Chapter 3

8 4 2
                                    

Chapter 3

   Nagising ako ng tawagin ako ni Mama para kumain na ng hapunan.Kaya pupungas-pungas akong tumayo at lumabas ng kwarto.

Pagdating ko sa kusina ay inaayos na ni Mama yung mga plato kaya tumulong agad ako.

"Oh, nakatulog ka?" si Mama.

"Opo." sagot ko at pagkatapos ayusin yung lamesa ay umupo na.

"Kamusta yung unang klase." sabi ni papa.

"Okay lang po, magkakaklase kami nila Abby,Danica, at Kyra."

"Mabuti kung ganun, sa ibang araw ayain mo sila rito at ipagluluto ko kayo." si Mama.

At um-oo naman ako. Nag-iisang anak lang ako nila Mama at Papa.  Gusto kong magkaroon ng kapatid kaya lang ay hindi na kaya ni Mama dahil sa kalagayan niya. Sabi kasi sakin noon ni Papa na masuwerte daw ako at nabuhay ako kasi premature ako nung ipinanganak.

Kahit hindi na ako nasundan ay masaya na ako at kuntento sa pamilya ko.Si papa ay driver at si mama naman ay housewife .Kami ay hindi mayaman, hindi rin mahirap kung baga sakto lang.

Sina Abby at Kyra ay mayaman. Kilala yung mga magulang nila pagdating sa business. Si Danica naman ay malayong kamag-anak ko pero mayroon din silang business na karinderya. Minsan ay doon kami kumakaing magkakaibigan dahil masarap yung mga nilulutong ulam ni Tita Melanie, nanay ni Danica.

At tiyaka masuwerte din ako sa mga kaibigan ko dahil kahit magkakaiba kami ng katayuan sa buhay ay parang magkakapatid na ang turingan namin sa isa't- isa.

Pagkatapos naming kumain ay ako ang nag-urong ng pinagkainan naming lahat.Pagkatapos ay pumunta na akong kwarto.

Pagkapasok ko ay kinuha ko sa table yung phone ko. Binuksan ko nalang social media ko.

Sa GC namin.....

KYRAMOT :
Huy mga bessy, tambay tayo sa bahay nila @Danicamot sa sabado.

ABBYNGOT:
Game ako!

CLEAMOT:
Ghe ghe, basta may pagkain.

DANICAMOT:
Lugi na si Mama sa kakakain niyo samin...

ABBYNGOT:
Wag kang mag-alala @Danicamot libre to ni @Kylangot..

Natawa nalang ako ng mabasa ko iyo. Sino ba nag-iba ng pangalan namin sa GC?

CLEAMOT:
Sino ba nag-iba ng name natin?>.<

KYLRAMOT:
Hahaha, maganda yan magkakamukha tayo. @Abbyngot anong libre ko? Pero sige, libre ko na༎ຶ‿༎ຶ

Natawa ulit ako. Pagkatapos noon ay pinatay ko na yung cellphone ko at nilagay sa study table ko. Pumasok ako sa banyo ng kwarto ko para maglinis ng katawan at matulog na.

Kinabukasan ay nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Pupungas-pungas akong bumangon at habang kinukusot ang aking mata ay kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung oras.

7:08 AM na, yung pasok namin ngayon ay 8:30 AM. Kapag Monday naman ay 6:30 AM. Inayos ko muna yung higaan ko at pumuntang closet para kumuha ng susuotin. Ngayon ay wala kami masyadong gagawin at maghahanap lang ng Club na sasalihan.

Pagpasok ko sa CR ay naligo na ako. Yung itsura pala ng uniform namin ay white na long sleeve na may coat na color dark blue, sa gilid noon ay tatak ng School namin,  and sa kabila naman ay doon iniipit yung ID namin, Ngayon ay wala pang nakalagay doon dahil gagawa pa raw ng panibagong ID. Meron din kaming bow tie kakulay ng coat namin.

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon