Chapter 16

1 3 0
                                    

Chapter 16

Huminto yung kotse ni Dustin sa isang Modern House. Pagkahinto ng sasakyan niya ay lumabas ako agad at hinawakan yung dibdib ko. 'Kumalma ka puso!'

"Let's go." he said at nauna ng pumasok sa gate. Napatalon pa ako ng kaunti dahil doon. At doon ko lang napagtuunan yung nasa harapan kong bahay, ang ganda.

Sumunod na ako kay Dustin at inililibot pa rin yung paningin sa paligid. Pagpasok ko ay bumungad sakin yung magandang garden, mading iba't- ibang klaseng bulaklak at halaman, paniguradong mahal yun.

Pumasok na ako sa pintuan na nakabukas at pumasok, may narinig akong nagtatawanan at paniguradong sila yun kaya sinundan ko kung saan nanggagaling yung ingay at nadatnan ko sila sa maluwang na sala at nanonood ng Action Movie.

"Uy Clea, dito ka!" sabi ni Abby na may hawak na bowl na puno ng popcorn.

Pumunta naman ako doon at umupo sa mahabang sofa, pinagigitnaan ako nila Abby at Danica. Nilibot ko yung mata ko at napansin wala si Dustin at magtatanong na sana ng tumama ang paningin ko sa isang gilid. Naabutan kong umiinom si Dustin ng tubig yata at ng magtama ang paningin namin ay bigla siya naubo.

Lalapitan ko sana ng akbayan ako ni Abby at alukin ng popcorn na hawak niya kaya kumuha naman ako doon at nakinig na sa pinag-uusapan nila, lumingon pa ako ng isang beses kay Dustin at nakita kong pumasok siya sa Kitchen yata yun...

"Natagalan kayo ha?" Danica whisper to me.

"Natraffic lang." sabi ko at kumuha ulit ng popcorn.

"Hmmm." she hummed kaya sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang ang lokaret.

Habang nanonood ay bumalik sa isipan ko yung nangyari sa kotse. I don't know what i react kasi first time ko lang naman makaramdam ng ganun like, hey nagcucrush na rin naman ako sa iba pero iba na nararamdaman ko kapag kay Dustin like noong nalaman kong kaklase ko siya kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin kinakabahan ako, kapag kasama ko siya para akong napipipi or na co-conscious, and also nung pinicture-an kami sa ID and may narinig akong nagbibidahang babae at bigla nalang akong nainis.

Kasi sa mga dati kong crush kapag meron silang kasamang girl ay hindi naman ako naiinis ng ganun and also nung binigay niya sakin yung stuff toy na Panda doon ko napagtanto na crush ko siya pero habang tumatagal para mas lumalala yung nararamdaman ko sakanya. And i don't know if that's a good thing.

Kasi kakikilala palang namin so ano tawag sa nararamdaman ko love at first sight? Oh no sinabi ko bang love?! Erase-erase ibahin natin it's Like at first sight. Napabuntong hininga ako at napaayos ng upo ng makita kong palapit na si Dustin.

Ayan nanaman ako naco-conscious. Pumwesto siya sa lapag kung saan nakaupo sila Markki at Kyra si Jayden naman ay nasa pang-isahang sofa.

"Guys, laro tayo ng ping-pong." Jayden said at mabilis na nagsi-oo sila, hindi pa nga namin natatapos yung Movie eh.

Umakyat kami sa second floor at kumaliwa pumasok kami sa isang kwarto at sa gitna ay mayroong ping-pong board. Mabilis na pumunta doon sina Markki at Jayden at naglaro. At nanood naman sina Danica, Dustin, at Kyra.

Kami naman ni Abby ay nagikot-ikot at may nakita akong box ng domino so kinuha ko yun at binuksan. Habang abala sila ay ako naman ay naglaro ng domino pinaghilera ko sila at nakakadalawang box na yung nabuksan ko.

Nalibot ko na yung buong room at nagrereklamo na sila kasi wala na silang matapakan dahil pag nasagi nila yun yari sila sakin,pinaghirapan ko yun. Natapos ako sa harap ng pintuan at tumayo, tinignan ko yung gawa ko at nakita kong tinignan rin nila, kanina ay huminto na sila sa pag piping-pong at tinulungan ako.

"Sino magtutulak?" tanong ni Markki.

"Ako!" sabi ko at akmang itutulak na nga yung domino na nasa harap ko ng magsalita si Dustin.

"Wait, i take a video of it." he said at tumango ako, hinintay ko muna siyang magbilang at saka ko iyon tinulak.

Lahat kami ay naka sunod ang mata sa tumutumbang domino. Napangiti naman ako ng matapos yun at kitang-kita ko yung ginawa kong kalat. 'huhuhu dapat kasi maliit nalang ginawa ko'

"Wow, ngayon ko lang ginalaw yun, meron pala dito sa room." Jayden said.

"Paano mo malalaman bro eh palagi kang nakakulong sa kwarto, ano ginagawa mo dun huh?" Markki said at inakbayan si Jayden. Nandidiri namang lumayo si Jayden.

"Baka ikaw yung tinutukoy mo! Naalala ko panga nun nung bumisita ako sa condo mo nag—" Jayden said at biglang tinakpan ni Markki yung bibig ni Jayden. Napatawa nalang kami sa dalawa ng nag umpisang magrambulan ang dalawa.

Nahinto lang sila ng may kumatok at bumukas yung pinto. At bumungad samin yung matandang babae na nasa mid-60 na yata. Nakasuot siyang pang yaya na color blue. Ngumiti siya sa amin at bumaling kay Jayden.

"Oh Jayjay bumaba na kayo at nahanda ko na ang tanghalian niyo." she said.

"Opo manang susunod po kami." he said at umalis na si Manang.

"Sakto at nagugutom na ako, Jayjay baba na tayo." Markki said at niloloko si Jayden. Mukhang palayaw niya yung 'Jayjay'.

"Shut up." he said at bumaling samin. "Come on bumaba na tayo."

Kaya bumaba na kami, magpapaiwan pa sana ako para ligpitin yung Domino pero sabi niya ay tatawag nalang daw siya ng katulong, kakahiya nga eh ako nagkalat nun...

Dumiretso kami sa kitchen nila at nakita kong nakahanda na sa lamesa nila yung pagkain at yung platong gagamitin namin.
Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami.

"May kapatid kaba Jayden?" tanong ko I'm just curious.

"Bakit mo tinatanong Clea, liligawan mo nuh?" Markki said kaya napatawa kami.

"Hahaha, yeah meron may little sister." he said at nagulat ako.

" Ay oo nga pala, where is Jayda." Kyra said.

"Kasama nila Mom."

"Ilan taon na siya?" tanong ko ulit at uminom pero napahinto ng makita kong nakatingin si Dustin sakin. Nasa harapan ko kasi siya.

"She's 15." at napatango nalang ako. Tumahimik na ako at nararamdaman ko pa rin yung titig niya sakin.

Ng matapos kumain ay bumalik kami sa sala nila at maisipang tapusin yung pinanonood namin kanina. Habang nanonood ay biglang tumabi sakin si Dustin kaya napaderetso ako ng upo at nasa harap lang yung paningin ng maramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa bag ko kaya kinuha ko ito at tinignan.

Nakita kong nagtext si Mama...

From: Mama
Kumain kana ba? Anong oras kayo uuwi?

She text kaya napangiti ako at nagreply.

To: Mama
Kumain na po ako Mama saka po baka mga 5:00 ay umuwi na kami.

Text ko naman at tinignan yung oras sa phone ko, 3:05 na. Binalik ko sa bag ko yung phone ko at humarap na sa TV,
ng magsalita yung katabi ko at nagulat pa ako ng kaunti.

"Who's that?" sabi ni Dustin, nakakunot pa ang noo at mukhang iritado.

"Ha?" tangang sabi ko.

"Sino yung katext mo, boyfriend?" sabi niya ulit at tumaas yung isang kilay. Napalunok pa ako ng matindi bago sumagot, mukha kasi siyang manununtok anytime.

"S-si Mama l-lang." sabi ko at humarap na sa TV pinagsalikop ko pa yung kamay ko at pasimple ko itong kinurot dahil sa kaba.

Narinig ko pa siyang bumuntong hininga at may mahinang sinabi na hindi ko naintindihan...

"Good, you are just for me."







🤡

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon