Chapter 11
Paggising ko ay gumayak na kami ni Danica. Ngayon ay friday so pwede kaming hindi mag uniform. Ang sinuot ko ngayon ay Halter top color black and sa pangbaba ko naman ay mom jeans and converse. Naka lugay lang yung buhok ko, binlawer ko naman yun kaya ayos.
Si Danica naman ay nakasoot ng crop top and skinny Jeans at naka flat lang siya. Ng ready na kami ay nagpaalam na kami kay Tita at pumasok na. Pinaalam ko rin kay Tita na ngayong araw uuwi sila Mama.
Ilang oras lang ay nakarating na kami ng Emerson School. Dumiretso na kami ni Danica sa Room at naabutan namin sila Abby na nandoon na rin pati sila Dustin.
Si Abby ay naka off shoulder at skirt. Si Kyra naman ay romper at t-shirt. Yung mga lalaki naman, si Jayden ay naka T-shirt lang na black may nakalagay na Fila at isang maong na pantalon. Si Markki naman ay naka T-shirt na color brown na may nakasulat sa likod na 'Hello Girl's' at naka pantalon din. Si Dustin naman ay ganun din ang suot oversize white T-shirt pero naka tuck in. At lahat sila ay naka rubber shoes, mukang mamahalin pa yung sapatos at mukang bago. 'Binyagan na yan!'
Umayos na ako ng upo ganun din ang iba ng pumasok na si Ma'am Norlyn...
"Good Morning everyone, so palagi kong nakakalimutan. Wala pa pala tayong class officer."she said. "So naisip ko na ngayong araw ay magbotohan na tayo. Alam ko naman na kilala niyo na mga classmates niyo." Sabi ni Ma'am at napatango kami. Yung iba kasi ay classmates na namin nung third year kami.
"So the table is now open for President." sabi ni Ma'am at madaming nagtaasan ng kamay.
"I respectfully nominate Mina for President." sabi nung nasa unahan.
"Any nomination?" Ma'am said at nagtaas ako ng kamay.
"Ahm I respectfully nominate Abby for President." sabi ko at naghiyawan sila Kyra at Markki.
Nagtaas naman si John ng kamay, yung naging partner ni Kyra." I close the nomination."
" I second demotion." sabay-sabay naming sabi.
"So who's in favor for Mina?" Sabi ni Ma'am at nagtaasan ng kamay. Sinulat ni Ma'am Norlyn sa board kung ilan ang bumoto kay Mina at 13 lang ito.
" And who's in favor for Abby?" sabi ni Ma'am at nagtaasan agad kami ng kamay. Ng isulat na Ma'am ay 39." So, our class president is Abby. Miss Abby come here in front." sabi ni Ma'am at tumayo na nga si Abby at pumuntang harapan.
"The table is now open for Vice president." She said at tumingin pa sa gawi namin.
"I respectfully nominate Danica for Vice president." sabi ko.
"I respectfully nominate cholo for vice president." sabi namn nung mga lalake sa unahan.
Nagtaas naman si Markki ng kamay."I close the nomination."
"I second demotion."
"Who's in favor for Danica." sabi ni Abby at nagtaas kami ng kamay. Nalungkot ako dahil onti lang kaming nagtaas. Nang kay cholo na ay madami halos lahat ay mga babae, kung sa bagay may itsura rin si Cholo.
"Cholo, samahan mo si Miss Abby sa harap." sabi ni Ma'am na nasa gilid at nanonood lang.
Ganun lang ang ginawa namin sa nagdaang oras. Si Kyra ay naging Treasurer tapos si Markki ay SGT & ARMS. Hanggang sa pinakakahintay na ng lahat ang Muse at Escort.
Hindi maganda yung kutob ko dito ehh. Kadalasan kasi napupunta ako sa Secretary o Teasurer.
"So the table is now open for Muse." Abby said at kumindat pa sakin!
Agad na nagtaas ng mga kamay sila Kyra at tinawag naman ito ni Abby.
"I respectfully nominate Clea for Muse." she said. Agad naman akong nagreact sa sinabi ni Kyra.
"Uy ayoko."
"Any nomination?" Abby said.
"I respectfully nominate Andrea for Muse." Sabi nung Mina.
"Meron pa ba?" tanong ulit ni Abby.
"I respectfully nominate Lia for Muse."
"Sino pa?" sabini abby at nagtaas naman ng kamay si Jayden.
"I close the nomination." he said.
"I second demotion!" they said.
"Wait lang mga anak. So bago tayo magbumoto ay tumayo yung mga binibining mga ninominate?" sabi ni Ma'am.
Yung dalawa ay tumayo agad at pumuntang harapan ako naman ay dahan-dahan pang tumayo sa upuan. Tinulak naman ako ni Kyra kaya ayun pumunta na akong harap.
Hindi naman sa maarte ako ayoko kasi ng ganun. Kasi kada year ay nagkakaroon ng pageant kung saan lahat ng muse at escort ang magre-representative sa kanilang section. Wala naman akong karanasan sa pageant-pageant.
"Ang gaganda naman ng mga binibini na ito. Okay so syempre rarampa muna kayo sa gitna." sabi ni Ma'am.
Habang rumarampa si Lia ay tinitignan ko sila. Kung ipagtatabi kami walang-wala ako sa kanila tignan mo yung suot. Tapos yung blhubog ng katawan nila. Eh ako simple lang liptint nga lang nilalagay ko sa mukha ko para may kulay yung mukha ko. Pag kasi wala akong liptint ay para akong namumutla. Ang angat lang yata ako ay sa heights.
Nang matapos rumampa si Lia at Andrea ay ako naman. Kaya ang gunawa ko, ang kanan kong kamay ay nilagay ko sa bewang ko, tumingin sa unahan at chin up. Syempre di naman ako boba para di alam ang simple na rampa. Tapos ay naglakad na ako, nakakahiya kasi lahat sila ay nakatingin sakin. Poker face lang ako di tulad nung nuna ay nakangiti sila. Para di ako mapili.
Pumalakpak sila at naghiyawan naman sila Kyra ng matapos na ako.
"So alam kong may napili na kayong kandidato. Umpisahan na natin ang botohan, Abby." sabi ni Ma'am at tumango naman si Abby.
"Who's in favor for Clea?" Abby said, at nagulat pa ako ng halos sa likod ay nakataas ang kamay nakataas rin ang kamay sila Abby at Kyra. Ng matapos bilangin ay sinulat ni Kyra ay 29.
"Who's in favor for Andrea?" at nagtaas ulit sila ng kamay. At sinulat ulit ni Kyra king ilan ang bumoto at 16 lang. Kaya hinahampas na ako sa braso ni Danica.
"Who's in favor for Lia?" nagtaasan ng kamay sila at nagulat pa ako ng 7 ang nagtaas kaya ang result ay ako ang nanalo.
Nagsigawan sila at nagpalakpakan. Ako naman ay dumukdok sa Desk at nanalangin na panaginip sana ito."The table is now open for Escort." sabi ni Abby at agad akong nagtaas nf kamay.
" I nominate Jayden for Escort." sabi ko at napangisi naman ako ng umangal ang nasa likod ko.
"Any nomination?" Sabi ni Abby. Kinalabit ko naman ang katabi kong si Danica at sinabing inominate niya si Dustin. At pumayag naman siya agad...
"I nominate Carlo for Escort." sabi ng isang kaklase namin at ang sumunod na tinawag naman ay si Danica.
"I nominate Dustin for Escort." sabi niya at napangisi ako sa isipan ko. May narinig pa akong impit na sigawan ng mga babae. Pasimple akong tumingin sa likod at nakita kong poker face lang si Dustin.
At ganun din ang ginawa ng mga nanominate. Pumunta silang harapan at rumampa. Yung Carlo 'GGSS' ang putek. Kumaway-kaway pa ang loko kala mo kakandidato. Pero yung dalwa chill lang kala mo naglalakad sa Park. Si Jayden ay nakatingin lang sa harap poker face. At si Dustin...
Parang nagslow-mo lahat ng nasa paligid at ang nakikita ko lang ay si Dustin. Chill lang din na naglalakad at poker face pero naka pamulsa yung isa niyang kamay. At syempre ang nanalo ay si Dustin...
Di ko alam kung magpapasalamat ako at medyo nakakasama ko si Dustin kaya less awkward dahil siya ang magiging partner ko sa pageant. Pero ayaan mo na go with the flow nalang tayo.
Pagkatapos noon ay nagturo si Ma'am Norlyn ng may kaunti pang oras na natitira at ng magbell na ay dumiretso na kami sa Canteen para kumain.
🤡
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...