Chapter 1

34 5 8
                                    

A/N: Nais ko munang sabihin na sana ay magustuhan niyo ang aking gawa. Alam kong hindi pa ako bihasa sa pagsulat ng istorya. Pero sana ay magustuhan niyo ulit hehe.

PS. Pagsusumikapan ko po itong matapos. Love lots...( ' 3 ' ) 💜
___________________________________________

Chapter 1

Unang araw ng klase ko ngayon, pero ito ako at maliligo palang dahil tinanghali ako ng gising kapapanood ko ng k-drama.

"Clea aba'y bilisan mong kumilos at anong oras na." Dinig kong sabi ni Mama bago ako pumasok sa kwarto ko para maligo.

Binilisan ko nalang ang pagligo at sinoot na ang uniform kong nakalatag sa higaan ko, pagkatapos ay nagsuklay lang ako at lumabas na ng kwarto.

"Ma, pasok na po ako" sabi ko.

"Oh eto baon mo at naghihintay na ang Papa mo sa labas." sabi ni Mama at inabot na rin sakin yung bag ko.

Pagkalabas ko ay nandoon na nga si Papa, kaya sumakay na ako ng kotse sa likod. Habang bumibyahe papuntang School ay kamalas-malasan at traffic pa.

Pero malapit naman na ako sa School kaya pinahinto ko na yung sasakyan at bumaba...

"Pa, dito nalang po ako at late na ako." sabi ko.

"Okay, Good luck sa first day mo anak." sabi ni Papa at ngumiti naman ako.

Pagkababa ko ay kumaripas na ako ng takbo. Huminto lang ako ng nasa Gate na ako para habulin ang hininga ko at nagpatuloy na.

Napasalamat ako at hindi lang ako ang late pumasok, siksikan kaming pumapasok sa Gate.

Nang makapasok na ay dinig ko sa hall way ang tugtog na nanggagaling sa gym, kaya kinabahan ako at the same time ay masaya dahil sa wakas makakasama ko ulit yung mga kaibigan ko.

Nakapasok na ako ng gym at isa-isang tinignan yung pila kung nandoon ba yung mga kaibigan ko ng may tumawag sakin.

"Psst Clea Dito!"

Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang mga kaibigan kong sila Abby, Danica, at Kyra.

"Aga mong pumasok ha. " pang-aasar na sabi sakin ni Kyra.

"Atleast pumasok." sabi ko at sabay-sabay kaming nagtawanan.

"Sana magkakaklase tayo. " sabi ni Abby

"Oo nga. " si Danica.

At natigil lang ang pag uusap namin ng may nagsalita sa stage...

"Good Morning Students! So ngayon ang ating first day of class, alam kong yung iba sa inyo ay lutang pa at nagbabakasyo ang isip..." sabi ng Principal at nagtawanan kaming lahat.

"So bago kayo magkamustahan diyan ay simulan na natin ang Flag Ceremony sa pangunguna ni Miss Villanueva." sabi ng Principal at nagsimula na nga.

Sa kalagitnaan ng ceremony ay kinalabit ako ni Kyra at may binulong sa akin.

"Uy bess, tingnan mo may gwapings sa katabi nating line." sabi niya at hinampas pa ako sa braso.

"Aray naman, nasan ba? " sabi ko habang hinihimas yung parte na pinalo ni Kyra.

"Andun sa bandang likod natin." sabi niya.

Tiningnan ko naman ito at nagulat ako sa loob-loob ko ng makita ang mukha nung tinutukoy ni Kyra.

Matangkad, matangos ang ilong, medyo singkit, ang kulay ng balat sakto lang hindi maputi hindi rin maitim, at syempre yung lips bruh! Ang pinkish alam mo yung parang nagliptint pero natural lang yung sa kanya.

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon