Chapter 8

6 2 0
                                    

Chapter 8

   "So class nasabi ko naman sa inyo sa GC natin na ngayon kayo kukuhanan ng litrato para sa ID niyo."

Nakatingin ako kay Ma'am at nakikinig sa sinasabi niya. Hindi ko alam yun, di ako nagbukas ng messenger ni hindi ko nga alam kung nasa GC na ako.

"Opportunately, ay masuwerte tayo dahil tayo ang mauuna at hindi ang mga taga SS. So pupunta nalang ulit ako dito para ihiram kayo sa kung sinong subject teacher niyo matapat." sabi ni Ma'am at nagpaalam na ng dumating yung Teacher namin sa Filipino.

"Magandang Umaga sa inyong lahat. So alam kong pamilyar kayo sa kwentong Cupid at Psyche." sabi ni Ma'am." Ngayon ay ito ang ating pag-aaralan."

Kami naman ay nakikinig sa sinasabi ni Ma'am, Alam ko yung pamagat pero yung plot ng story ay hindi ko alam kasi nga ay hindi naman ako mahilig magbasa ng mga ganyan. Ang binabasa ko lang ay mga fiction ganun...

" Ang babasahin niyo nalang ay ang buod ng Cupid at Psyche. Sino gustong magbasa?" sabi ni Ma'am at nagtaas kaming magkakaibigan ng kamay. Ang tinawag ni Ma'am ay si Abby.

"Noong unang panahon may isang napakagandang dilag na inibig ng isang anak ng Diyosa na si Cupid. Tutol ang nanay ni Cupid na si Venus sa pagmamahalang ito. Ngunit naging mag-asawa pa rin ang dalawa kahit hindi pa nakikita ni Psyche si Cupid. Sinulsulan si Psyche ng kanyang mga kapatid na dapat niyang makita ang mukha ng asawa dahil baka ito ay isang halimaw. Naniwala naman si Psyche at sinuway ang utos ng asawa na hindi muna nito dapat makita ang kanyang mukha. Nagkasugat sa mukha si Cupid sanhi ng pagkatagas ng langis mula sa ilawan na ginamit ni Psyche upang sipatin ang anyo ng dalaga. Nagalit si Cupid dahil sinuway siya ni Psyche at nagpasyang umalis muna.Ginawa lahat ni Psyche upang bumalik ang asawa sa kanya kahit pinahihirapan siya ni Venus ay hindi siya sumuko.Sa huli, ay naging imortal din si Psyche dahil sa ambrosia na binigay ni Jupiter at namuhay sila ng maligaya." mahabang sabi ni Abby at pagkatapos ay umupo na.

"Mayroon akong isang katanungan dito at kailangan niyo lang magtaas ng kamay kung gusto niyong sumagot." Ma'am.

"Ang katanungan ay ano ang natutunan niyong aral sa kwentong Cupid at Psyche?" tanong ni Ma'am at walang pagdadalawang isip akong nagtaas ng kamay para sumagot.

Magsasalita na sana si Ma'am ng may kumatok sa pintuan. Nabaling ang atensyon namin sa kumatok at si Ma'am Norlyn pala yun. Mukhang kami na ang pipicturan.

"Hello po Ma'am Carmen excuse ko lang yung mga bata." Ma'am Norlyn.

"Oh sige, mga anak sa susunod na pagkikita nalang natin ituloy yung pag-aaralan natin." paalam naman ni Ma'am Carmen, guro namin sa Fil.

Nang nakaalis na si Ma'am ay nag-ayos na kaming mga babae. Nagpaganda kaming lahat ng hiram pa ako ng liptint kay Kyra at polbo. Nagsuklay rin ako ng buhok, buti pala at nagblower ako kanina at maganda ang buhok ko ngayon. May nakita pa akong nagpabango, 'maamoy kaya yun sa litrato?'

Napailing nalang ako ng tapos na kaming mag-ayos ganun din ang mga lalake ay pinapila kami ni Ma'am at pupuntang gym.
Pagdating namin doon ay may ibang section na tapos na at yung iba naman ay kasalukuyan na nagpipicture.

Nag-intay pa kami ng kaunti at ng matapos na ang nasa unahan naming section ay kami na ang sumunod. Naunang pinicturan ang mga lalake.

Napapatawa nalang ako sa mga kalokohan ng mga lalake at tinatanong sa photographer kung pwede daw magpose. May narinig pa akong singhapan sa kabilang section at may tinitignan sa unahan. Pagtingin ko ay naabutan kong pinipicturan si Dustin. Bumilis na naman tibok ng puso ko at napatulala pa sa kanya pero nabulabog lang iyon ng may marinog akong magbulungan...

'Jonalyn mamaya pagkatapos lapitan natin sila'

'Oo nga ang gwapo lalo na yung pinakamatangkad sakanila.Kukunin ko number niya.'

'Si Dustin yun, balita ko sa Sandler School sila nag-aral bago dito.'

Nag-init naman ang ulo ko sa narinig at inis na lumingon doon sa nag-uusap. Napansin naman nila ako at biglang tumahimik.

'Who's that girl, she's creepy.'

'Mukang girlfriend ng isa kila Dustin.'

'What? I don't think so.'

Napabuntong hininga nalamang ako at buti ay tinawag na kami ni Ma'am at kami na ang susunod.

"Mukang bad mood ka yata?" Abby.

"Papangit ka sa pic. ngiti na yan!" sabi naman ni Kyra.

Di ko sila pinansin at tumitingin lang doon sa harap. Ng tumabi sakin si Danica at may binulong.

"Narinig ko yung sinabi nung mga babae kanina."

Napatingin ako sa kanya at sabing "Wala akong pake."

"Mukang may something ah, naglilihim kana samin?" sabi niya ulit napakunot naman ang noo ko. Minsan na nga magsalita tong babaita na ito ganyan pa lumalabas sa bibig niya.

Sisinghalan ko na sana siya ng bigla itong tumakbo at pumunta sa likod nila Abby. Mabilis lang ang oras kaya kami na ang susunod. Tapos na si Abby, Danica, at Kyra at ako na susunod.

Pumwesto na ako at nag straight body inayos rin ng photographer yung buhok ko. Ng okay na ay ngumiti ako at automatic na lumabas ang dimples ko sa magkabilang pisngi. Yun yung asset ko.

Nang matapos ay sabi ni Ma'am na yung mga tapos ay pwede ng magrecess. Kaya sabay-sabay na kaming pumuntang canteen at bumili ng makakain. May nakita kaming bakanteng pwesto kaya doon na kami kumain at ng matapos ay dumiretso na kami sa Room.

Nandito na kami ngayon sa Room at wala pa yung next na teacher namin kaya ako ay nagcecellphone at sila Kyra naman ay nagbibidahan kila Markki.

Naglalaro ako ng among us at ginagawa yung task ko ng lumapit yung kulay pula at namalayan ko nalang. NAPATAY NA AKO!

Bwisit bat ako pa?! Nagdiscuss sila at alam mo ba kung sino na alis yung kulay brown, kawawa naman siya inosente yung tao eh haystt...

Nang magsawa ako sa laro ay iba naman ang nilaro ko at na-interrupt lang ng dumating yung isang teacher namin sa Math. Hindi dumating yung isang teacher.

Sa itsura ng teacher namin sa Math ay mukang masungit ito. Pano na yan? Dito ako nahihirapang subject.Mukang babagsak ako dito ah pero nandyan naman si Danica magpapaturo nalang ako.

Nagturo agad yung teacher namin sa Math at shit mga bessy. Wala akong nagets sa tinuturo. Kinopya ko nalang yung mga formula at example sa blackboard para naman may mareview ako kapag may quiz.

Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Sa wakas,paglabas namin ay nagpaalam na kami sa isa't-isa at diretso uwi na kami ni Danica sa kanila.




🤡

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon