Chapter 22

1 2 0
                                    

Chapter 22

Nanood lang kami hanggang sa dumating yung parents ko. Bago sila umuwi kahapon ay doon na silang lahat kumain at hinatid lang sila sa labas ng aalis na.

Yun lang ang ginawa namin nung nagpunta sila sa bahay. Ngayon ay ito na ako at kapapasok ko pa lang sa Room. Ginawa ko ang nakagawian ko. Pumunta ako sa upuan ko at binaba na doon ang bag ko bago umupo.

"Naka isip kana ng gagawin natin?" tanong ko kay Danica na katabi ko.

"Oo, mamaya ko nalang sasabihin pagnakumpleto tayong lahat." she said and I nod.

Nilabas ko sa bulsa ko yung phone ko para mag-FB habang wala pa yung Teacher namin. Tingin-tingin lang ako sa news feed ko ng marinig ko ang boses ni Kyra na kararating lang.

"Wasup!" she said bago pumunta sa upuan niya.

"Wasapak nga, isa lang." singit naman ni Abby na katabi ko.

Napabuntong hininga ako, ito na naman sila. Tinago ko na yung phone ko at binigay ang atesyon sa kanila.

"Wampipti muna."

"Oh no, nagbagong buhay na ako ngayon." sabi ni Abby. Kung matatanong niyo, saming magkakaibigan kasi si Abby yung gastador.

"What do you mean by nagbagong buhay?" sabat ko sa kanila.

"Bessy, manganganib yung credit card ko pag pinagpatuloy ko pa to." histerical na sabi niya.

"Hahaha, yan kasi." Danica said.

"Pero maiba tayo. Malapit na yung birthday mo ah?" sabi ni Abby, ang tinutukoy ay si Kyra.

"What's your plan?" i said.

"Summer naman ngayon so gusto kong mag swimming, ganun." she said.

"Oh, outing nalang tayo." Abby.

"Good idea, sama natin sila Dustin." Sabi ni Kyra at humarap sa likod. "Hey, game ba kayo?"

"Oo naman." si Markki ang unang nagsalita sa kanila.

"Yeah." Dustin said and si Jayden naman ay tumango lang.

"So settle na lahat." Abby said. "Si kyra yung sasagot sa pagkain, ako naman maghahanap ng resort." dagdag niya.

"Yeah, magpapaluto nalang ako kay Manang." Kyra.

At dumating na si Sir, Teacher namin sa Science. Hay, I'm super excited na! Pero bago yun ay kelangan munang unahin yung dula- dulaan.

Makalipas ng tatlong subject ay nagring na ang bell, hudyat na break time na. Nagsitayuan agad ang mga kalase ko at lumabas na ng pinto pagkatapos magpaalam sa Teacher.

"Tara na?" Danica said.

Sabay-sabay nga kaming lumabas. As usual ay kasabay namin sila Dustin. Habang naglalakad sa hall way papuntang Canteen ay may sumabay sa paglalakad ko. Pagtingin ko ay si Dustin iyon.

Nanlaki ng kaunti ang mga mata ko at bago humarap sa nilalakaran namin. Nakita ko pang lumingon sa gawi namin si Abby at nginisihan ako kaya pasimple ko siyang sinamaan ng tingin.

"Hoy, gala tayo pagkatapos ng meeting." Abby said.

"Puro gala nasa utak mo." sabat naman ni Danica.

"Ayan, tama si Mama Danica." ani Kyra.

Napasimangot tuloy si Abby at tinawanan ko siya.

Pagdating namin doon ay nakahanap kami ng bakanteng upuan sa bandang gilid kaya dumiretso kami doon.

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon