Chapter 36

1 2 0
                                    

Chapter 36

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Abby at nakaupo sa kama niya habang kumakain ng miryenda. Tahimik lang kami at ang maririnig mo lang ay ang ingay na nang gagaling sa TV.

"Ehem..." biglang ubo ni Abby kaya napatingin kami sa kanya.

Umayos siya ng upo at humarap sa amin.

"Mabibingi na ako sa katahimikan. So, anong nangyari?" at tumingin siya sa 'kin.

"Ha? wala naman, ah." aniko na hindi makatingin sa kanila.

"Hay Clea, alam namin may problema ka—kayo ni Dustin." Kyra said. "Anong ginawa ng mokong na yun?"

Kaya wala na akong nagawa kundi ikwento sa kanila kung anong nangyari simula ng nangako si Dustin na susuduin niya ako, tapos ang hindi niya pagsipot, pagkita kong pagsabay nilang pagpasok kaninang umaga, at yung kanina sa arcade.

"What the hell!" asik ni Abby.

"Nagpaliwanag ba siya sayo?" ani naman ni Danica.

"Oo... sinabi niya, utos 'yun ng Mama niya at hindi siya makahindi." napayuko ako.

"Oh, anong sagot mo?" Kyra.

"S-sabi ko, bakit siya nagpapaliwanag eh hindi naman k-kami..." at tuluyang napaiyak na ako.

Mabilis na tumabi sakin sila at hinimas ang likod ko. Inabutan pa ako ni Kyra ng Tissue.

"Loka-loka ka din, eh. Syempre obligasyon niyang magpaliwanag because his courting you." sabi ni Abby.

"Pero mali din naman si Dustin. 'Cause wala man lang siyang ginawa para lumayo doon kay Cathy." Abby.

"Suggestion lang ito, ah? Bakit hindi mo pa sagutin si Dustin, para mabakuran mo siya?" ani Danica na nagpagising sa 'kin.

"May point si Danica." sang-ayon naman ni Kyra.

"Pero paano ko siya sasagutin?"  I asked. " Ano yun kapag nag-usap kami sasabihin ko, 'Sinasagot na kita.' parang ang pangit pakinggan kasi diba nga, may tampuhan kami tapos all of a sudden sasabihin ko yun."

"May point ka din." sabi ulit ni Kyra.

"Pero yun lang ang paraan para gumaan yung pakiramdam mo." Abby said.

***

Hindi namin namalayan ang oras dahil sa pagku-kwentuhan at papadilim na sa labas kung hindi lang kumatok ang isang kasambahay nila Abby at pinapababa na kami para kumain.

Nandito kami ngayon sa hapag at kakaupo lang.

"Manang, nasaan si kuya?" tanong ni Abby.

"Umalis kanina pagkahatid sa inyo at hindi pa bumabalik hanggang ngayon."

"Humanda sa 'kin yun, Isusumbong ko sya kay Mommy."

Kami-kami lang ang kumain at wala din pala sila Tita at may business trip silang pinuntahan.

"Kumuha na kayo," biglang sabi ni Abby. "Hiya-hiya pa kayo!"

"Minsan lang kami ganito, kaya i-video mo na!" biro naman ni Kyra.

Natawa naman ako habang kumukuha ng pagkain. 'Kahit kailan talaga...'

Habang kumakain ay nakatanggap ako ng tawag kay Mama at tinatanong kung bakit hindi pa ako umuuwi, nakalimutan ko kasing magpaalam. Ang sinabi ko nalang ay na kila Abby kami at hindi na rin nagtanong.

"Oh ano, ipapahatid ko nalang kayo?" Abby said.

Nasa sala na nila kami at handa ng umuwi.

"Ako ayos lang, on the way na yung sundo ko." Kyra. "Kayong dalawa, sabay nalang kayo sakin?" tanong niya samin ni Danica.

"Hindi na nakakahiya at tyaka iba yung dadaanan niyo matatagalan pa kayo." sabi ko at sumang-ayon naman doon si Danica.

"Mag co-commute nalang kami." ani Danica.

Mabilis na hindi sumang-ayon yung dalawa, Baka daw mapahamak pa kami sa daan. Kaya napagkasunduan nalang na ipapahatid nalang kami ni Abby. As usual, ay si Danica ang unang bumaba sa amin.

Habang papalapit kami sa bahay namin ay may naaninag akong nakahintong kotse sa tabi ng bahay namin. Nagpasalamat muna ko sa driver bago bumaba. Tinanaw ko pa ito habang paalis ng makarinig ako ng kalabog sa likod ko. Napatingin ako doon at hindi makagalaw ng makitang lumabas ng kotse si Dustin.

"Anong ginagawa mo dito?" muntik ko ng palakpakan ang sarili ko dahil hindi nanginig ang boses ko.

"Clea... let's talk." aniya ng huminto sa harap ko.

Bumuntong hininga ako, baka ito na yung time para makapag-usap kami at magkalinawan na.

"Sige."

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya sa sinabi ko. Iginiya niya ako sa sasakyan niya at pinagbuksan ng pintuan. Pagkapasok ay nalanghap ko agad ang pamilyar na amoy ni Dustin. Habang naglalagay ng seatbelt ay biglang sumama ang pakiramdam ko kapag naaalala kong dito rin umupo si Cathy.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa at nagpapakiramdaman. Minsan ay napapansin ko na lingon siya ng lingon sa gawi ko.

Huminto ang sasakyan sa isang park. Mabilis na lumabas si Dustin at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas ko ay hinangin ang buhok ko at napahimas ng braso dahil sa pagdampi ng malamig na hangin, nagkaroon pa nga ako ng goosebumps.

Inaya niya ako sa isang duyan. Pagkaupo ko ay umupo siya sa kaliwa ko. Kaming dalawa lang dito, kung pupunta ka mag-isa ay matatakot ka dahil wala masyadong ilaw at mga lamp post lang ang nagbibigay liwanag.

"Anong meron sa inyo?" panimula ko at alam ko na alam niya kung sino ang tinutukoy ko.

Napa-ayos siya ng upo.

"She's just my childhood friend and nothing more." he said. "Maniwala ka sakin Clea, walang namamagitan samin ni Cathy."

Napatango ako doon.

"Oo, a-alam ko na mayroon siyang gusto sakin pero hanggang doon lang yun. Parang kapatid na yung turing ko sa kanya." he desperately said.

"Mukhang close sila ng Mama mo, ah?" pabiro kong sabi at tumawa pa pero ng mapagtanto masyadong pilit yun ay tumikhim ako at nanahimik.

"Yes, as what I said we're childhood friend. So, parang anak na rin yung turing ni Mom kay Cathy." umayos ako ng upo dahil doon, kung titignan mo mas lamang si Cathy sa akin.

"And also when I started to court you, my family knows that." doon ay napaangat ang tingin ko sakanya dahil sa gulat.

"Kilala n-nila ako?" wala sa sariling sabi ko at kita kong tumaas ang sulok ng labi niya.

"Of course..."

"Totoo ba?"

"Hmmm, Actually they want to meet you. Pero sabi ko ipapakilala kita sa kanila kapag tayo na." napatulala ako sa paanan ko. "B-but don't be pressure."

"Sinasagot na kita." aniko habang nakatingin sa kanya kaya nakita ko kung paanong manglaki ang mga mata niya at kung paano siya nahulog sa duyan.






🤡

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon