A/N: At last, nakapag-update din🤭
Mwehe...( ' 3 ' ) 💜
___________________________________________Chapter 28
As expected ay maaga akong nagising, nag-alarm panga ako para sigurado noh. Dumiretso ako sa kabinet ko at kumuha doon ng uniform at pumunta ng CR para maligo.
Kuskos doon kuskos dito ang ginawa ko. Pagkatapos ko ay sinuot ko na ang uniform ko at take note naglotion pa ako at nagcologne na muntik ko ng ipaligo sa katawan ko, nagpulbos rin ako at onting liptint para maganda, hehe.
Pagkatapos nun ay mabilis kong kinuha yung bag ko sa kama then ready to go!
Mabilis akong bumababa sa hagdan kaya ng pagbaba ko ay sumalubong sakin ang mga tingin ni Papa at Mama.
"Ano yang nasa mukha mo Clea?" taning sakin ni Papa.
"A-ano Papa, uso yan sa school." ani ko habang nagkakamot ng batok.
"Hayaan mo na nga ang bata Lorenzo. Ganyan talaga at nagdadalaga na." pagtatanggol sakin ni Mama.
"Tsk! Sinasabi ko sayo Clea, pag-aaral muna ang unahin."
"Opo." sabi ko nalang.
"O siya kumain na tayo." sabi naman ni Mama.
Nag-umpisa na akong kumain havang naglalayag ang isip ko kung saan. Paano na yan? Hindi ko muna sasagutin si Dustin? Eh matagal pa kaming ga-graduate at may kolehiyo pa!
My gosh! Manalig lang Clea maiintindihan yan ni Papa. Kapag sinagot ko na si Dustin matatanggap din niya dahil wala na siyang magagawa. Oo, tama tama!
Nabalik ako sa ulirat ko ng maramdaman kong nagvibrate yung phone ko na nasa bulsa ng palda ko. Pasimple ko ito nilabas at nagtext na si Dustin na papunta na siya
Nireply-an ko naman siya....
To: Dustin😘
Sige, iintayin nalang kita.Pagkatapos kong masend yun ay binalik ko na sa bulsa ko. Binilisan ko naman kumain pero yung hindi mahahalata nila Mama. Pagkasubo ko sa last ay mabilis kong inabot yung baso ko at tinungga na yun.
"Ma, Pa una na po ako." sabi ko at sinusukbit na ang bag.
"Ha? eh hatid na kita." sabi ni Papa kaya nataranta ako.
"Po! Ah, h-hindi na Papa. Magko-commute nalang po a-ako, hehe." sabi ko at mabilis na nagmano sa kanila. " Ba-bye po!" dagdag na sabi ko habang tumatakbo.
Huminto nama ako ng nasa labas na ako. Tumingin pa ako sa likod ko baka sumunod si Papa pero clear. Naglakad naman ako ng kaunti papalayo sa tapat ng bahay namin, mahirap na.
Kinuha ko yung phone ko kung may text ba ni Dustin pero wala. Nasa ganun akong posisyon ng may humintong pamilyar na kotse. Bumaba doon si Dustin na naka complete uniform.
"Let's go?" nakangiting sabi niya at pinagbuksan pa ako ng pinto.
Nginitian ko naman siya bago pumasok. Pagkapasok ko ay umikot na siya sa kabila at pumasok na rin.
"By the way, here..." he said at may kinuha sa likod.
Para namang nagpaparty yung nasa dibdib ko ng makita ko ang favorite kong rose.
"Thank you." nakangiting sabi ko at inamoy ito, napapikit pa ako ng humalimuyak sa ilong ko ang mabangong amoy ng rose.
"and Good Morning." dagdag niya.
Nakangiti naman akong nag-angat ng tingin sakanya. "Magandang Umaga din."
Ngumiti pa siya ng isang bese bago pinaandar ang sasakyan. Nasa byahe kami ay hindi mawala ang ngiti ko at palagi kong sinusulyapan ang hawak kong punpon na rosas. 'Paano ko to itatago?'
For sure aasarin ako nila Abby pag nakita ito at pagtitinginan din ako ng tao. Ang ayaw ko pa naman ay ang madaming nakatingin sakin.Hindi rin magkakasya sa bag ko at baka masira pa.
"You can leave that here." aniya.
"Ah, sige..." I said. " Kukunin ko nalang sa uwian."
Tumango naman siya at mabilis na sumulyap sakin kaya nginitian ko naman.
Mabilis lang ang byahe at agad kaming nakarating sa School."Sa gate mo nalang ako ibaba."
"Okay."
Ganun nga ang ginawa niya. Pagkahinto ay inalis ko na ang seatbelt at lumingon sakanya. Nabigla pa ako ng nakatingin na siya sakin.
"Una na ako, bye." I said and bumaba na.
Pagkababa ko ay mabilis akong naglakad papasok sa school. Dahil good mood ako ay binati ko pa yung guard.
Napapangiti pa ako habang naglalakad. Naiisip ko palang na ganito na ang set up namin ni Dustin hindi ko na mapigilang kiligin.
Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa room namin. Dumiretso ako sa upuan ko. Wala pa dito sila Abby at Kyra, Si Danica naman ay nag- CR lang saglit.
Kinuha ko yung phone ko at naglaro doon ng....
"Clea!"
"Clea!"
Magkasabay na sigaw nila Abby at Kyra. Hay buhay, ito na naman. Have mercy on me!
"Ikaw babaita ka! Ano yung chinismis ni Abby sakin?" mataray na tanong ni Kyra.
Magsasalita na sana ako ng bigla akong hilahin ni Abby.
"Sa garden nalang tayo mag-usap. Come on! habang wala pang teacher."
Wala na akong magawa at hinatak na ako. Napahinto pa kami ng makita kong nakaharang sa pinto si Dustin at may nagtatanong na tingin.
"Hiramin muna namin si Clea papa Dustin." salira ni Kyra.
Tumabi naman si Dustin at nagtama ang tingin namin kaya ngumiti ako sakanya at sinuklian din naman niya.
"So.... Anong nangyari? Sinagot mo na ba?"
Excited na tanong ni Kyra.
"Syempre hindi pa. Ano yun kaliligaw lang tapos sasagutin na agad?" I said. "Syempre onting pakipot lang, ganun."
"Tama, tama!" segunda naman ni Abby.
"Kung sabagay." tatango-tangong sabi ni Kyra.
Nasa ganun kaming sitwasyon ng lumapit si Danica samin.
"Oy, wala ba kayong balak pumasok tatlo?"
Napatayo naman kaming tatlo...
"Sh*t, oo nga pala may klase pala tayo." ani Abby.
"Hahaha, nakalimutan ko nga rin eh." sabi naman ni Kyra.
Napailing nalang ako. Nagmamadali kaming pumunta sa room namin. Hingal na hingal kami pagkahinto sa tapat ng room namin.
Sila huminto pa doon pero ako ay pumasok na. Ang init! Bwisit kasi sila, bigla nalang tumakbo kaya nakisali na rin ako!
Umupo ako sa upuan ko at nagpapaypay pa gamit ang kamay ko. Nakatingin ako sa harap ng may maglahad ng panyo sa harap ko kaya tinaas ko ang tingin ko kung kanino yun at si Dustin!
"Here." he said and hand over the handkerchief.
"Thank y-you."
Nag-aalinlangan kong sabi. Narinig ko pang nag-ingay sila Markki.
"Yun oh!"
"Ganun dapat poporma!"
"Idol, Dustin!"
Dinig kong sabi nila. Namula naman ako dahil doon. Bumalik na si Dustin sa upuan niya at nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagsapak niya kina Markki at Jayden.
Napakagat nalang ako sa babang labi ko para pigilan ang ngiti ng may bumunggo sa balikat ko.
"Ikaw ah! Kita ko yun!" salita ni Abby.
Napailing nalang ako at hindi na napigilan ang ngiti...
"Sira ka..."
🤡
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...