Chapter 25
"Good morning!" pangbungad ko sa mga kaklase ko ng makapasok sa room.
Yung iba ay bumati, yung iba naman ay walang pakielam. Dumiretso na ako sa upuan ko at nakipagkwentuhan kila Abby. Mga ilang minuto lang ay pumasok na si Ma'am Norlyn.
"Okay class... Seatdown." pambungad ni Ma'am. "May announcement tayo ngayon. Malapit na yung Intramural natin and napagmeetingan namin na may gaganaping pagient and every sections ay dapat may representative." ani Ma'am at naghiyawan ang mga kaklase ko, hindi maganda pakiramdam ko dito....
"Yun oh!"
"Ma'am yung Muse at Escort natin!"
"Clea! Clea! Clea!"
"Dustin! Dustin! Dustin!"
Hiyaw ng mga kaklase ko.
"Okay okay.... quite na tayo. Wala pa naman specific na date. Sinabi ko lang to para makapaghanda sila Dustin and Clea." ani Ma'am.
"I got your back." bulong sakin ni Abby kaya napalingon ako sa kanya at kinindatan lang ako ng Gaga.
Bwisit, wala pa naman pero kinakabahan na ako. First time kong sasali sa mga ganyan. Mas gusto ko pa nga na sumali sa mga dance competition, lalo na kung group.
Pero kung sabagay rarampa ka lang naman... ang problema lang ay ang question and answer. Bwisit, erase erase erase malayo pa yun.
Nakinig nalang ako sa discussion at winala yun sa isipan ko.
Mabilis na natapos ang oras at pangalawang subject na namin ang AP. Nagdiscuss din si Ma'am at nagpasulat ng pagkahaba-haba. As usual ako na naman yung huli. Sila Danica ay tapos ng magsulat pati na rin sila Dustin.
Iniintay pa nga nila ako dahil recess na, pero sinabi ko nalang na di na ako mag rerecess, kaya ayun nandito ako sa room kasama ang kaklase kong may mga baon.
Huminto muna ako sa pagsusulat dahil sumasakit na yung kanang kamay ko. Ginalaw- galaw ko yun at bumalik ulit sa pagsusulat. Di ko alam kung bakit ang tagal kong matapos hindi naman ako dumadaldal.
Oh well malapit naman na akong matapos sa wakas. Habang nagsusulat ay may huminto sa gilid ko pero di ko na iyon pinagkabalahang tignan at nagsulat nalang.
"Here."
Dinig kong boses kaya humarap ako dito at bumungad sakin si Dustin na may dalang water bottle and Burger. Nagtataka ko namang tinaas ang tingin sa mata niya na hindi makatingin sakin ng diretso.
"Huh?" ani ko, wala naman kasi akong pinabili.
"J-just take it." he said at pilit na inabot salin yun kaya wala akong nagawa at kinuha ko yun.
Pagkakuha ko ay mabilis siyang bumalik sa upuan niya at nagcellphone. Lumingon naman ako sa kanya at nagsabi ng 'Thanks.'
Tinabi ko muna yung pagkain at mabilis na tinuloy yung sinusulat. Pagkatapos nun ay kinain ko na yung bigay ni Dustin na pagkain. Pasimple pa akong lumilingon sa kanya dahil kanina pa ako na bo- bother kung nagrecess siya.
So nung lumingon ulit ako at nagtama ang tingin namin ay mabilis akong napaayos ng upo at tumikhim.
"Ah, kumain kana ba?" tanong ko ng lumingon.
"No, but i can handle it." he said and give me a assuring smile.
Napatanga pa ako ng saglit sa ngiti niya bago natauhan.
"Ano.... Hindi, hati nalang tayo dito." sabi ko at hindi magkaugaga sa gagawin.
Hinati ko yung burger at binigay sa kanya. He muttered 'thanks'.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...