Chapter 15
Nasa kwarto ako ngayon at nagmumuni-muni. Katatapos lang namin maghapunan at nagluto si Mama ng Corn Beef. Ng biglang umilaw yung phone ko sa gilid.
From: Dustin😘
Are you free tommorow?Basa ko kaya napaupo ako at mabilis na nagreply.
To: Dustin😘
Wala naman akong ginagawa, bakit?From: Dustin😘
That's great, susunduin kita bukas.Napangiti naman ako ng hindi namamalayan kaya tumikhim ako at tumingin sa paligid ko kahit ako lang naman ang tao sa kwarto ko.
To: Dustin😘
Tanong ko lang san tayo pupunta bukas?At sinend ko yun habang naghihintay ng reply ay sinubsob ko yung mukha ko sa unan at doon nagtitili.Nag-iimagine pa ako kung san kami pupunta, sa isang mamahaling restaurant or manonood ng sine. Umayos naman ako ng makitang umilaw yung phone ko, excited kong binasa ang text niya at napahinto ako sa pagngiti ko sa nabasa...
From: Dustin😘
Kila Jayden tayo, nag-aya sila doon and sinabi rin nila sakin na ako nalang sumundo sayo so...Bumagsak ang balikat ko at napabuntong hininga, sige Clea masyado kang assuming! Imagine ka pa diyan na kakain sa mahal na restaurant at manonood ng sine, ano yun date? eh hindi pa naman kayo close nun, nauutal kapa nga self kapag nasa harap mo si Dustin...
Nagreply nalang ako ng 'okie' with emoji na naka smile. Napahiga ulit ako at tumingin sa kisame ng room ko. Halos lahat ng gamit ko sa loob ng kwarto ko ay color Blue. Wala ako magawa at hindi pa naman ako inaantok dahil nga nakatulog ako kanina so naisipan ko nalang ihanda yung isusuot ko tomorrow.
Pumunta akong closet ko at namili muna ng damit.Naisip ko na simple nalang isuot ko at kila Jayden lang naman pupunta so pumili ako doon sa may mga T-shirt ko at napili ko ang color White na T-shirt na may nakalagay sa harap na 'CELINE'.
Then sa pangbaba naman ang pinili ko ay denim short. And ang isusuot ko naman sa paa ay gladiators. Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa higaan ko para matulog at agad naman akong dinalaw.
***
Naalimpungatan ako sa sinag na tumatagos sa bintana ng kwarto ko. Tumagilid ako ng higa at pumikit ulit pero hindi na ako dinalawa ng antok so bumangon na ako at pumasok sa banyo para ayusin ang sarili.
Habang nagtotooth brush ay nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin at naalalang susunduin nga pala ako ni Dustin dito sa bahay pero ang inaalala ko ay kung anong oras?
Pagkatapos ay bumaba na ako at naabutan kong si Papa na nagbabasa ng dyaryo sa sala. Nagtaka naman ako kung bakit siya nandito.
"Good morning Pa, wala kang trabaho ngayon?" sabi ko at nagmano. Binaba naman ni Papa pung binabasa niyang dyaryo.
"Oo, day off ko ngayong araw. Kumain kana dun." sabi ni Papa.
"Pa nasan si Mama?" sabi ko habang papuntang kusina.
"Nasa labas, dinidiligan yung mga halaman niya." he said at hindi na ako sumagot.
Habang kumakain ay naisipan kong ichat si Dustin kung anong oras siya pupunta dito. Naghintay pa ako ng kaunting oras hanggang sa nagreply na siya.
From: Dustin😘
Mga 12:00...He text at tumingin naman ako sa orasan ng phone ko at nakitang 10:51 AM na. Kaya binilisan kong kumain at nag-urong. Umakyat na ako para maligo at magbihis. Tinuck-in ko yung damit ko at nagsuot ng classic buckle belt.
Nagblower din ako ng buhok at ng medyo natuyo na ay hindi ko na binlower, nilugay ko lang yung buhok ko. Nag polbo rin ako at naglagay din ng liptint para mawala yung pagkaputla ko.
Nagpabango rin ako at sinuot yung Casio kong relo. Sinuot ko na rin yung Fannybag kong color black. Ng matapos ay sinipat ko ulit yung itsura ko sa salamin at ng matapos ay kinuha ko na yung wallet at cellphone ko pati narin ang earpods ko at nilagay sa Fannybag ko.
Bumaba na ako at nakita ko sila Mama sa sala. Hindi pa nga pala ako nagpapaalam, so nagpaalam na ako at pinayagan din naman ako ng sinabi kong kasama yung mga kaibigan ko pero ang dami ngalang habilin.
Ng lumabas ako ay 11:56 na. Hihintayin ko nalang siya dito sa labas. Habang naghihintay ay nakatanggap pala ako kanina ng text ni Dustin...
From: Dustin😘
Papunta na ako sa inyo.He text so i assume na malapit na siya dito. Naupo muna ako sa inupuan ko kahapon at nag games muna ako. Ng mabagot sa nilalaro ay nilabas ko yung earpods ko at nagpatugtog nalang ng huminto sa tapat ko ang pamilyar na sasakyan.
Lumabas doon si Dustin. Napatulala pa ako at hinagod siya ng tingin naka white shirt siya at khaki shorts at naka sneakers. Para kaming couple sa suot!
Tumayo naman ako at pumunta na sa kotse ni Dustin, pinagbuksan pa niya ako sa front seat at ng makasakay ay sinarado na niya at umikot sa driver seat. Habang bumibyahe ay nakatingin lang ako sa gilid ko at tahimik, nararamdaman ko din minsan na tumitingin sa gawi ko si Dustin.
Katahimikan, yan lang ang namutawi sa loob ng sasakyan. Gusto ko man magsalita pero wala naman akong maisip na pagkwentuhan at baka pumiyok pa ako pag nagsalita.
Habang nasa loob ng sasakyan ay kamalas-malasan at traffic! Umayos ako ng upo at tumingin na sa harap, ang naririnig ko lang ay ang paghinga namin at ang pagtap ng kamay niya sa manibela. Ang bagal pang umusad ng mga sasakyan. So hindi na ako nakatiis at lumingon sakanya.
"Ahm, pwede ba akong magpatugtog ng music?" sabi ko ng bumaling siya sakin.
"Sure, just open your Bluetooth." sabi ni kaagad at may pinindot sa harap namin. Ng makaconnect na ay pumunta akong Music App ko at pumili ng kanta. Pinindot ko ang 'Sad Song' ng We the Kings.
'You and I,
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky.'Ng maplay ko na ay humarap ulit ako sa gilid at nag emo, char! Hindi parin kami nakakaalis sa traffic at mukhang may aksidenteng nangyari.
'With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide.'Habang unti-unting umuusad ay narinig kong tumikhim si Dustin kaya napalingon ako sa kanya.
"Ang traffic." i said to myself pero mukhang narinig niya yun at nagsalita.
"Ahm yeah, may banggaan daw diyan na naganap." napatango naman ako at tumingin sa harapan.
'So stop time right here in the moonlight,
'Cause I don't ever wanna close my eyes.'"Ah, malayo pa ba yung kila Jayden?" tanong ko.
"Hindi naman, lalagpasan lang natin yung Easton Mall then sa first Village na makikita mo dun na yung samin." he said kaya napatingin ako sakanya.
"Talaga, so same lang kayong tatlo na Village?"
"No, Markki have Condo near our School."
napatango ulit ako at umayos ng upo ng medyo bumilis na ang usad ng traffic.'Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.'Napapasabay na ako sa pagkanta at nakatingin lang sa harap ng magsalita siya ulit.
"You have a good voice huh." he said at napahinto naman ako sa pagkanta at nahihiyang tumingin sa kanya, panigurado namumula yung pisngi ko.
"H-hehehe di ko sure." i said and i heard him chuckle kaya napatulala ako sa kanya at napansin kong meron siyang dimples sa gilid ng labi niya.
Para akong mabibingi sa bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya.'Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.'At doon ko lang napagtanto, That my feeling for him is not just a simple crush...
🤡
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...