Chapter 21
Nandito kami ngayon sa gilid ng Gym kung saan kami kumain nila Danica. Dito naming magpasyang mag meeting.
"Anong gagawin nating dula-dulaan?" tanong ni Jayden. Yung gagawin namin kasi ay dapat daw may kapupumutan ng aral.
"Nag-iisip ako wait lang." sabi ni Kyra at pumikit-pikit pa, napabuntong hininga ako.
"Ahm alam ko na, ganito gawin natin halimbawa may isang pamilya, ako kunwari yung nanay and si Dustin naman yung tatay. Tapos halimbawa may tatlo silang anak then sa pamilya na yun ay madaming silang problemang kinaharap pero hindi sila nagpaapekto doon at naging matatag sila, nagtulungan sila hanggang sa masolusyunan yung problema." sabat ni Andrea at nakangiti pa.
"Pasimple pa si Ate ghourl." bulong ni Abby na katabi ko, pasimple ko siyang sinapak. Buti at ako lang ang nakarinig.
"What do you think? Then lagyan nalang natin ng kapupulutan ng aral." Andrea.
"Hindi may naisip akong iba." nagsalita nanaman si Kyra. "May dalawang magjowa na mahal na mahal nila yung isa't- isa pero nasira yun ng umeksena yung ahas. Syempre desperado yung ahas so kung ano-ano ginawang masamang elemento sa magjowa hanggang sa makahanap siya ng syempo na mapaghiwalay yung dalawa. So nasaktan si bebe girl kaya umalis, ginawa namang opportunity yun ng ahas para mapasakanya si bebe boy pero kahit anong gawin niya ay hindi siya magawang mahalin ni bebe boy. Lumipas ang ilang taon ay nagbalik si bebe girl tapos yun naging sila ulit ni bebe boy kasi nga marupok ang boba." mahabang sabi ni Kyra at huminto, lahat ng mata ay nasa kanya.
"Ano nangyari?" tanong ni Markki. Napahawak naman ako sa noo ko ng ituloy nga ni Kyra yung kwento.
"Yun nabaliw si Ahas, nasa mental hospital siya, habang yung dalawang bebe naman ay nasa simbahan at kinakasal, The End." she said.
"Anong makukuha nating lesson dun?" takang tanong ni Danica na sinang-ayunan ng lahat.
"Basic lang yan. Wag maging Ahas kung ayaw mong mapunta sa Mental." sabi niya, tumayo pa at nagbow samin.
Pumalakpak naman si Markki. " Nice!" he said.
"Magaling, yan nalang gawin natin." gatong naman ni Abby at nag thumbs up pa.
Napadukdok naman ako sa table, mukhang ako ang mapupunta sa Mental dahil sa kanila. Hindi nakayanan ng utak ko.
"Hanggang dito na muna ang meeting natin, mag-iisip nalang ako sa bahay ng pwede nating gawin." Danica said, siya kasi yung binoto naming leader.
"Huh? mag-iisip kapa, maganda na yung sinudggest ko, diba Donalyn?" sabi ni Kyra at napilitang tumango si Donalyn.
"Bwisit ka Kyra, baka mahimatay si Ma'am pagnapanood niya yung dula- dulaan na gagawin natin." sabi ko.
"Bahala kayo, unique yung sinudggest ko at napapanahon pa!" sabi niya nanaman.
"Ayan, kababasa mo yan." sabi ni Danica at nagmake face lang si Kyra.
"Ah pwede bang mauna na akong umuwi?" sabat ni John.
"Sige, wala naman na tayong pag-uusapan." sabi ni Danica.
"Huh! Pag-uusapan my ass." dinig kong bulong ni Jayden na nakasimangot kaya napatingin ako sa kanya, Hmmm may something.
"Wala na palang pag-uusapan,uwian na!" sabi ko at sinukbit na yung bag sa likod at tumayo.
Pagtingin ko sa kanila ay naka- upo pa rin sila.... maliban saming dalawa ni Dustin.
"Oh kilos na, mukhang nagmamadali yung dalawa diyan at mukhang may pupuntahang date." sabi ni Abby at ngumiti na parang nauulol na aso.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...