Chapter 17
"Bye, sa susunod ulit." sabi ni Jayden. Nandito kami ngayon sa harap ng bahay nila at nagpapaalam na.
"Ghe bro, una na kami ni Clea." Dustin said at nagtanguan sila.
"A-ano sasakay na lang ako ng Taxi." sabi ko ng humarap siya sakin.
"No it's ok ako naman sumundo sayo so..." he said at binuksan na yung front seat kaya wala akong nagawa at pumasok na at nagpaalam sa mga kaibigan ko.
Nakita ko naman si Dustin na kinausap si Markki at tumango ito. Lumapit na siya sa kotse at nakasunod sa likod niya si Danica. Pumasok sila sa kotse nasa likod si Danica kaya humarap ako sakanya.
"Dito nalang daw ako sumabay at madadaanan naman yung samin." she said at napatango ako at humarap na.
Sila Abby at Kyra naman ay kay Markki sumakay. Nagpaalam pa kami bago umalis.
"Let's go." Dustin said.
Hayyst ang bilis ng oras, may pasok na naman bukas. Habang bumibyahe ay tahimik lang kaming tatlo sinilip ko si Danica sa likod at nakapikit siya doon. Ako naman ay tumunganga nalang sa labas. Ganon lang kami hanggang makapunta na kila Danica.
"Thank you Dustin. Clea, una na ako." she said at lumabas na ng kotse. Si Dustin naman ay nagdrive na ulit at ako naman ngayon ang ihahatid.
Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Dustin at mabibingi na yata ako sa katahimikan kaya tumikhim ako ng may maisip akong itanong at napasulyap naman siya sakin.
"Ah Dustin may tanong sana ako?" panimula ko at nakita kong umayos siya ng upo.
"Hmm?" he hummed.
"A-ah san mo nakuha y-yung no. ko?" sabi ko ng hindi siya tinitignan at nasa harap lang ang tingin.
"Ahm b-binigay ng kaibigan mo." he said at ng tumingin ako sakanya ay nakita kong namumula yung tenga niya.
"May I know kung kanino?" sabi ko ng maging komportable.
"Kay... a-abby, yes kay Abby." sabi niya at nautal pa kaya napasingkit yung mata kong tumingin sa kanya.
"B-binigay ni Abby yung no. mo ng pinasundo ka nila sakin..." dagdag pa niya ng makita kung pano ako tumingin kaya tumango naman ako at tumingin na sa labas, malapit na pala kami sa bahay ko kaya umayos na ako ng upo.Ng nasa tapat na ay pinahinto ko nalang yung kotse niya sa gilid at inalis na yung seatbelt ko.
"Thank you nga pala sa pagsundo at paghatid sakin... ahm mauuna na ako, bye." i said at binuksan na yung pintuan at akmang lalabas na ng hawakan niya yung braso ko at may kakaiba akong naramdaman ng maglapat yung mga balat namin, Napatingin ako doon at dahan-dahang tumaas ang tingin ko sa mukha niya.
Napansin niya iyun kaya mabilis niyang tinanggal yung hawak niya sa braso ko.
"S-sorry, ah sige bye." sabi niya at nakatingin lang ako sa kanya kung may idudugtong pa siya pero humarap na siya sa harapan at nakita kong unti-unti ulit namula yung tenga niya. Napalunok ako...
"Sige, l-labas na ako." sabi ko at lumabas na nga sa kotse at walang lingon na pumasok sa bahay.
Napasandal naman ako sa pinto pagkatapos at hindi namamalayang napahawak sa dibdib at mabilis na naman ang kabog ng puso ko. Narinig ko pa sa labas yung tunog ng kotse ni Dustin senyales na nakaalis na siya.
Doon lang ako napa-ayos ng tayo at napatingin sa sala, wala doon sila Mama. Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko at di ko namamalayan ay nakangiti na pala ako kaya humablot ako ng unan at ipinangtakip ko sa mukha ko at doon nagsisigaw at nagpapadyak.
***
Habang bumababa ay kumakanta pa ako ng savage love, uso yun sa tiktok eh. Pakanta-kanta pa ako at sumasayaw rin ng mapahinto ng makitang naglalampungan yung magulang ko. 'sana ol!'
"Ehem." sabi ko at napatingin sila sa direksyon ko.
"Oh andyan na pala ang maganda nating anak." sabi ni Papa at inalis ang yakap sa bewang ni Mama.
Pumunta naman ako sa kanila at pumwesto sa gitna.
"Anong nangyari sa lakad niyo ng mga kaibigan mo." tanong ni Mama at sinuklay yung buhok ko
"Ah ang totoo po niyan, meron po kaming nakilala sa School, to be exact kaklase po namin and nagiging close na po kami so nag-aya yung isa sa kanila sa bahay nila, yun po." sabi ko at napatangon naman sila.
"Mabuti yan at madami pa kayong nakikilalang kaibigan, sino ba yan at sabihin mo ay bumisita sila rito ng makilala namin." sabi ni Papa at nakaakbay sa likod ko.
"A-ano po kasi, l-lalake po sila." pahina ng pahina na sabi ko at yumuko ng wala akong marinig ay unti-unti kong inangat yung ulo ko kay Papa at nakita kong nakasalubong yung kilay niya sakin ng humarap naman ako kay Mama ay umiling lang siya na parang sinasabi 'kaya mo na yan anak.'
"Tama ba yung narinig ko, mahal?" tanong ni Papa kay Mama. "Lalake?" dagdag pa nito at tumingin na sakin kaya napayuko ulit ako at ngumuso ng kaunti.
"A-ano Papa—"
"Diba sabi ko kapag nagboyfriend kana ay 50 years old ka?" sabi ni Papa at hinampas naman ito ni Mama.
"Anong 50 Lorenzo?" sabi ni Mama kaya pinigilan ko yung tawa ko sa kanilang dalawa.
"Mahal naman, ang bata pa ni Clea para dun." sabi ni Papa at yung mukha parang maamong tuta.
"Di mo ba narinig yung sinabi ng anak mo, kaibigan daw eh bat boyfriend-boyfriend pinagsasabi mo?"
"Mahal naman..." sabi ni Papa at nagpapaawa na, nagulat pa akong tumingin si Papa sakin. "Clea, kelangan kong makilala yang bago mong mga kaibigan tignan ko kung mapagkakatiwalaan ba yan, baka mukhang naka drugs yang mga yan..." sabi ni Papa at naimagine ko naman yung mukha nila Dustin. 'Hayys Papa, kung alam mo lang...'
"Hindi po Papa, Promise."
"Hindi, kelangan kong makita yang mga yan ano ba mga pangalan niyan."
"Ano po Jayden Clavirez, Markki Buenavista, at Dustin Monticello." sabi ko at tumingin kay Papa.
Nagtaka ako ng makita kong nagulat siya at nakanganga pa si Mama naman ay nakatulala sa harap.
"Pa?" sabi ko at kumaway pa sa harap ng mukha niya.
"A-anong sabi mo Clea, C-clavirez?" sabi ni Papa kahit naguguluhannako sa reaksyon niya ay tumango ako. "Tapos B-buenavista?" dagdag pa ni Papa.
Napakurap-kurap ako at sumagot. " Opo Papa, bakit—"
"AT MONTICELLO!" biglang sigaw ni Papa at napatalon naman ako sa kinauupuan ko nakita kong napahawak naman si Mama sa dibdib niya.
"O-opo Papa, anong problema ba, Mama?" sabi ko.
"Clea, yun y-yung kaibigan mo?" sabi ni Mama at tumango ulit ako sa kanilang dalawa.
"W-wait nga lang po, ano po bang nangyayari. Anong meron sa kanila?" tanong ko na at tumayo sa harap nila.
"Isa sa kanila ay anak ng Boss ko!" sabi ni Papa at nanigas ako sa kinatatayuan ko. 'Sino sa kanila?'
🤡
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...