Chapter 30

2 1 0
                                    

Chapter 30

Hindi ko namalayan at nakatulog pala ako. Namalayan ko nalang na umaga na ng masilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng room ko.

Walang pasok ngayon at sabado kaya pachill-chill lang ako. Nang maayos ang sarili ay bumaba na ako para makakain ng agahan. Nakita kong si Papa lang ang nandoon at nagbabasa ng dyaryo, baka nasa labas si Mama at nagdidilig ng halaman niya.

"Good Morning, Pa." bati ko bago umupo.

Nagsandok ako ng kanin at kumuha ng hotdog. Habang kumakain ng tahimik ay binaba ni Papa yung binabasa niyang dyaryo at sumipsip sa kape niya.

"Kaninong sasakyan yung naghatid sayo kagabi?" ani Papa.

Napahinto naman ako sa kinakain ko dahil doon at nag-isip ng palusot.

"Ah, sa kaibigan... Oo, sa kaibigan ko po." nauutal na sabi ko pa.

"Eh bakit may hawak ka pang bulaklak?"

"A-ano po, pinitas ko sa School?" pahina ng pahinang sabi ko.

Napabuntong hininga si Papa at inayos yung salamin niya sa mata.

"Alam kong may itinatago ka, Clea." he seriously said. " Ano mo si Dustin?"

Nanigas naman ako sa kinauupuan ko, na hot seat pa ako ngayong maga.

"Kaibigan ko p-po."

"Eh, bat iba ang pakilala niya sakin?"

Sabi na naman ni Papa na nakapagpagulat ulit sakin. Iba ang pakilala? So nag-usap sila? Bakit hindi sakin sinabi ni Dustin yun?

Nang hindi ako makasagot ay nagsalita ulit si Papa.

"Hindi naman ako tutol diyan sa panliligaw ni Dustin dahil alam kong matingo bata yun. Ang sakin lang ay wag mo munang sagutin? Hano..."

"O-opo!" napalakas na sabi ko sa sobrang tuwa.

"Ikaw talagang bata ka. Dalaga na talaga ang prinsesa ko, halika nga." sabi ni Papa.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya.

"Laging mong tatandaan na pag-aarap ang unang priority, okay?"

Napatango naman ako doon. Guminhawa din ang pakiramdam ko dahil alam naman na pala ng magulang ko. Bumalik na ako sa kinauupuan ko at pinagpatuloy na rin ang pagkain.

Nang matapos ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko at bumalik sa kwarto para humilata ulit. Dinampot ko yung phone ko at tinignan yung mga message. Nagchachat kasi si Dustin tuwing umaga at naggo-good morning. Ng makitang meron ay nagchat ako.

To: Dustin😘
Good morning din :) Nga pala may sinabi si Papa na nag-usap kayo?

Mabilis na tumugon sa reply ko si Dustin.

From: Dustin😘
Ah Oo, he said na wag ko daw sabihin sayo at ilihim na lang. I don't want to have bad impression to your dad so...

Natawa naman ako doon.

To: Dustin😘
Hahaha, okay lang.

From: Dustin😘
By the way, have you eaten breakfast?

To: Dustin😘
Oo, katatapos ko nga lang eh.

From: Dustin😘
That's good, and mauna na ako. Lilinis ko pa kasi yung kotse ko.

To: Dustin😘
Go, don't mind me.

Pagkasend ko nun ay nagsend lang siya ng thumbs up. Ako naman ay nilagay yung phone sa tyan habang nakatingin sa kisame. Nabobored ako sa totoo lang. Bukas pa ko may balak gawin kasi magpapractice kami ng role play. Sa lunes na yun. Tapos hindi na namna natuloy yung report namin ni Dustin kahapon kasi hindi umatend si Sir kanina sa klase, sa lunes nalang din daw gagawin. Tsk, paano pa ako gaganahang pumasok sa lunes?

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon