Chapter 32

1 1 0
                                    

Chapter 32

"Ingat ka." ani ko ng nasa tapat na kami ng bahay.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay nakalabas na din si Dustin pero hindi na lumapit.

"Pumasok ka na." he said.

Nginitian ko siya at akmang tatalikod na ng may pumaradang kotse at lumabas doon si Papa.

"Clea, bat nasa labas kapa?" ani Papa at ng makitang may kasama ako ay binati rin niya ito. "Oh, hijo uuwi kana ba?"

"Opo, Tito hinatid ko lang po si Clea." magalang na sagot ni Dustin.

Napatango naman si Papa at nagulat ako sa sunod niya sinabi.

"Dito ka na maghapunan." at bumaling siya sakin. "Sumunod kayong dalawa sa loob." Papa said bago pumasok sa bahay.

Bumaling naman ako kay Dustin. "Tara, pasok ka."

Sumunod naman siya sakin. Pagpasok ay ay naamoy ko kaagad yung niluluto ni Mama sa kusina.

"Upo ka muna dito. Magpapalit lang ako." ani ko at sumunod naman siya.

Binuksan ko muna yung TV ng ma-entertain siya habang wala ako.

"Uh, saglit lang ako diyan ka lang." sabi ko at tumango naman siya habang ginagala ang tingin sa sala namin.

Mabilis akong umakyat papuntang room ko ng maalalang may mga picture ako sa sala noong bata pa ako, kakahiya!

Mabilis ako nagpalit, ang sinoot ko lang ay oversize T-shirt and short at pinoni ko na rin yung buhok ko. Pagkatapos noon ay mabilis akong bumababa ng hagdan pero ng malapit na sa baba ay binagalan ko nalang para kunwari hindi ako nagmamadali kanina.

Papunta akong sala ng madinig ko ang boses nila Papa at Dustin na nag-uusap kaya mas binagalan ko yung paglalakad ko na para bang nasa prosisyon ako.

"Nagpractice lang po kami kanina." ani ng tinig ni Dustin.

"Hmm, kamusta na yung Papa mo?" tanong naman ni Papa.

"Ayos naman po at palaging busy sa kompanya."

"Ikaw ba papalit sa Papa mo kapag naka graduate kana?"

"Ah, hindi pa po. Ite-train muna po ako ni Dad kung paano yung tamang pag-handle ng Company, then kapag sure na kaya ko na pong i-handle ay ipapasa na sakin ni Dad." he said.

Napahinto ako sa kinatatayuan ko sa sinabi ni Dustin. Doon ko lang napagtanto ang kaibahan ng buhay namin. Eh, ako kapag naka graduate hindi pa sure yung future ko, Si Dustin naman ay sure na yung future niya kahit nag-aaral palang.

Napabuntong hininga ako at ngumiti. Dahil diyan pagbubutihan ko na lalo ang pag-aaral ko ng may ipagmalaki naman si Dustin sakin kapag alam mo na, pag naging kami...

Hindi ko na pinagpatuloy ang pag e-eavesdropping at tumuloy na sa sala kaya napatingin sakin ang dalawang lalaking ispesyal sa buhay ko.

"Oh, nandyan na pala si Clea. Maiwan ko na kayo at sasamahan ko doon ang Mama mo." ani Papa at tinapik pa sa balikat si Dustin bago umalis.

"Ah, hi?" awkward na sabi ko dahil hindi ako sanay na may dinadala sa bahay na lalaki at nandito pa sila Papa.

Nakita ko namang tumaas ang sulok ng labi ni Dustin sa sinabi ko.

"Come here." aniya at tinapik ang tabi niya.

Nasa likod ko ang kamay ko habang pumupunta doon. Pagkaupo ko ay straight body lang ako, peto napagtanto ko na masyado akong obvious kaya kahit naiilang ay tinignan ko siya.

As expected, nakatingin na siya agad sakin.

"Uhm, nauuhaw kaba?" tanong ko kahit kakain na kami maya-maya.

"I'm fine." he said.

Napatango naman ako at binagsak ang tingin sa TV na nasa harapan. Nilamon kami ng katahimikan pero ilang segundo lang ay nabasag din ito ng magsalita siyang muli.

"Aren't you comfortable that I'm here?" he asked.

Mabilis kong binalingan siya at mabilis na umiling. "Hindi, hindi... Ano lang, hindi ako sanay na may dinadalang lalaki dito sa bahay."

Napatango naman siya at nagpapasalamat ako ng bigla kaming tinawag ni Mama para kumain. Sabay kaming pumunta sa hapag, katabi ko siya, si Mama sa tapat ko at si Papa sa tapat ni Dustin. Hindi rin kasi gaanong kalakihan yung table namin. Ang mga nakahanda ay mga lutong bahay lang at hindi ko alam kung kumakain ba si Dustin ng ganito. I bet, puro mahal yung kinakain nila na hindi namin afford.

"Kain na kayo, at pagpasensyahan mo na hijo kung yan lang ang naihanda ko ngayon at dahil hindi ko alam na pupunta ka ngayon." ani Mama.

Umiling si Dustin at ngumiti kay Mama. " Okay lang po, Tita at kumakain din naman po ako niyan."

Pagkatapos noon ay nagsimula na rin kaming kumain at habang kumakain ay paminsan- minsan na nagkukwento si Mama tungkol sakin, sa mga pinag-gagagawa ko noong bata pa ako.

Kaya sa lahat ng oras na nasa hapag ay nakayuko ako dahil sa kahihiyan at si Dustin naman ay enjoy na enjoy, tumatawa pa!

Pero pagkatapos din naming kumain ay hinatid ko na si Dustin sa labas dahil madilim na at pumayag naman sila Mama at baka daw mapano pa sa daan.

"Uh, pasensya na pala kay Mama at kung ano-ano kinwento niya." sabi ko habang hindi makatingin sa kanya.

"It's okay, and I enjoyed your child hood story, clumsy girl." aniya at sinamaan ko siya ng tingin dahil sa tinawag niya sakin.

"Che!"

Dahil doon ay napatawa siya na ikinatulala ko.

"I gotta go now baka hinahanap na ako sa bahay. Good Night!" nakangiting sabi niya at kumaway pa.

"Good night din, mag-ingat ka sa daan." ani ko.

At bago pa siya pumasok sa driver seat ay tumingin pa muna siya sakin." For you." he said bago pumasok ng tuluyan at bago siya umalis ay bumusina muna siya.

Hindi muna ako pumasok sa bahay at tinanaw muna ang sasakyan niya, at ng hindi na makita ay doon pa lang ako pumasok. Nadatnan ko sila Mama sa sala at nononood.

"Nakauwi na?" tanong sakin ni Mama.

"Opo. Mauna na po ako sa kwarto."

Sabi ko bago pumanik sa taas. Pagpasok ko sa kwarto ay naglinis na ako ng katawan at nanglalagkit na ako. Ilang minuto rin ang iginugol ko sa CR bago natapos. Pagkalabas ko ay sakto ang pagtunog ng phone ko.

Mabilis ko itong kinuha at nakitang tumatawag si Dustin kaya mabilis kong sinagot yung tawag.

"Hello?" sabi ko at dinig ko ang paghinga niya.

"I'm home." he huskily said.

"Mabuti naman."

"I hung up the phone now. I'm just informed you that I'm home and also... to hear your voice before I sleep."

"A-ah sige. Para makapagpahinga kana rin." I said.

"Hmm..." yun lang ang narinig ko.

Yun lang ang narinig ko at ang paghinga niya, hindi na rin ako nagsalita at pinakinggan na lang ang paghinga niya sa kabilang linya.

"Matulog ka na, good night." biglang sabi niya.

"Ah, oo. Ikaw din, good night."

"Alright." huling sabi niya bago pinatay yung tawag.

Humilata naman ako sa kama ko at pumikit ng nakangiti habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Alam ko na ang kabilang parte ng isip ko ay gusto ko ng sagutin si Dustin. Pero masyado pang mabilis at hindi ko pa lubusang nakikilala si Dustin. Just wait Dustin, konting tiis nalang...





🤡

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon