Chapter 9

3 2 0
                                    

Chapter 9

    Nagpalit ako agad ng damit pagka uwi at ganon din si Danica. Tumunog yung phone ko at kinuha ko ito nakita kong nagtext si Mama kaya tinignan ko ito.

From: Mama
Anak bukas ay makakauwi na kami dyan ng Papa mo.

To: Mama
Okay po, ingat po kayo.

Pagkatapos nun ay naging busy ako kapapanood ng kdrama hanggang sumapit na ang gabi.'Kdrama is lifeu'

Nahinto lang ako sa kapapanood ng tinawag kami ni Tita para kumain na. As usual, pagkatapos kumain ay kami ni Danica ang nag-urong. Ng matapos ay sabay na umakyat kami. At ng makapasok sa kwarto ay naglinis na ng katawan. At himala ay nakatulog ako ng maaga ngayon...

Kinabukasan ay hirap na hirap si Danica na patayuin ako sa higaan dahi bro masarap matulog ngayon lalo na at umuulan pa kaya nakakatamad.'Sana walang pasok...'

Pero hindi dininig ang panalangin ko at ito na kami ngayon pababa na papuntang karinderya ni Tita. Pagkarating namin doon ay nag-aayos si Tita ng mga table at upuan.

"Papasok na kayo?"

"Opo Mama baka malate kami. Umuulan pa naman." sabi ni Danica.

"Ah sabi po pala ni Mama, Tita na baka makauwi na sila ngayong araw." sabat ko.

"O sige at mag-iingat kayo. Nandyan si Mang Mandoy sa labas at doon na kayo sumakay. May dala ba kayong payong?" sunod-sunod na sabi ni Tita.

"Opo Mama, may dala kaming payong una na po kami."sabi ni Danica at nagpaalam narin ako kay Tita.

Nandito kami sa sasakyan ngayon at traffic. Kaya habang nag-iintay ay magandang mag soundtrip muna tayo ft. rain outside. Pinatugtog ko yung Stay Gold ng BTS. Sakto sa panahon yung boses ni Jungkook(BTS Member).

Naka dalawa pa akong kanta ng makarating na kami sa School. Nagbayad muna kami at hinanda ko na yung payong ko para di ako mabasa. Pagpasok namin ay marami kaming kasabay na estudyante.

Dumiretso na si Danica sa Room dala-dala yung bag ko. Hindi pa kasi kami nag-aagahan kaya ako nalang yung bibili sa canteen.

Nasa entrance na ako ng canteen kaya tiniklop ko muna yung payong ko at nilagay sa gilid. Pagpasok ko ay merong mga estudyanteng nakatambay sa canteen. Dumiretso ako sa counter at sinabi yung bibilin ko ng makuha ko na ito ay nagbayad na ako.

Lumabas na ako ng canteen at di ko na rin ginamit yung payong ko at nasa hallway naman na ako. Habang naglalakad ay kumakain ako at napansin kong parang wala ng estudyanteng palakad-lakad. Napatingin ako sa relo ko at nagulat ako ng 8:06 AM na, Late na akooo!

Napatakbo ako ng wala sa oras hanggang nasa tapat na ako ng pinto ng room namin. Nakasara ito at sure ako na may teacher na, patay ako! huhuhu...

Kumatok ako at binuksan iyon. Expect ko na titingin silang lahat sakin. Napapahiyang tumingin ako sa teacher namin.

"Bat ngayon kalang Miss?" tanong ng teacher namin sa pagkakatanda ko ay teacher namin sa AP.

"Sorry po Ma'am, may binili po kasi ako." sabi ko at nakatayo sa harap.

"Okay sit down. Wag mo nang uulit ito." sabi ni Ma'am at dumiretso na ako sa upuan ko. Nagtuloy naman si Ma'am sa pagdidiscuss at ako ito kinakabahan parin. First time kong malate!

Pasimple akong humarap kay Danica at inabot sakanya yung binili kong pagkain

"Ito na yung binili ko. Pahamak, tsk!" sabi ko narinig ko namang nag bungisngisan sila.

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon