Chapter 6
Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ni Danica. Nagkamot ako ng kilay at hinampas sa pwet si Danica na katabi ko.
Ng kumislot siya ay nagtalukbong ako ng kumot at nakatulog ulit.Nanaginip ako na nasa harap ko daw si lee min ho at nakangiti sa akin, unti-unti siyang lumapit sa akin kaya pinikit ko yung mga mata ko at hinintay may dumampi. Napabangon ako ng iba ang dumampi sa akin, hinampas ako sa mukha ng unan ni Danica at nakita ko siyang naka uniform na.
"Bumangon kana 6:05 AM na."
Napakamot ako sa batok ko at pupungas-pungas na bumangon. Dumiretso na ako sa banyo para umihe. Pagkatapos ay inayos ko yung susuotin ko at pumasok ulit sa banyo para maligo. Binilisan ko nalang ang pagligo at nag ayos na sa sarili. Nang naka ayos na ay bumaba na kami ni Danica para mag-almusal.
Pagtingin ko sa cellphone ay 6:31 na. Dumiretso kami sa hapag at wala ng tao doon, meron nakatakip sa lamesa at tinignan ko iyon. Fried rice, bacon, hotdog, and piniritong egg.
Umupo na kami at nagsimula ng kumain. Habang kumakain ay may tumawag sa cellphone ko, pagtingin ko sa caller ID ay si Mama kaya mabilis ko itong sinagot.
"Mama, kamusta kayo diyan. Si Tita?"
'Ayos kami rito at yung Tita mo ay makakalabas na mimiyang gabi baka sa biyernes na kami makauwi ng Papa mo.' sani ni Mama sa kabilang linya.
"Ah okay po, mag-iingat po kayo diyan pakamusta narin po sila Lolo't lola."
'Oh sige at baka nag-aayos kana sa pagpasok.' sabi ni Mama at pinatay na ang tawag.
Ako naman ay pinagpatuloy ang pagkain ng matapos ay sabay kaming nagtoothbrush ni Danica ng may tumawag naman ngayon kay Danica. At nakita ko si Abby yung tumatawag.
"Huy mga babaita. Papunta na kami riyan at ilang ulit kong tinawagan si Clea pero busy yung linya niya." bungad niya dinig ko ito dahil ni loud speaker ni Danica.
"Sa gate nalang kayo mag-intay wag na sa tapat ng bahay namin." saad ni Danica.
"O sige bilisan niyo." at pinatay na ang tawag.
Nang matapos ay kinuha na namin yung mga bag namin at bumaba na sa karinderya. Lumapit kami kay Tita at naghingi si Danica ng baon.
"Oh papasok na kayo? ,ito pamasahe o. "
sabi ni Tita."Wag na Ma, susunduin kami nila Abby."
"Sige sige ikaw Clea ito baon mo oh. " at inabutan niya ako ng pero pero hindi ko tinanggap dahil may binigay sa aking pera sila Mama bago kami umalis ng bahay kahapon.
Pagkatapos ay umalis na kami at ngayon ay naglalakad kami sa gilid papuntang Gate, buyi nalang at malapit sa entrance ng village yung bahay nila Danica. Napakaway ako ng makita ko ang pamilyar na sasakyan nung mga lalaki.
Tumakbo ako patungo roon kaya nagaya na rin sakin si Danica. Nagsilabasan naman sila sa sasakyan at sinalubong kami.
"Tara na?" tanong ni Markki.
"Ah pasensya na at natagalan kami." saad ko at sumakay na nga kami.
Nandito ako nakasakay sa sasakyan ni Dustin kasama ko rito si Kyra. Nasa backseat siya at ako naman sa frontseat. Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa sasakyan ni Dustin at binasag lang ito ni Kyra. Buti dito ito sumakay.
"Bat ka nga pala natulog doon kila Danica, Clea?"
"Nagpuntang probinsya sila Mama at naospital si Tita."
"Oh, kamusta na Tita mo?"
"O-okay na siya mimiyang gabi rin daw yung discharge." saad ko. Hanggang makapunta kami sa School ay doon lang umikot yung usapan namin.
7:43 AM na ng makarating kami kami sa School. Madami pang time para maggala. Sabay- sabay kaming pumasok at pansin kong madaming tumitingin samin, ay hindi pala samin sa kasama naming lalaki. Pano ba namang hindi ka mapapatingin alam mo yung pagdaan palang nila eh humahalimuyak na yung panlalaki nilang pabango at saka sa tindig palang alam mong may kaya sa buhay alam mo yung parang mga Living Prince's.
Paakyat na kami sa building namin ng mahinto kami dahil sa pagtawag ng isang lalaki, base sa uniform niya ay SC siya dahil naka neck tie, hindi tulad naming naka bow tie. Ngumiti yung lalake at dumiretso kila Dustin.
" Bro, whats up! " sabi nun at inakbayan siya ni Markki.
"Ulol mo bro. Hindi kana nga sumasama samin eh." Markki.
"I'm busy. " sabi ng lalaki at nagkamot pa ng kilay. Inpernes gwapo rin siya, nagulat ako ng tumingin siya sa gawi namin.
"Who's this ladies? "
"Ah oo nga pala mga bago naming kaibigan. Ganda noh? " Markki.
"Oo, bro pakilala mo ako doon sa babaeng color purple yung bag." pabulong nun sabi pero dinig naman naming lahat. At saka ako lang naman ang ganun ang color ng bag samin magkakaibigan so ako yung tinutukoy niya, medyo nailang ako.
"Calm your tits Bronson." seryosong sabi ni Dustin, kung titingnan mo sa mukha niya para siyang galit.
" Tsk, you have no fun bro. Kaya hanggang ngayon ay wala ka paring girlfriend." sambit nung Bronson.
"Mauna na kaya tayo? " bulong ko kay Danica at narinig naman iyon nila Abby at Kyra.
"Ahm, excuse me pero una na kami sa classroom." sabi ni Abby at tumango naman sila Markki kaya umakyat na kami. Pagpasok sa classroom ay madami na yung nasa room at dumiretso kami sa upuan namin.
Mga ilang oras lang ang lumipas ay pumasok na rin sila Dustin. Dumiretso sila sa upuan nila at makikipag-usap pa sana samin ng dumating na yung first subject namin ngayon ang English subject.
"Good Morning everyone, mag attendance muna tayo bago magsimula sa pag discuss." sabi ni Ma'am, ng matapos ay nagturo na nga si Ma'am at lahat ng isinusulat niya sa White Board ay sinusulat ko rin sa notebook ko pati narin ang nakalagay sa monitor. At nagpa-participate kapag may tanong si Ma'am.
Ganoon ang ginawa ko sa sunod na dalawang subject at pagkatapos ay Recess na. Tinabi ko na yung ginamit ko at sinukbit na yung bag, ganun rin ang ginawa nila Kyra.
Sabay ulit kaming lahat bumaba at pumunta sa Canteen. As usual puno na naman. Naisipan naming doon nalang ulit kumain sa gilid ng gym. Inaya rin namin sila Dustin doon. Ng makabili ng pagkain ay dumiretso na kami roon at naghanap ng pwesto na kasya kaming lahat.
"Ilang araw ka kila Danica, Clea?" tanong ni Markki.
"Ha? ahm kapag umuwi na sila Mama."
"You don't have any siblings? " ani ni Dustin.
"Wala, only child lang ako." sabi ko at uminom sa binili kong mineral water.
"What's the feeling that you are only child?" curious na tanong ni Markki.
"Wala naman, tahimik ahm ano paba boring kasi ikaw lang mag-isa." i said
"Mahirap din yun." Abby.
Ngumiti nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Ng matapos kaming kumain ay bumalik na ulit kami sa room at nagbidahan, char nag-aral.
🤡
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...