Chapter 29
"That's for today, see you next week!"
Paalam samin ng huling teacher namin. Nagsisigawan na ang mga kaklase ko at nag-uunahang lumabas. Habang pinapasok ko ang gamit ko sa loob ng bag ay lumapit sakin si Dustin.
"Uh, let's have a date?" he said while scratching his neck.
"Sige, aayusin ko lang ito."
"Yun oh! Mauna na kami bro." sabat naman ni Markki at umakbay pa kay Dustin.
"Ingat kayo." ani ko.
Tinanguan naman ako ni Markki at Jayden. Sumama na rin sila Danica sa kanila.
"Let's go?"
Tanong niya ng makitang nakaayos na ako. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Sabay kaming naglakad sa hallway at tahimik lang hanggang makarating sa parking lot kung saan naka park ang car ni Dustin.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat para sakin at dali-dali naman akong pumasok doon, nagsabi rin ako ng 'thanks'.
Pagkasakay niya ay tinanong niya ako."Where do you want to go?" he said.
"Uhm, kahit saan." I muttered.
"Hmm, sa mall nalang tayo. Is that okay to you?"
"Yeah."
Sinimulan na niyang paandarin yung sasakyan. Mabilis kaming nakarating sa Easton Mall dahil malapit lang ito sa University. Dinala niya sa underground parking lot yung car para doon iwanan.
Nang huminto na yung sasakyan ay bumaba na kami.
"It's okay kung iwan mo nalang dito sa car yung bag mo para hindi ka mahirapan." he said ng makitang inayos ko ang strap ng bag ko. Medyo mabigat din ito dahil may laman ding dalawang books.
"Hindi na, nandito kasi yung important things ko. Wala naman akong clutch para paglagyan." I said.
Bumuntong hininga siya at bigla nalang naglakad at huminto sa harap ko at tinaas ang kanang kamay at biglang inangat yung bag ko sa likod.
"It's heavy." his forehead crease.
"M-may libro kasi diyan..."
"Give me that bag." he said at inalis yung bag ko at sinukbit niya sa isang balikat niya. " Ako nalang magdadala."
He said and nagsimula ng maglakad. Ako naman ay napako sa kinatatayuan ko sa simpleng galaw niya lang. His cute holding my purple bag in shoulder. Napangiti naman ako doon at nabalik lang sa huwisyon ng tawagin niya ulit ako. Hindi pala ako nakasunod sa kanya.
Tumakbo ako sa kinaroroonan niya at sabay kaming pumasok sa mall. Pagkapasok ay ramdam ko agad ang malakas na aircon dito sa loob, buti at long sleeve ang uniform namin ang problema lang ay medyo maiksi ang skirt.
"Are you hungry?" he asked.
"Medyo." ani ko at napahawak sa tyan.
"Where do you want to eat."
Tanong niya na naman at nagpalinga-linga ang ulo. Mukhang tinitignan yung mga kainan. Habang nag-iisip kung saan kumain ay naalala ko yung commercial na napanood ko.
"Sa mcdo nalang, I want to try BTS meal." I said.
Tumango naman siya at pumunta na kami doon. Pagpasok namin ay madami kang makikitang color violet and it's beautiful. Habang nagmamasid sa paligid ay binigay niya sakin ang bag ko at pinahanap na ako ni Dustin ng table dahil siya nalang oorder.
Medyo natagalan din ang pagbalik ni Dustin dahil madaming bumibili ngayon. Nilapag niya sa table ang inorder at nagkorteng puso ang mata ko sa nakita, char!
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...