Chapter 5
Ngayon ay kasalukuyan akong nakatingin dun sa stuff toy na panda. Nandito ako sa kwarto ko at nakaupo sa higaan. Medyo kinilig ako sa part na binigyan niya ako ng stuff toy. Kasi first time may magbigay sakin at syempre medyo hindi pa ako close sa kanila, sa kanya.
Medyo awkward pa at saka hindi ako sanay na may mga kaclose na lalaki. Puro nakaka-close ko ay mga babae. Nabaling ang atensyon ko ng may kumatok sa pintuan ko at unti-unting bumukas, pagkita ko ay si Mama pala.
"Mama, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko at tinabi na yung panda.
Umayos ako ng upo at tumabi naman sakin si Mama. Humarap ako sakanya at kitang-kita ko na may problema sya.
"Okay ka lang ba Mama?" tanong ko at hinawakan naman niya yung dalawa kong kamay. Napabuntong hininga siya bago magsalita.
"Anak, kelangan kong umuwi sa probisya natin." sabi ni Mama.
" Po? Bakit po? May emergency po ba?" sunod-sunod na tanong ko.
"Yung Tita mo kasi ay naospital at wala sakanyang magbabantay at hindi naman kaya ng lola at lolo yun dahil may edad na." Mama.
May isang kapatid si Mama dalawa silang anak nila lolo at lola. Si Tita ay walang asawa at walang anak siya rin ang nag-aalaga kila lolo't-lola.
"Kung nag-aalala po kayo sa kalagayan ko dito ay okay lang po ako. Isama mo narin si Papa para hindi hassle yung pagbiyahe niyo at mabilis." sabi ko at nginitian si Mama.
"Nag-aalala lang ako at ikaw lang mag-isa sa bahay. Hindi ka rin marunong magluto at saka wala kang kasama rito."
"Okay lang po ako, pero king nag-aalala po talaga kayo sakin ay doon muna ako kila Danica magpapalipas. Meron naman pong Cellphone, itext o chat mo po ako m
Ma kung kelan kayo uuwi." sabi ko naman."O sige, maghanda kana ng kakailanganin mong dalin at bago kami umalis ng Papa mo ay hahatid ka muna namin kila kumaring Melanie." sabi ni Mama bago umalis.
Kumuha agad ako ng dalawang bag na malaki at nilagay ko ang importanteng gamit katulad ng mga damit, short, pajama, undergarments, toothbrush, panyo, napkin,yung favorite kong unan, uniform, yung sapatos ko, at iba pa. Bumaba na ako dala-dala yung tatlong bag ko bale yung isa ay yung mga gamit ko sa School.
Naabutan ko sila Mama na inaayos na yung mga gamit nila at nakagayak na, ako naman ay simpleng oversize t-shirt,maong short, at tsinelas lang. Napatingin sakin si Papa at kinuha sakin yung dala ko nilagay sa backseat.
Nang matapos ng mag-ayos ay sumakay na kami at nilock na ni Mama yung bahay. Sumakay ako sa backseat at si Mama sa frontseat. Habang bumibyahe ay humarap sakin si Mama at may inabot na susi.
"Yan yung duplicate susi ng bahay natin kapag may kailangan ka bulsan mo nalang ulit yung bahay at pagkatapos ay ilock mo ulit." ani Mama.
Napatango naman ako. Ilang oras na biyahe lang ay nakapasok na kami sa Village nila Danica, kilala naman kami ng guard kaya pinapasok kami. Huminto ang sasakyan namin sa tapat ng karinderya ni Tita Melanie.
Bumaba sila Mama kaya sumunod ako. Nakita kong kinakausap ni Mama si Tita Melanie kaya pumuta ako doon at nagmano kay Tita Melanie, nandito sila sa counter. Umalis rin ako doon at nilibot ang tingin ko at maraming mga kumakain, as usual. Nahagip ko si Danica na lumabas doon sa kitchen ng karinderya nila kaya lumapit ako.
"Uy." sabi ko.
"Anong ginagawa mo dito." nakakunot noong tanong niya sakin.
"Hindi mo ba ako namiss? Ako kasi miss na kita kaya dito na ako titira sa inyo." sabi ko at tumawa ng kaunti. Nilibot niya ang tingin at nakita sila Mama kaya lumapit siya at nagmano.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...