Chapter 14

2 3 1
                                    

Chapter 14

   Maganda ang gising ko ngayon kaya maaga akong nagising. Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba at nakita kong nanonood ng TV si Mama habang nag-aalmusal.

"Good morning, Mama." bati ko at napatingin naman siya sakin at ngumiti.

"Magandang umaga rin sa aking pinaka magandang anak, halika nga dito." Ani ni Mama at lumapit naman ako sa kinauupuan niya at niyakap ako kaya gumanti rin ako.

"Mukhang maganda ang gising ng dalaginding ko ah." sabi ulit ni Mama ng kumalas ako ng yakap.

"Hehehe opo naman Mama. At saka Mama kamusta na po si Tita?" tanong ko at tumabi sakanya.

"Hmm, ayos na ang Tita mo at nakatulong din ang maagang paglabas niya sa ospital."

"Ganun po ba." ani ko.

"Oo at mag-almusal kana doon. Ang Papa mo ay kaaalis-alis lang." ani ulit ni Mama at tumango ako.

Pumunta akong kusina at nakita kong may piniritong itlog na niluto si Mama doon kaya yun ang kinain ko at nagtimpla ako ng kape. Habang kumakain ay naisipan kong tignan yung phone ko baka may nagtext. 'alam niyo na,'

Pagbukas ko ay hindi man lang niya nireplyan yung text ko kagabi. Pero syempre walang makakasira ng araw ko, hahahaha...

Pagtapos kong kumain ay inurungan ko na yung pinagkainan ko at bumalik sa kwarto. Masipag ako ngayong araw kaya ginawa ko na yung assignment namin. Ng matapos yun ay nahiga ako sa higaan ko at bumuntong hininga, wala akong magawa nabobored na ako. Kaya nagsearch nalang ako ng kdrama at nanonood hanggang malibang ako.

Nilubayan ko lang ang panonood ko ng mapakalahati ko na yung episodes para bukas naman. Bumaba ulit ako sa sala at naisipang manood ng TV naman. Pero habang naghahanap ng magandang palabas ay tumunog yung phone ko.
Pagtingin ko ay nag-iingay nanaman yung group chat namin. Kaya binasa ko iyon.

ABBY:
Uy punta kayo samin, wala parents ko dito. Bored na bored na ako ಥ╭╮ಥ.

KYRA:
Itong babaita na to talaga.

MARKKI:
Hahaha game kami, wala nga namang ginagawa.

CLEA:
Di ako pwede...

Nagchat na ako at napansin kong binago na nila yung nickname nila, napailing nalang ako.

ABBY:
@clea why naman bibi.

CLEA:
Lang kasama si Mama, bye.

Yun nalang at sinend ko na. Okay lang mabored dito sa bahay basta may kasama si Mama. 'mabait na anak kaya ito!'

Habang kinakalikot yung TV ay nabored na talaga ako at pinatay ko na yun. Napagdesisyunan kong lumabas muna sa bahay at tumambay sa labas at baka makakita pa ng boylet, char loyal kaya ito!

Nakaupo lang ako doon sa labas at minsan ay pumipitas ng dahon sa halaman ni Mama, shhh lang baka makurot sa singit hahaha.

Habang nakatulala ay naramdaman kong may tumabi sakin kaya tinignan ko ito at nagulat pa ako ng makita ko si Cherry yung kapit bahay namin na maarte di naman kagandahan, char!

"Hello Clea." sabi pa niya at ngumiti ng pagkalaki-laki. Yung mukha ay parang coloring book.

"Hello?" naguguluhang sabi ko at himala at kinakausap ako nito kapag kasi nakikita ako ni Cherry ay bigla nalang ito umiirap.

"Ahm nabalitaan ko kasi na classmate mo si Dustin Monticello?" she said inayos yung damit kaya pinasadahan ko siya ng tingin at kita ko dito yung nakalabas niyang pusod at short-short, kulang nalang magpanty.

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon