Chapter 31
"Good Morning." Nakangiting bati sakin ni Dustin ng sunduin niya ako.
"Good Morning din." I said. "Tara na?"
Tumango naman siya ng makitang ayos na ako sa upuan ay pinaandar na niya yung kotse. Same place lang kami kung saan dati kaming nagpractice pupunta.
Dahil medyo maaga pa ay naabutan kami ng traffic sa daan. Nakatingin lang ako sa gilid ko at minsang nagpo-phone at china-chat sila Abby na kanina pa nandoon.
Bumaling ako kay Dustin at naabutan siyang pinaglalaruan ang kanyang ibabang labi.
"Uh... Nagrereklamo na sila Abby at ang tagal daw natin." sabi ko at pinakita yung chat nila sa GC namin.
Tinignan niya iyon saglit bago ibalik sakin ang tingin. " Are you hungry?" malayong sagot niya.
Naguluhan naman ako sa sinabi niya pero sinagot pa rin siya. "Oo, kumain ako bago umalis." ani ko.
Kita ko sa gilid ko ang pagtango niya bago pinaandar ang sasakyan ng umandar ang nasa unahan namin. Mga ilang saglit lang ay nakarating na kami doon.
Sabay kaming naglalakad ni Dustin at sa malayo ay kita ko na sila Abby. Tinuro pa nga ni Andrea ang gawi namin, kaya naglingunan silang lahat.
Nang makalapit ay nakangiti ko silang binati pero sinimangutan lang ako ni Abby kaya napatawa ako.
"Ayan na po yung magjowa." sabi ni Markki kaya napandilatan ko siya ng mata pero ngingisi-ngisi lang ang ugok.
"Let's start." ani naman ni Danica at tumayo na sa pagkakaupo sa damuhan.
Nag-umpisa na nga kaming magpractice. Naka ilang ulit din kami bago nagbreak. Sila Markki,Jayden,Dustin,Abby,Kyra, at Andrea ay nagpunta sa 7/11.
Nilapitan ko sila Donalyn at John sa gilid dahil may ginagawa si Danica. Pagpunta ko doon ay umupo ako sa pagitan nilang dalawa kaya napatingin sila sakin.
"Hindi kayo bibili?" tanong ko.
"Ah, hindi." sabi ni John at iling lang ang isinagot ni Donalyn.
"Ano yan?" daldal ko kay Donalyn at sinilip yung ginagawa niya.
"FB lang." she said ang I nodded.
Bumaling nama ako kay John na naglalaro ng mobile games. Doon natuon yung atensyon ko hanggang sa makabalik sila Dustin. Pero napakunot ang noo ko ng matanaw na nahuhuli sa paglalakad sila Dustin at Andrea, at mukhang nagku-kwentuhan dahil tumatawa pa si Andrea at napataas ang kilay ko ng may kasamang paghampas pa siya sa braso ni Dustin.
Si Dustin naman ay seryoso lang ang mukha. Bat magkasama yang dalawa na yan? At hindi ba nainform si Andrea na NILILIGAWAN na ako ni Dustin?!
Napairap nalang ako ng magtama ang paningin namin ni Dustin. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa gawi nila Kyra.
"Nasan yung pinabili ko?" tanong ko sa kanila.
Ngumuso si Kyra at tinituro yung gawi ni Dustin. "Na kay Dustin." she said.
Napabuntong hininga ako at lumapit kay Dustin pero hindi ko na din kailangan dahil nakalapit na siya at hindi na kasama si Andrea.
"Here." he said and gave my food.
I snatch it and muttered 'Thank you'. Umalis naman ako at pumwesto sa tabi ni Danica na napalingon pa sakin.
"Gusto mo?" alok ko sa kanya pero tinuro niya lang yung pagkaing nasa tapat niya na di ko napansin.
Tumango naman ako at nag-umpisa ng kumain ng may tumabi sa kabilang gilid ko.
"Can I seat here?" he asked.
"Nakaupo ka na nga, eh." bulong ko at mukhang hindi naman niya narinig.
"You want to try this?" tanong na naman ni Dustin at nilapit sa mukha ko yung noodles na binili niya.
"No, thanks." sabi ko at kumagat sa tinapay ko.
"Alright."
Makalipas ng ilang segundo ay nagsalita ulit siya.
"Do you want water?"
Napabuntong hininga ako bago bumaling sa kanya. "Meron akong Soft drink."
"But, it's not healthy." pahina ng pahina na sabi niya at napayuko pa.
Naguilty naman ako. Masyado ba ako naging harsh?
"Yung noodles hindi rin naman healthy yun ah?" ani ko.
"Well, mas mabubusog ako doon."
Hindi naman ako nakasagot doon dahil may point naman siya.
"May problema ba?" aniya. "Did I do something wrong?" dagdag niya.
"Wal—"
Hindi ko naituloy yung sasabihin ko ng pinutol niya ako.
"Am I being too makulit?"
Napababa ang tingin ko sa kinakain ko sa sinabi niya dahil hindi ko maiwasang matawa.
"Why?" he asked at hinuhuli yung tingin ko.
I bet ang pula ng mukha ko sa kapipigil ng paghalakhak ng malakas.
"Ang conyo lang." ani ko at napahagikgik pero tinakpan ko ng palad ko. "Sorry." dagdag ko at nag peace sign pa.
Makalipas ng ilang minuto ng mahimasmasan ay nakangiti akong bumaling sa kanya at nailang ako ng makitang nakatitig siya sakin.
"May...may dumi ba sa mukha ko?"
"Mas gumaganda ka kapag tumatawa ka." aniya na nakapagpatigil sakin.
Nakatitig lang din ako sa kanya at hindi makapagsalita. Naputol lang ang titigan namin ng may tumikhim sa gilid ko.
"Ehem!" Paglingon ko ay nasalubong ko ang nanunuksong tingin ni Danica kaya nag-init yung pisngi ko at napayuko.
"Magpractice na nga tayo at nilalanggam na ako." malakas na sabi ni Danica bago tumayo.
Kita ko naman sa gilid ko ang pagtayo din ni Dustin. Tatayo na rin sana ako ng iabot niya ang palad niya sakin para tulungan akong tumayo. Walang pag-aalinlangan kong inabot yun at ng makatato ng maayos ay pinagpag ko na yung likod ko ng may bumulong sa kanang tenga ko.
"I meant what I said."
sabi nito at naglakad na at nilagpasan ako ng makapunta sa kagrupo namin.Ako naman ay nabato sa kinatatayuan ko. Ano ba yan Dustin! Nakakailan kana ngayong araw, baka masagot na kita mamaya.
Nang mapagtanto ang nasa isip ko ay napailing nalang ako, nababaliw na yata ako. Pumunta ba ako sa pwesto ko at nagsimula na.
Naging maayos yung pagpapractice namin pero mas madami yung kulitan. Nang maghapon ay nakabilog kaming lahat at nakikinig sa sinasabi ni Danica.
"Gawa na yung gagamitin niyong props." she said. "At dadalin ko bukas, maaga dapat tayong pumasok ng makapagpractice habang gamit yung props."
Napatango naman kami.
"Yung susootin niyo wag kakalimutan. Tapos yung lines niyo kabisaduhin ng mabuti."
Habilin pa ni Danica bago niya sabihing pwede ng umuwi. Nilapitan na ako ni Dustin at inaya ng umuwi kaya nagpaalam na ako kila Abby.
"Hep hep hep..." ani Danica ng ambang aalis na kami. "Walang aabsent bukas."
"Opo." sagot nila.
Mga tatlong segundo pa bago kami umalis at baka may sasabihin pa si Danica pero wala na kaya ayun, gorabels na!
🤡
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...