Chapter 20
"Pamparampampam pamparamparampam...." pakanta-kanta pa ako habang pababa sa kusina para mag-umagahan bago pumasok. "Good Morning! hehe." malakas na sabi ko na siyang nakapagpagulat sa magulang ko.
"Mukhang good mood ang dalaga ko ah." Papa said ng makalapit ako at nagmano sa kanila.
"Yes naman po!" sabi ko at umupo na para makapag-umpisang kumain.
Lumipas ang ilang oras ay tapos na akong makapag-almusal, ganun din sina Mama. Kaya pagkatapos ay umakyat na ulit ako para mag-ayos ng sarili. Minadali ko nalang dahil sasabay ako kay Papa. Ng matapos ay mabilis akong bumaba habang inaayos yung bag ko sa likod.
"Pa, halika na. Mama una na po kami, bye!" sabi ko at nauna ng lumabas dahil maglalampungan pa yung parent's ko bago umalis.
Ilang minuto lang ay bumukas yung pinto ng sasakyan at pumasok doon si Papa. Habang bumibyahe ay nagkukwentuhan lang kami ni Papa hanggang sa makarating sa tapat ng School.
"Pa una na po ako. Bye, ingat!" ani ko at sinara na yung pinto ng sasakyan. Pagkatapos nun ay pumasok na ako.
Habang naglalakad ay may nakita akong ibang estudyanteng nakasuot ng ID kaya I bet nandoon na rin yung ID namin. Excited akong naglakad, ang ganda ng araw ko ngayon.
Pagkapasok ko ay tama nga ang hinuha ko. Ang mga kaklase ko ay nagkukumpulan at pinag-aagawan yung ID. Pagpunta ko sa upuan ko ay nakita ko yung mga bag nila Danica pero wala sila. Binaba ko na rin yung akin at nagpunta sa kumpulan na estudyante.
Nakisingit ako at nakita ko si Abby na may hawak sa isang kamay na kumpol na ID at ipinamimigay sa mga kaklase naming nagkakagulo.
"Oh wait lang, pumila kayo aba makukuha niyo din yung sainyo!" sigaw ni Abby. "Abay mahina ang kalaban, isa lang ako!" dagdag pa nito kaya napatawa ako. Kung nakakalimutan niyo ay siya yung President sa classroom namin.
"Hoy, tropa ni cholo! Nandyan naba siya?Vice President pa naman eh, late pumasok, ano yun yung itsura niya lang yung ambag niya?!" sabi ni Abby kaya nagtawanan kaming lahat.
"Kapapasok ko lang may naghahanap na sakin? Hay, ang hirap talagang maging pogi." singit ng kararating lang na si Cholo, nandoon sa pintuan at nakahilig sa gilid ng pinto, yung kamay ay nakahawak pa sa noo na para bang ang bigat ng problema.
Natahimik ang lahat na para bang may dumaan na masamang hangin at nakatingin kay Cholo. At nabasag lang ito ng magsalita si Abby.
"Cholo, tulungan moko ditong mamigay ng ID bwisit ka!"
Pinaghatian nila Abby yun kaya yung iba ay doon pumunta kay cholo. Ako naman ay kay Abby pumila. Ilang oras lang ay ako na.
"Nasan na yung ayuda ko at marami akong pinagkakautangan." biro ko at napatingin naman sakin si Abby at hinanap na yung ID ko.
"Wala dito yung ID ng mga kina-crush back." biglang sabi niya. "Chupi, dito lang nakapila yung mga sad boi at sad girl." dagdag pa niya kaya naguguluhan akong lumayo at pumunta kay cholo.
"Cholo, hanapin mo nga yung akin diyan." sabi ko ng makalapit.
"Hmm, sige pero no. mo muna." biro niya kaya sinapak ko siya sa braso. Kaya tatawa-tawa niyang inabot sakin yung ID.
Tinignan ko naman ito at sinabit na sa uniform ko. Umupo na ako sa upuan ko at pagod na sinandal yung ulo ko sa upuan. 'Kukunin ko lang naman yung ID ko pero bat ang daming naganap, napagod bigla ako.'
Nakapikit ako kaya hindi ko napansin na kadadating lang nila Dustin. Kinalabit lang ako ni Abby na kauupo lang.
"Nandiyan na yung love of your life." bulong niya kaya sinapak ko siya sa braso.
"Huwag kang maingay baka marinig." bulong ko rin sa kanya.
"Tingnan mo si Clea oh naglilihim na satin." nabaling naman ang atensyon ko kay Kyra ng magsalita, nakita ko rin na nakangiti si Danica.
"Ano ba sinasabi mo diyan?" tanong ko at bigla nalang silang nagtawanan kaya nabaling ang atensyong nila Markki samin.
"Mukhang masaya kayo ah?" Markki said.
"Syempre naman, may lihim na pagtingin kasi si—" hindi na natuloy ni Abby yung sasabihin ng takpan ko yung bibig niya.
"Hehe, wala yun." sabi ko at pilit na ngumiti, umakbay pa ako kay Abby at malakas na tinapik-tapik ang balikat niya.
Nagpasalamat din ako at biglang dumating yung Teacher namin sa Filipino kaya hindi na sila nakapagsalita.
Nasulyapan ko pa si Dustin na nakatingin sakin kaya dali-dali akong umayos ng upo at tumingin sa harap.
"Magandang araw sa inyong lahat." she said.
"Magandang araw din po." sabay-sabay kaming tumayo at sinabi iyon.
Habang nagtuturo si Ma'am ay minsan ay dinadaldal ako nila Abby at nagtatake down notes din ako. At umayos ako ng upo ng may in-announce si Ma'am.
"Kayo ay magkakaroon ng unang proyekto sa akin. Kayo ay gagawa ng isang dula- dulaan na kung saan ay tumatalakay sa pinag-aralan natin ngayon." Ma'am said.
"Sana makagrupo ko kayo." sabi ko.
"Unang proyekto niyo ngayon kaya pagbibigyan ko kayo. Kayo ang maghahanap ng inyong kagrupo. Sa isang grupo ay 10 ang myembro." nagsigawan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Ma'am at isa na ako doon."
" 7 na tayo 3 nalang." sabi ni Abby.
"Ito si John." sabi ni Kyra, kung natatandaan niyo siya yung sinabihan ko dati na mukhang nerd.
"2 nalang." Markki said.
Ginala ko yung mata ko at natutok yun kay Donalyn. Kakilala ko siya dahil malapit lang sila sa bahay namin pero di ko siya kaclose. Tumayo ako at nilapitan siya.
"Donalyn may kagroup kana ba?" tanong ko ng mag-angat siya ng tingin.
"Huh? A-ah wala pa." she said, ang cute niya may bangs kasi siya.
"Kagrupo ka na namin noh?" sabi ko at umalis na kahit di pasiya nakakasagot.
Bumalik ako sa upuan ko at nagsalita. " Isa nalang si Donalyn yung isa."
Habang nag-uusap kami ay biglang may nagsalita sa gilid.
"U-uh pwedeng sumali sa group niyo?" sabat ni Andrea na kausap ay sila....Dustin?
Humarap naman si Dustin kay Andrea na blangko ang mukha. "Tanongin mo sila." nguso niya sa bandang gawi ko?
"Pwedeng sumali?" sabi ni Andrea samin at nakangiti ng peke. 'Tsk!'
"Bawal, wala na kaming—" hindi natuloy ni Kyra ang sasabihin ng magsalita sa harapan si Ma'am.
"Kumpleto naba kayo?" tanong ni Ma'am at lahat ng kaklase namin ay sumagot ng 'opo'.
Wala kaming nagawa at naging kagrupo namin si Andrea.
"Mamayang uwian meeting tayo." sabi ni Abby samin at tumango naman kaming lahat.
Narinig ko pang magreklamo si Kyra ng nakaalis na si Andrea. "Tsk! Ayaw ko panamang maging kagrupo yun." she said.
Napaayos na ulit kami ng upo ng dumating na yung pangalawang subject Teacher namin.
🤡
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...