Chapter 2
Ngayon ay nandito na kami ulit sa Room namin at nandito narin yung pangalawang Teacher namin sa subject na Araling Panlipunan(AP).
At dinidiscuss ni Ma'am kung ano-ano yung pag aaralan namin sa AP pero halos lahat yata ng mga kaklase ko ay parang nababagot.
Lalo na sila Abby at Kyra na mukhang anumang oras ay makakatulog na. Buti pa kami ni Danica kahit papano ay napagtyatyagaan namin.
Pano pa kaya kapag talagang nag didiscuss na si Ma'am.Napailing na lang ako sa aking naisip.
Bumaling ako sa notebook ko at nilagay ko yun sa last page, kung ano-ano na sinulat ko doon at dinrawing ng magbell hudyat na next period na.
"So, class thank you for today and i hope na marami kayong matututunan sa klase ko Bye!" sabi ng teacher namin.
Pagkaalis ng Teacher ay bumaling ako sa tatlo at kinausap sila.
"Uy guys, milk tea tayo pagkatapos ng klase." aya ko sa kanila.
"Saan?" tanong ni Kyra.
"Doon sa Easton mall, may bagong shop try natin." ako.
"G. " sabi ni abby.
"Ikaw Danica? Doon nalang tayo magpasundo." aya ko.
"Ok lang. " sabi niya at pumalakpak naman ako.
Dumating na yung Teacher namin sa subject na Science. Hindi katulad ng isa, yung teacher naman namin ngayon ay lalake.
"Good afternoon sa inyong lahat, so ako nga pala yung magiging Teacher niyo this school year in science." sabi niya.
"So, wala muna tayong pag-aaralan because first day niyo palang so enjoy- enjoy muna tayong lahat. Nakapagpakilala naba kayo isa-isa?" si Sir at sumagot naman kaming lahat.
"Hm alright, maglalaro tayo ngayon. Bumuo kayo ng grupo. Ilan ba kayo?". si Sir ulit at nagsabi siya sa isang kaklase namin na bilangin kaming lahat.
"So kayong lahat ay 52, so sa isang grupo ay may 4 na member." si Sir ulit at may sinulat sa blackboard na group 1 to 13.
Natuwa naman kami nila Abby, Danica, at Kyra dahil sakto kami.
"Ang lalaruin natin ngayon ay may kinalaman sa science syempre. Ngayon ay Grade 10 na kayong lahat so napag-aralan niyo na yung periodic table." si Sir.
Napa 'ayyy' kami ng sabihin ni Sir yun, akala ko kung anong laro, yun pala may periodic table pa eh onti nalang natatandaan ko.
"So maglabas kayo ng paper niyo and pen sa bawat grupo. At magbibigay ako ng symbol sa periodic table paunahan magtaas kung ano yung name noon, so game."
"Siyang madaming points may plus sa unang quiz natin. Galingan niyong lahat." Sir.
"Mga bessy galingan niyo ah." sabi ni Abby kaya napatawa ako pero pinatahimik ako ni Danica kaya shut up na kelangan rin yung plus na yun.
"Ag. " Unang sabi ni Sir.
"Ag ano ba yun? " sabi naman ni Kyra.
Pero walang pakialam samin si Danica at mabilis na nagsulat at pagkatapos ay tinaas niya yung papel namin hanggang sa sunod-sunod na yung taas ng papel.
Pagkabasa ko kung ano yung nakalagay sa papel namin ay Silver.
"Ang unang nagtaas ay yung nasa gitna na puro ladies. Ang inyong answer ay Silver, Silver is correct."
Kaya nag apiran kaming apat.
"Ok so, next is Ti. " Sir.
Pagkasabi nun ni Sir ay bumaling agad ako kay Danica na may hawak ng papel namin.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...