Chapter 34

1 1 0
                                    

Chapter 34

Habang nagsusulat ay biglang nagsalita si Danica...

"Hoy, ang ingay niyong dalawa. Baka tuluyan na tayong mapalabas ng classroom," she said, napatingin naman ako sa kanya at nahuli niya ang tingin ko. "At ikaw babaita, ang usapan ay pumasok ng maaga..."

"Sorry, tinanghali ng gising. Nanood kasi ako ng K-drama, eh..." aniko.

"Hindi rin naman tayo nakapag practice. Inuna niyo pa yung daldalan kay Cathy." ani naman ni Abby.

Natigilan naman ako ng marinig ko ang pangalan na yun at ramdam kong may nakatingin sakin sa likod. At alam ko kung sino yun...

"Ayy, alam mo ba Clea inaya tayo ni Cathy sa birthday party niya sa susunod na linggo!" sabi ni Kyra.

"Ah..." napatango nalang ako. Bakit ako masasali, eh sila lang naman ang nakausap ni Cathy?

"Class dismiss." dinig kong sabi ng guro namin ng magbell na.

Habang binabalik sa bag yung notebook ay bigla nalang akong kinalabit ni Kyra.

"Ngayon pala tayo mga re-report ngayon, noh?" she asked.

Oo nga pala, nawala sa isip ko at isa pa ako sa magre-report, kasama ko doon si Dustin.
Nakita kong tumayo s Kyra dala-dala yung manila paper namin at tape, pinagtulungan ni Kyra at ng isang kagrupo namin na idikit sa board yung gawa namin.

"Sino magre-report sa inyo?" tanong sakin ni Abby.

"Kami ni Dustin."

Kinuha ko yung notebook ko doon sa subject na yun dahil doon ko inipit yung papel na sasabihin ko sa reporting.

Parang natatae na yata ako sa sobrang kaba sa kinauupuan ko ng makitang pumasok na si Sir sa room. Hindi pa kami nag-uusap ni Dustin kung paanong gagawin, at hindi ko rin alam kung paano ko siya pakikitunguhan dahil alam ko, magiging awkward lang yun.

"Oh, may isa pa palang grupo na magre-report ngayon, noh?" tanong ni Sir. 'Sir, wala po guni guni niyo lang po yun!'

"Sino yung representative ng group 1?" ani Sir.

Sinabi naman ng mga kagrupo namin yung pangalan namin ni Dustin kaya wala na akong nagawa at tumayo na at lumakad papuntang harap.

"Oy! Muse at Escort natin yan!" dinig kong kantyawan nilang lahat.

Napailing nalang ako dahil doon.

"Ahm, Clea—" hindi natuloy ang kung ano mang sasabihin niya ng magsalita ako para i-introduce yung group namin.

Hindi rin naman nila napansin dahil mahina lang yung pagkakasabi ni Dustin at ako lang ang nakaririnig.

Nagtuloy tuloy yung report namin and thanks God at medyo maganda ang pag re-report namin. Ako lang tong minsan na humihinto dahil na me-mental block pero mabilis na sinasalo ako ni Dustin. 'Sanaol sinasalo... ಥ‿ಥ '

Mabilis akong bumalik sa upuan ko at nakinig na kay Sir. Mabilis na lumipas ang oras at break time na namin.

"Halika na." aya sa akin ni Abby, ngunit tumangi ako.

"Kayo nalang" I said.

Tumango naman siya kaya kinuha ko nalang yung phone ko at naglaro doon ng marinig kong nag-uusap sila Marky sa likuran ko. Pasimple akong nakinig, dahil hindi ako chismosa...

"Bro, tara na." boses ni Marky.

"I'm not hungry." dinig ko namang sabi ni Dustin.

Napakunot ang noo ko doon. Ibig sabihin maiiwan siya dito! Mas mabuti pang sumama kila Abby, kaya nilibot ko yung paningin ko sa room pero wala na sila. Kaya wala akong choice kundi magphone nalang para mukhang busy ako. Kung aalis kasi ako mahahalata ako.

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon