Chapter 37
Napatayo ako at mabilis siyang dinaluhan.
"Ayos ka lang ba?"
"Fuck..." dinig kong aniya habang nakahawak sa balakang.
"May...may masakit ba." nag-aalalang sabi ko at hinimas ang likod niya. Pinaupo ko ulit siya sa duyan at nakatayo naman ako sa gilid niya.
Nakita kong nakapikit siya kaya mas lalo akong nataranta.
"D-dadalin na ba kita sa hospital?"
"No...no, I'm good." he said at hinawakan niya ang kamay kong nasa balikat niya.
Naramdaman kong may kuryenteng dumaloy doon ng maglapat ang balat namin. Kahit kinakabahan ay hindi ako lumayo.
"D-did you say earlier that...your already answering me?" aniya habang nakatingin sa mata ko. Nakita ko doon ang ngiting pilit niyang tinatago. 'Kung alam ko lang, kinikilig na 'to...'
Dahan-dahan akong tumango at iniinis siya pero nagulat nalang ako ng hatakin niya ako at niyakap ng mahigpit. Nanigas na yata ako dahil naka upo ako sa kandungan niya! Nabalik lang ako sa ulirat ng maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.
"You're now my girlfriend?" aniya na parang bata kaya napatawa ako at tumango. "And I'm your boyfriend..."
"Oo." nakangiting sagot ko.
"I—I can't believe it...Diba hindi mo ako sinagot dahil sa sinabi ko?"
"Oo naman, kasi narealize ko dahil doon sa mga nangyari, na hindi ko kayang mawala ka sa'kin... at na mayroon din akong nararamdaman sayo."
"I... I don't know what to say," he said.
"Bakit, ayaw mo 'ba?" biro ko.
"No! No!" natatarantang sabi niya kaya napatawa na ako ng tuluyan.
Tumayo ako at nilahad yung kamay ko sa harapan niya.
"Tara na?"
Mabilis niyang pinagsalikop ang kamay namin at sabay naglakad pabalik sa sasakyan niya. Mabilis kaming nakarating sa amin.
Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas ko ay nagulat ako ng makita ko sa gate sila Mama at Papa na nakatingin kay Dustin. Dahil doon ay mabilis akong pumunta sa pwesto nila Mama at nagmano, ganun din ang ginawa ni Dustin.
"M-ma, Pa. Si Dustin po pala—"
"Yung manliligaw mo?" sabat ni Papa habang habang nakataas ang isang kilay at nakatingin kay Dustin na sinusuri mula ulo hanggang paa.
Dahil doon ay sinuway siya ni Mama. Si Dustin naman ay pumunta sa tabi ko at tumayo doon, ramdan ko din na hindi niya alam ang gagawin.
"Oh sya, Sa loob nalang tayo mag-usap at malamig dito sa labas." ani Mama.
Mabilis na pumasok si Papa, kasunos noon ay si Mama. Kaya naiwan kami ulit dito sa labas. Binalingan ko siya...
"Ayos ka lang ba? Gusto mo sabihin ko nalang kila Mama na bukas nalang, gabi na rin kasi." sabi ko, ngunit umiling lang siya.
"It's okay. Mas maganda na makapagpaliwanag ako dahil ngayon ka lang umuwi." aniya at nilagay niya sa balikat ko ang mga kamay niya. "And...we can tell to them... what's our relationship— but if you're not ready, we can—"
"Hindi...I mean, tama ka. Baka ito na yung pagkakataon na sabihin natin na may relasyon na tayo." I said. "Ayaw ko rin naman maglihim kila Mama at Papa."
Napangiti naman siya dahil doon. At hinawakan ang kamay ko, at tumingin sa akin...
"Let's go?" he said while smiling.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...