eh.

Ilang saglit lang ay nakabalik na siya at namita kong may hawak siyang yelo. Binalot niya iyon sa panyo niya at kinuha yung kamay kong namumula. Dahan-dahan lang yung pagdampi niya sa kamay ko na para bang pag namali siya sa pagdampi ay bigla nalang madudurog yung kamay ko, napanguso naman ako ng kaunti sa naisip ko.

Napaangat ako ng tingin ng huminto siya. Nagulat ako ng nakita kong nakatingin na siya sakin at nakakunot yung noo. Pansin ko madalas na akong magulat...

"Bakit?" tanong ko at parang may sasabihin siya eh. Pero umiling lang si Dustin at pinagpatuloy na yung ginagawa sa kamay ko.Ilang minuto lang ay bumalik na kami sa field at nakita kong naglalaro na sila!

Iniwan ko sa paglalakad si Dustin at pasimpleng dumaan sa likod para di mapansin. Nakita ko si Danica na naka upo at maybakante sa tabi niya kaya mabilis akong umupo doon at nanood sa naglalaro. At nakita kong kasama sa naglalaro sa group namin si Kyra at Abby, Girls muna yung unang maglalaro.

"Saan ka galing?" tanong sakin ni Danica at bumaling sakin. Kaya napaayos ako ng upo.

"H-ha? ano sa, s-sa canteen bumili ako. Nagutom kasi ako eh." sabi ko at tinuon na yung atensyon ko sa naglalaro, nakita ko rin sa peripheral vision ko na dumating si Dustin.




🤡

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon