Chapter 27

1 1 0
                                    

A/N: Pano ba yan mag-uumpisa na ang love story nila Clea at Dustin☺️. Pero ako ang nahihiya sa mga sinasabi ni Clea sa isip niya, mas malala pa siya kina Abby at Kyra🤦🏻‍♀️.

Ps. But I hope you enjoy this update!
Love lots...( ' 3 ' ) 💜
___________________________________________

Chapter 27

"Hey, are you okay?" doon palang bumalik ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Dustin.

"Ha? a-ah oo, oo." wala sa sariling sabi ko.

"It's okay kung hindi mo ako payagan manligaw, manliligaw parin naman ako." sabi niya at ngumiti.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Napalunok ako ng matindi, Hoh!

"A-ano... First time kasing may manligaw sakin at hindi ko alam kung ano yung gagawin ko."

I heard him chuckle.

"Haha, It's okay. This is my first time too."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Wala ka bang naging girlfriend?" tanong ko.

"None." he simply said.

Kung ganun ay maswerte pala ako. Pero naalala ko si Cathy, mukha kasing matagal na sipang magkakilala.

"Pero ano mo si Cathy? Nevermind, wag mo ng sagutin." pambabawi ko sa tinanong ko.

"It's okay." he said. "Magkababata lang kami." dagdag niya.

"Mabuti kung ganun—este, mauuna na ako madilim na pala, hehe." ani ko at mamaya pagdating ko sa kwarto ko ay kakaltusan ko yung sarili ko at hindi mapigil yung bibig ko.

Lumabas na ako at hindi muna pumasok para hintayin siyang umalis. Binaba naman niya yung bintana ng side niya para makita ko siya.

"Uh, thank you ulit." sabi ko ng nakangiti.

"Wala yun. So paano mauna na ako, I see you tomorrow, Morning." he said.

"Ha?" nasabi ko.

"You have my number and I have your number. So I text you nalang kapag papunta na ako dito, bye." Aniya at kumindat pa bago mabilis na patakbuhin yung sasakyan.

Nakatulala pa ako dito sa labas ng marinig kong bumukas yung pintuan at narinig ko ang boses ni Mama.

"Clea anak, bat gabi kanang umuwi? Hindi ka manlang sumasagot sa tawag at text namin, sobra kaming nag-aalala." ani Mama at mabilis na lumapit sakin.

"Sorry Ma, nagpractice po kami at naabutan ng traffic kaya ngayon lang po ako." i said.'Sorry Mama sa pagsisinungaling, huhu.'

Nang makapasok sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko. Tinabi ko sa isang gilid yung bag ko at dumiretso sa CR para mag half bath, nanlalagkit na kasi ako.

Pagkatapos nun ay nakatapis lang ako ng twalya na lumabas. Kumuha ako sa aparador ko ng susuotin ko at pumasok ulit sa CR para magbihis naman.

Paglabas ko ay dumiretso ako sa higaan ko at umupo doon. Nananaginip ba ako? Kung oo wag niyo na akong gisingin.

Napalingon ako sa desk ko ng magbeep yung phone ko. Nilagay ko kasi yun doon bago ako pumuntang CR kanina.

Lumapit ako doon at tinignan yun.

From: Dustin😘
Got home! :)

Pagkabasa ko nun ay hindi ko alam kung ano irereply ko. Tulungan niyo naman ako ano irereply ko ano ba...

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon