Chapter 35
Mabilis na natapos ang klase at mabilis na nag-uunahan yung mga kaklase ko na lumabas. Kami naman ay hindi at nag-popolbo pa sila Kyra kaya nakigaya na ako.
"Tara na." ani Abby.
Sabay-sabay kaming lumabas at napag-kasunduan na sa mall nalang. Kami-kami lang din ang pumunta doon magkakaibigan.
Habang papunta sa parking dahil makikisabay lang kaming mga babae kila Marky. Si Abby at Kyra ay kay Marky sasakay, si Danica naman ay kay Jayden, at syempre alam niyo na kung saan ako sasabay.
Sumasakay na sila at akmang bubuksan na ni Dustin ang pintuan para sa akin ay biglang tumunog ang phone niya. Kinuha niya ito at nakita ko sa caller ID na Mama niya ang tumatawag. Bahagya siyang lumayo pero rinig ko pa rin siya, kahit yung mama niya sa kabilang linya.
"Hello, mom."
"Dustin, isabay mo si Cathy sa pag-uwi." ding ko sa kabilang linya kaya napatingin na ako sa kanya.
Nakita kong sumulyap sakin si Dustin at nagtama ang paningin namin kaya bumuntong hininga siya at tumalikod sa gawi ko.
"May pupuntahan ako, mom."
"That's great! Isama mo si Cathy—"
"But, Mom meron naman pong sundo si Cathy and she can handle herself."
"No buts, Dustin."
Pagkatapos nun ay binaba na ni Dustin yung phone niya, So I guess tapos na silang mag-usap ng Mama niya. Bumalik ulit siya sakin at akmang magsasalita na siya ng inunahan ko siya.
"Uhm, makikisabay nalang ako kila Danica." ngumiti ako pagkatapos nun.
Napalunok pa ako dahil pinipigilan ko ang pagbabadya ng luha ko.
"Clea—" akmang hahawakan niya ang braso ko ng mamataan ko si Cathy na naglalakad na papunta samin.
"Ayan na pala siya, sige... alis na ako." mabilis na sabi ko at tumalikod na ako.
Pagtalikod ko ay may tumakas na luha sa mata ko ngunit mabilis ko itong hinawi at pumunta sa kotse ni Jayden at binuksan yung pintuan sa likod at bumukas naman agad yun. Mukhang nakita nila.
Pumasok ako at natagpuan ko ang mata ni Danica na nag-aalala.
"Anong nangyari, okay ka lang ba?" ani niya.
"A-ah dito nalang ako makikisakay at mukhang kasama natin si Cathy..." ani ko habang nakayuko ayaw kong makita nila ang mata kong namumula dahil sa nagbabadyang luha.
"Tsk!" dinig ko ang pagsinghal ni Jayden. "That f*cker..."
Sa huling sinabi niya ay nahampas siya ni Danica dahil doon. Kaya napatawa ako ng kaunti. Hindi nagtagal ay umandar na din ang sasakyan namin at nauuna sila Marky sumunod kami at ang panghuli ay ang sasakyan ni Dustin.
Tumingin nalang ako sa dinadaanan namin ng biglang tumunog yung phone ko.
Nakita ko doon ang text ni Abby...
From: Abby
Hey, nakita ko yung kanina. Are you okay?Napangit naman ako doon.
To: Abby
Oo naman, wag kang mag-alala.I replied back at nagtext lang ulit siya at sabi niya ay mag-usap kami mamaya. Mabilis lang kaming nakarating dahil malapit lang naman ang Easton Mall. Bumaba kami sa underground parking lot.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...