Chapter 23

3 3 0
                                    

Chapter 23

Nandito kami ngayon ng mga kagrupo ko sa seven-eleven. Dito ang meet up namin dahil wala ngang pasok. Nakaupo ako sa gilid kasama ko sa table sina Dustin, Jayden, Donalyn, and John.

Habang sila Abby, Kyra, Danica, at Andrea ay nagtitingin-tingin ng pagkain dito. By the way, bumili nga rin pala ako ng mogu-mogu para ma-update kayo. Sila Abby nalang ang hinihintay namin na kasalukuyang pumipila sa counter.

Ilang minuto lang ay papalapit na sila dito bitbit yung pagkaing binili nila. Tumabi sakin si Kyra habang sa tapat ko naman si Markki na katabi ni Dustin.

"Asog ka nga."sabi ni Abby. Kaya pinaasog ko naman si Kyra, kaya ngayon ay katapat ko na si Dustin na nagce-cellphone.

"Penge." sabi ko at dudukot na sana sa pagkain ni Abby ng mabilis niya itong nalayo.

"Luh, gusto mo?" she said. "Bumili ka." dagdag niya pa at dumila.

Napabusangot tuloy ako at inirapan si Abby. Tinuon ko naman yung pansin ko sa isang katabi ko.

"Kyra." sabi ko at nginuso yung hotdog sandwich niya.

Pero ang gaga ay tinaasan lang ako ng kilay. "Who you po?" she said.

Exaggerated akong bumuntong hininga. Hihingan ko din sana si Danica pero nakita ko ang binili niya ay ice cream kaya tumayo nalang ako at bumili nalang ng sa akin. Bwisit na mga babaita na yun.

Iremind ko nga sa sarili ko na wag din silang bibigyan pag may pagkain ako. Busangot ang mukha na pumunta ako sa mga stall ng pagkain. Habang namimili ay napunta ako sa section ng mga alak kaya may naisip akong kalokohan.

Kinuha ko yung bote ng soju at pumunta doon sa table namin. Tinawag ko si Abby at pinakita yung hawak ko.

"Gusto mo ba?" tanong ko sa kanya, alam ko kasing mahilig to sa soju kasi nag-aala koreana. Feel niya daw pag-umiinom siya nito ay korean na daw siya. Lakas ng bahog.

Nanlaki naman ang mata niya at malaki ang ngisi. "Yes naman! Ililibre mo ba ako?"

"Luh asa ka!" i said at ginaya yung ginawa niya, dumila rin ako at tumalikod.

Dinig ko ang pagrereklamo niya na paasa daw ako kaya napangisi ako. Mission accomplish, dahan-dahan kong binalik sa lalagyan yung soju baka kasi mabasag. Alam mo na nag-iingat lang.

Kabababa ko lang ng bote at hindi pa na iaalis ang kamay ng may magsalita sa likod ko na nakapagpatalon sa akin sa gulat.

"Your bully huh?." sabi ng nagsalita pagtingin ko dito ay si Dustin!

"Ha? a-ah niloloko ko lang sila." sabi ko at napakamot sa batok. Pinipigal ko pa yung sarili kong mapatitig sa mukha niya na may sinusupil na ngiti. 'Bess ang gwapoooo!'

Nakita kong nagkibit- balikat siya sa sinagot ko. Ako naman ay pumunta sa mga Junk food at nagtingin na. Naramdaman ko naman sa likod ko ang pagsunod niya.

"Pumili kana, i buy it." sabi na naman niya na nakapapagulat sakin. 'Jusko bat ba ako palaging nagugulat?!'

"May pera naman ako." sabi ko naman, nahihiya kasi ako at tyaka kelangan rin natin magpabebe saglit.

"No, i handle it." he said kaya wala na akong nagawa at dumukot nalang ng Mang Juan. Nakasunod naman ako sa likod niya at pumunta naman siya doon sa mga drinks. Nakita kong kumuha siya ng Coke.

Hanggang sa makarating kami sa counter ay nasa likod niya lang ako. For sure nakatingin na samin yung mga kasamahan namin na nasa table.

Aasarin na naman ako niyan ni Abby at Kyra. Actually ako at si Danica lang ang matino samin. Nabalik ako sa huwisyon ng may mag-abot sakin ng Mang Juan.

"T-thank you." sabi ko naman at sinabayan na siyang maglakad pabalik.

Unang- unang nakita ko ang nakakaasar na ngisi nila Abby at Kyra. Hindi lang sila pati na rin si Jayden at Markki, si Danica naman ay nakangiti. Ang naiiba lang na expression ay si Andrea na matalim na nakatingin sakin. 'luh anong ginawa ko?'

" Tara na, masyado na tayong matagal dito." sabi ko agad sa kanila ng makarating para patahimikin na sila, baka kung ano pang sabihin na pang-aasar ng mga ito.

"Yeah, good idea!" ani Andrea at nauna ng lumabas.

"Mukhang mali yata ang inilagay kong role sa Nanay." sabi ni Danica kaya sinamaan ko siya ng tingin. Guys, binabawi ko na yung sinabi ko kanina, ako na lang ang matino saming apat period.

Tatawa-tawang lumabas sila abby at nagthumbs up pa kay Danica. Yung mga lalaki naman ay pinag-uusapan. Nilapitan ko naman sila Donalyn at John para di ma-out of place.

Nag-usap usap lang kami ng kung anong bagay hanggang sa makarating kami sa isang Park. Nilibot ko yung mga mata ko at masasabing mading tao ngayon.

"Hey, saan tayo mag papractice niyan?" sabi ko.

"Doon tayo sa bandang dulo, for sure onti lang tao dun." sabi naman ni Danica.

Kaya lumakad ulit kami at tama nga siya mangilan- ngilan nalang yung tao dito, karamihan mga mag jowa. ' sana ol'

Pumwesto kami sa isang puno para hindi masyadong mainit.

"Start na tayo. Alam niyo naman na yung role niyo at nasend ko na yung script na gagamitin natin." Danica said at nagstart na nga kaming magpractice.

Nasa kalahati na kami ng magreklamo si Kyra na nagugutom na daw siya kaya huminto muna kami. Yung mga lalaki ay umalis para maghanap ng pagkain. Kami namang mga babae ay naiwan dito. Lahat kami ay nakasalampak sa lapag, damuhan naman ito kaya ayos lang.

Habang iniintay yung pagkain ay nagkukwentuhan lang sila, ako naman ay nagpo-phone. Nag-aya akong magpicture at pumayag nan sila.

Pagkatapos nun ay pinost ko yun sa fb at tinag sila. Doon ay nakita naming paparating na yung mga lalake at may dalang mga cups.

Paglapit nila ay dinumog agad yung mga daka nila at fish ball pala yun. Matagal na rin ang huling kain ko nito kaya na miss ko. Mimiyang pag-uwi bibili ulit ako.

"Oy oy, mag-umpisa na ulit tayo!" sabi ni Danica kaya nakipag kilusan na jami para maagang matapos,pero sure ako at hindi namin to lahat mapa-practice dahil minsan, hindi pala minsan, madalas ay palaging nagkakatuwaan kami kaya ang ending ay hindi kami nakakapagpractice ng matino.

Aba'y kasama mo ba naman sila Kyra at Abby isama mo na rin si Markki, tignan natin kung may matatapos kayo. Napailing ako habang nakangiti ng magbiro si Markki, nasa scene na kami at sasabihin ni Abby kay Markki na buntis siya. Fortunately dapat ako yung nandyan sa scene pero nakipagpalit nga ako kay Abby.

"Pananagutan ko yan. Dahil iyan ay bunga ng ating pagmamahalan, kahit anong mangyari." sabi ni Markki na may nakakatawang expression sa mukha at nanginginig-nginig pa yung boses.

"Pero natatakot ako, paano si Papa?" saad naman ni Abby na pabebe yung tono, inipit pa yung buhok sa tenga, napailing nalang talaga ako.

"Hindi ang Papa mo ang pananagutan ko kundi ikaw, kaya wag kang matakot." sabi ni Markki at wala sa script yung dialogue na yun!

Hindi ko na mapigilan yung tawa ko kaya napahalakhak na nga ako ng malakas at gumaya na rin sakin yung iba.

"Hoy Markki, seryosohin mo kasi!" inis na sabi ni Danica. Paniguradong pikon na yan, kung ikaw ba naman maging lider ng grupo na to maiistress ka.

"Baka mahimatay ka pag sineryoso ko ito." seryosong sabi ni Markki walang bakas ng biro ang kanyang mukha. Nagulat pa ako dahil nanibago ako sa Markki na nasa harap ko.

Hinampas naman siya ni Abby kaya nawala yung seryosong mukha ni Markki at nalukot ito dahil sa pagkakahampas ni Abby sa kanya. ' I feel you Markki, kala mo ang hinampas sayo ay kahoy.'

"Aw shit, ang sakit mong manghampas." ani Markki at hinimas yung parteng hinampas.

"S-siraulo ka kase!" sabi ni Abby. 'Hmmm, I smell something fishy.'

At hindi pa diyan natatapos ang sakit ng ulo ni Danica. Mukhang tinubuan na nga ng wrinkles at buhok na puti si Danica. Good luck nalang bess. 'Fighting!💪'






🤡

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon