Chapter 19
Naiwan akong tulala doon at nabalik lang sa huwisyon ng may pumasok sa CR. Umayos ako ng tayo at tumingin sa salamin. Kitang-kita ko yung replekson ko ang pagkagulat. 'Bat kelangan pa niyang sabihin yun, di ko naman siya tinatanong ah'
Inayos ko nalang ang sarili ko at dumiretso na sa Room dahil mag ta-time na. Alam kong nauna na yung mga yun. Pagkapasok ko ay tama nga at nandoon na sila. Dumiretso ako sa upuan ko at dumukdok sa desk, inaalala pa rin yung nangyari kanina. Bat ba gumugulo kayo sa isipan ko, tsk.
Ng pumasok ang subject Teacher namin ay umayos na ako ng upo at nakinig.
Hindi ko na namalayan ang oras at uwian na. Tumayo na sila Kyra kaya tumayo na rin ako at inayos yung gamit ko, ng matapos ay lumabas na kami.Pero napahinto ako sa paglalakad ng makitang nakalayo na si Dustin. Magtatanong sana ako ngunit naunahan ako ni Abby.
"San punta nun?" she said.
"Ah may emergency sa kanila." si Markki ang sumagot. Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ang strap ng bag ko.
Nagpatuloy na kaming lumakad hanggang maghiwa-hiwalay na kami. Dating gawi lang yung ginawa namin, kasabay kong umuwi si Danica. Nasa loob na kami ng jeep at nakatingin lang ako sa labas ng mapanisin kong tahimik lang si Danica.
"Hey, okay kalang?"
"Hmm...Ah oo." sagot niya at napabuntong hininga nalang ako, kahit di naniniwala sa sinabi niya.
Tumahimik nalang ako hanggang sa makauwi. Pagkauwi ay bumungad sakin si Mama na nagdidilig ng halaman. Napatingin siya sakin at ngumiti.
"Nandito kana pala." she said.
"Opo Mama. Palit muna po akong damit."
Ng tumango si Mama ay dumiretso na ako sa kwarto at nagpalit. Pagkatapos nun ay humiga ako sa higaan at nakatulala lang sa kisame. 'Ano kayang pinag-usapan nila ni Cathy, bat nag-iba yung mood niya bigla?'
Ginulo ko yung buhok ko sa sobrang frustrated. Hinablot ko sa tabi ko yung phone ko at tinawagan si Abby na agad naman nitong sinagot.
'What's up!' sabi ni Abby sa kabilang linya.
"Free kaba ngayon?" i said.
'Yeah, dito lang ako sa bahay, bakit?'
"Punta ako diyan."
'May problema ba, pasundo kita kay Manong?'
"Wag na, magta-taxi nalang ako." i said and hung up the phone.
Bumaba ulit ako para puntahan si Mama at magpaalam at agad naman itong pumayag ng sabihin kong kila Abby ako pupunta. Umakyat ulit ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit.
Ang suot ko ay Cargo pants na black then Halter croptop na color black and Chuncky sneakers. Nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng liptint and polbo ng makuntento ay kinuha ko na ang sling bag ko na ang laman ay mahalagang gamit ko then gumora na ako.
Isang beses pa akong nagpaalam at lumabas na. Ilang oras din akong nag-antay ng Taxi hanggang sa may humintong isa. Sumakau ako doon at sinabi sa driver ang address kung saan ako pupunta.
Bago makarating sa Village nila Abby ay huminto muna kami sa gate. Binaba ko yung salamin ng makita ako ng guard. Kilala na ako ni manong guard kaya pinapasok na kami.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...