Chapter 18
Maaga akong nagising at agad gumayak para sa pasok ko. Pagkababa ko ay naabutan kong nagkakape si Papa at at Mama naka uniform na si Papa at handa ng pumasok.
Kaya binilisan ko ang pagkain ko at tuwing Monday kasi ay sumasabay ako kay Papa. Ng matapos ay nagpaalam na kami kay Mama at hinatid na nga ako ni Papa.
Ng makarating sa tapat ng School ko ay nagpaalam na ako kay Papa. Pagpasok ko ay marami ng estudyante ang pakalat-kalat dahil hindi pa nag-uumpisa yung Flag Ceremony pero ako ay dumiretso na sa gym dahil alam kong nandoon na yung mga lukaret.
Ng makapasok ay nakita kong nagkukumpulan sila doon.
"May progress naba?" dinig kong tanong ni Abby.
"I... I don't know." sabi ni Dustin.
"Di ko ine-expect torpe ka pala bro." sabi naman ni Markki at binunggo sa balikat si Dustin at nagtawanan sila kaya lumapit na ako.
"What's up!" sabi ko at nakita ko ang gulat na expression nilang lahat.
"K-kanina ka pa diyan?" tanong ni Dustin.
"Kadadating ko lang, bakit may problema ba?"
"Wala ano kaba, halika nga dito Clea." Sabat ni Kyra at hinatak ako. Nag-umpisa na rin ang flag ceremony at pagkatapos nun ay bumalik na kami sa kani-kanilang classsroom.
***
Ito kami ngayon at nagkaklase, ang masasabi ko lang ay Super Boring. Nakatanaw lang ako sa labas ng classroom habang nakapalumbaba ng may kumalabit sakin.
Pagtingin ko ay si Kyra pala yun at ng tumingin ako ay sumenyas pa siyang lumapit daw ako kaya ginawa ko yun.
Lumapit ang mukha niya sa tenga ko at bumulong."Cutting class tayo?" she said na nagpalaki ng mata ko at hinampas siya sa balikat, buti at nakatalikod samin si Ma'am.
"Gagow ba you!" sabi ko at tumawa silang tatlo at mukhang narinig din nila Dustin kaya tumingin ako sa likod at nakita ko yung tatlong itlog na nagpipigil ng tawa para di mapansin ni Ma'am.
Sumama lang ang tingin ko kay Kyra at humarap na sa harapan. Hindi naman kami badgirl puro salita lang sila tapos di naman magawa-gawa.
Lumipas ang oras at natapos na ang ika-3 naming subject, ibig sabihin recess time na!
"Anong kakainin natin?" tanong ni Abby. Naglalakad na kami papuntang canteen ngayon.
"Syempre pagkain." sabi naman ni Kyra at diyan na sila nagrambulan.
Nasa harapan ko sila Abby,Danica, at Kyra Habang sila Dustin naman ay nasa likod ko, kung baga pinagigitnaan nila ako. Napatingin ako sa sapatos ko at nakitang may tuyong putik sa harap 'hindi ko na nalilinis yung sapatos ko'
Inabot ko naman yun at tinanggal habang lumalakad kami ng mabunggo ako sa likod ni Kyra kaya na out of balance ako pero bago ako mapaupo sa lapag ay nasalo ako ng malalaking bisig galing sa likod. Napaharap ako kung sino yun at....
Tug-Dug-Tug-Dug-Tug-Dug
Si Dustin at nakatingin din sakin, napaawang ang labi ko dahil ang lapit ng mukha niya at nakita kong unti-unting bumaba ang tingin niya at ito na naman ay kumalabog ang dibdib ko ng tumama ito sa labi ko. Napabalikwas naman ako at tumayo ng tuwid at napaharap na at sasapakin sana si Kyra kung bakit sila huminto.
Tumagos ang tingin ko sa tatlo kong kaibigan at nakita ko ang pamilyar na babae na nasa harap namin. Nabasa ko ang pagkagulat sa itsura niya at may tinitignan sa likod namin, sinundan ko naman kung saan siya nakatingin at kay Dustin ito nakatingin na ngayon ay nakatingin din sa akin ng seryoso. Napaharap ulit ako at nakita kong nakatingin na yung babae sakin ng seryoso din. 'Inaano ko ba mga to, bat ganyan sila makatingin sakin?!'
Nawala ang seryosong mukha ng babae at bigla itong ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"A-ah hi!" she said and wave her hand.
"Oh Cathy, what are you doing here!?" sabi ni Markki.
"I just w-wanted to talk to Dustin, if it is okay?" mahinhin na sabi niya.
"What is it?" Dustun said.
"A-ah Dustin bro, mauna na kami sa canteen sunod ka nalang." sabat ni Markki.
Napatingin naman ako kay Markki at di sang ayon sa sinabi niya. 'Ano yun iiwan namin yung dalawa dito?!'Sa di ko malamang dahilan ay may namumuong tensyon dito, napatingin naman ako kay Dustin at nakita kong blanko lang ang mukha niyang nakatingin kay Cathy, tinignan ko naman si Cathy at naka yuko naman.
Nawala lang ang tingin ko ng hatakin na ako ni Danica. Kahit ayaw ko pang umalis ay wala na akong nagawa. Habang papalayo ay lumingon pa ako sa dalawa at nakita kong nag-uusap na sila pero ang ikinagulat ko ng biglang yumakap si Cathy kay Dustin pero hindi naman ito gumanti.
Napaharap ako ng makita kong tumingin sa gawi namin si Dustin. Napabuntong hininga nalang ako, may kaunting kirot sa puso akong naramdaman ng makita ko iyun.
Wala ako sa sarili habang umo-order ako kahit ng nakaupo na kami sa table. Malalim ang iniisip ko at di ako mapakali sa kinauupuan ko. Bat ang tagal naman yatang pumunta dito ni Dustin?, yan ang bumabagabag sakin. Minsan ay mapapatingin ako sa entrance ng canteen kapag may papasok. Sa upuan ko kasi ay makikita mo na yung entrance.
Napa ayos ako ng upo ng makitang nandito na si Dustin. Ng huminto siya sa table ay nahinto din sa pagdadaldal sila Abby. Napakunot ang noo ko ng parang may nagbago sa awra ni Dustin.
"Bro, your here na. Umorder na kami ng pagkain mo, here." Jayden said at nilagay yung biniling pagkain sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.
Kaya doon umupo si Dustin at kumain na. Ako naman ay naconcius. Minsan ay tinitignan ko sa gilid ng mata ko si Dustin at nakatingin lang sa pagkain niya at mukhang malalim ang iniisip. Gusto ko mang magsalita pero di ako makakuha ng tyempo kung ano ang sasabihin ko.
"Uhm..." nasabi ko ng wala sa sarili kaya napatingin sakin ang lahat, kasama na si Dustin.
Dahan-dahan akong tumayo at pilit na ngumiti dahil nakatingin sila sakin. "I'm just gonna go to comfort room." sabi ko at hindi na sila hinintay na magsalita at tumalikod na.
Pagkalabas ko sa canteen ay napasabunot ako sa sarili ko. 'Ano yun Clea? Tanga-tanga mo?!'
Napabuntong hininga nalang ako at pumunta nalang sa CR. Pagpasok ko duna ay nagulat ako ng madatnan ko si Cathy na naglalagay ng lipstick sa kanyang labi. Awkward akong pumunta doon at naghugas ng kamay.
"So, I bet your Clea right." she said ng matapos siya sa ginagawa. Awkward akong tumawa at sumagot.
"Ah...Oo."
"Hmm, your close to Dustin?" tanong niya ulit at nag huhugas na din ng kamay, nagkatingin nan kami sa salamin.
"Hindi naman." i said at binilisan na yung ginagawa para makaalis na dun, nakaka intimidate kasi siya.
"By the way I'm Cathy Easton. You can call me Cathy..." sabi nanaman niya at nilahad yung kamay so wala akong choice kundi hawakan yun.
"And i like him."
Nagulat naman ako sa sinabi niya at nakita kong ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. 'What the hell!?'
🤡
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...