Chapter 33

0 1 0
                                    

Chapter 33

"Anak susunduin kaba ni Dustin?" tanong sakin ni Mama kinaumagahan.

Nag-aalmusal kami ngayon at nakahanda na ako pagpasok. Tumango naman ako bilang sagot dahil may laman pa yung bibig ko. Mabilis din akong natapos at nagpaalam na kay mama.

Nang nasa labas na ako ay kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at tinext si Dustin. Mga ilang minuto ako nag-intay ng text o tawag niya pero wala. Napatingin ako sa orasan ng phone ko at malapit na akong malate. May emergency bang nangyari kila Dustin?

Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay yung phone niya. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na sa kabilang kanto ng makasakay sa jeep. Kung maghihintay pa ako doon ay male-late na talaga ako at ang init pa. Paktay ako nito kay Danica, ang habilin pa niya samin kahapon ay wag male-late.

Napabilis ang paglalakad ko ng makitang paalis na yung jeep na sasakyan ko.

"Manong, wait lang!" sigaw ko habang tumatakbo.

Nang makitang pabagal ng pabagal ang takbo ng jeep hanggang sa huminto na ay mabilis akong tumakbo at sumakay doon. Halos nakatingin sakin yung pasahero dahil sa ginawa ko pero wala na akong pake. Nilagay ko sa lap ko yung bag ko at kinuha yung bimpo ko at pinunasan yung pawis na nasa noo ko at leeg.

Wala pa man haggard na ako. Kumuha ako ng barya sa pitaka ko at pinaabot sa driver. Nang matapos ay kinuha ko naman sa bulsa ng bag ko yung polbo ko at ginamit yun. Mabilis akong naging komportable dahil sa hangin na pumapasok sa bintana ng jeep. Lumilipad yung buhok ko at baka matamaan pa yung katabi ko kaya pinagsalikop ko ito at nilagay sa kaliwang balikat ko.

Nang malapit na sa School ay bigla nalang lumiko yung jeep. Papara na sana ako pero ng makita ko ang dinadaanan ay papunta sa likod na bahagi ng University ay hindi na ako umangal. Pumara na ako ng nasa tapat na ako ng gate sa likod. Pumasok na ako at hindi katulad sa harap ay onti lang ang dumadaan ditong estudyante kaya hindi siksikan dahil ang mga dumadaan lang dito ay yung mga sasakyan dahil nandito yung parking lot.

Habang naglalakad sa tirik na tirik na araw dahil open space itong parking lot ay kinuha ko yung panyo ko at inilagay sa tuktok ng ulo ko dahil wala naman akong payong. Nakatulong din yung mga punong nakahilera dito pero mainit pa rin. Habang naglalakad papuntang gate na maliit papasok sa Univ. ay may napansin akong pamilyar na sasakyan. Nakatuon doon ang atensyon ko kaya hindi ko namalayan na bumagal na pala ang paglalakad ko hanggang sa napahinto na ng makitang lumabas sa kotse na yun si Dustin at umilot sa kabilang parte para buksan yung isang pinto at nagulat ako kung sino yung bumaba.

Si Cathy, pagkasara ng pinto ni Dustin ay mabilis na kumapit sa braso niya si Cathy na parang linta at sabay na naglakad papasok. Hindi nila ako napansin dahil naharangan ako ng puno. Sa nakita ko ay may kirot akong naramdaman. Ano yun... kaya ba hindi ako nasundo ni Dustin kasi may iba na siyang susunduin? Nakalimutan ba niya ako? May usapan naman kami, ah?

Sila ba? Ang pagkakatanda ko sa sinabi ni Cathy sakin, may gusto daw siya kay Dustin. Diba nililigawan ako ni Dustin. Niloloko niya ba ako? Ang daming tanong na nasa isip ko na hindi ko namalayan ay nasa tapat na ako ng room namin. Huminga muna ako ng malalim at ngumiti. Wala lang yun Clea, wag kang mag-isip ng kung ano-ano.

Tuluyan na akong pumasok at dumirekta ang tingin ko sa upuan ni Dustin pero wala siya doon, kahit ang bag niya. Dahan-dahan akong lumakad sa upuan ko at umupo ng kalabitin ako ng isang kaklase ko.

"Uy Clea, sabi ni Danica nasa garden daw sila..." aniya at doon ko lang napansin na wala ding yung mga kaibigan ko.

Napatayo ako ng may maalala ako. Oo nga pala at magpapractice pa kami. Hinalungkat ko sa loob ng bag ko yung script pati na rin yung paper bag na naglalaman ng costume ko. Tumakbo ako papunta sa garden at naabutan silang nagtatawanan, mukhang nag-uumpisa na sila...O yun lang ang akala ko.

Naabutan kong pinapalibutan nila si Cathy at mukhang nagkakasiyahan sila sa pag-uusap na hindi nila naramdaman ang presensya ko. Tumama ang tingin ko sa katabi ni Cathy, Si Dustin na may maliit na ngiti sa labi. Kelangan paba nila ako? Mukhang may papalit na sakin,ah? At tyaka magpapractice paba kami, eh kulang na sa oras at magbe-bell na.

Napabuntong hininga ako at napayuko at napatingin sa sapatos ko. Tumalikod nalang ako at hindi na tumuloy, alam ko naman na yung blockings ko kaya okay lang na hindi ako pumunta, sabihin ko nalang na late akong pumasok. Nakarating ako sa room ko at itinabi yung kinuha ko kanina. Ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa rin sila, mukhang napasarap. Para akong lonely dito sa classroom dahil yung katabi kong upuan tyaka yung sa likod ay bakante.

Nagbell na at saktong pumasok yung Teacher namin ay wala pa sila, nagcutting? Napailing nalang ako at winala yun sa isip ko at nag lecture nalang. Napa angat lang ang tingin ko ng bumukas yung pinto at bumungad sakin yung mga kaibigan kong hingal na hingal.

"Ay, sorry po Ma'am." ani Abby.

Yumuko nalang ako at pinagpatuloy yung pagsusulat habang pinapagalitan sila ng teacher namin. Lahat yata ng kaklase ko ay doon nakatuon ang pansin, ako lang ang walang pakielam.

"Okay, pumunta na kayo sa upuan niyo at wag na wag niyo na ulit itong uulitin kundi sa labas kayo magkaklase, maliwanag." Ma'am said.

"Opo..." sabay sabay na sabi nila bago pumunta sa pwesto nila.

Doon ko palang sila tinignan.

"Hay, kapagod..." sabi ni Kyra at ginawang pamaypay yung hawak niyang notebook.

"Ang sakit ng tuhod ko, kung hindi kasi tatanga-tanga si Marky edi hindi ako madadamay sa katangahan niya." reklamo ni Abby at hinimas yung namumula niyang tuhod. "Hahakbang nalang kasi, eh."

"Ang bagal mo kasing humakbang, anong akala mo nasa prosisyon tayo?" sabat naman ni Marky sa mahinang boses.

"Duh! Nakita mong may heels yung sapatos ko. Paano kapag natapilok ako at nagka sprain?" Abby.

Tumawa lang yung iba sa pagtatalo ng dalawa...pero ako kahit ngiti ay hindi ko man lang magawa. Hindi man lang nila ako pinansin, may nagawa ba ako? Okay lang naman kami nung huli kaming nagkita-kita. Nagtatampo ba sila dahil hindi ako kanina pumunta?

Pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon. I feel out of place...






🤡

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon