Chapter 7
Kakauwi lang namin ni Danica at hinatid kami nila Abby at Kyra. Nandito kami ngayon sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit. Plano naming tulungan si Tita sa karinderya kahit serbidora lang para may maitulong ako kahit papaano.
Nakasuot ako ng oversize na t-shirt dahil doon ako kumportable, halos lahat naman ng damit ko ay ganon. Sa pang-ibaba ko naman ay short lang na above the knee.
Habang papunta kami ni Danica sa karinderya, katabi lang ng bahay nila ay nagpoponi ako ng buhok. Napansin ko ay mabilis humaba ang buhok ko hanggang bewang na ito. Hindi kasi ako nakapagpagupit ng buhok nung bakasyon.
Pagpasok namin ay madaming kumakain, dumiretso kami kay Tita at sinabing tutulong kaming magserve. Nung una ay hindi pa ito pumayag pero ng mas dumami ang customer ay pumayag na ito.
Pumunta kaming kusina at kinukuha yung pagkaing order may kasama na itong number kung saang table yung umorder.
Pagkita ko sa number ay #06 kay lumabas na ako dala-dala yung tray na may pagkain ganun din si Danica.Tinitignan ko isa-isa ang mga table hanggang nakita ko iyon sa bandang likuran. Puro lalake at base sa suot nila ay mga eatudyante ito ng Sandler School. May kumakain din pala ritong mayayaman? Kung sabagay masarap ang mga ulam rito at affordable pa. Dahan-dahan akong lumapit kaya napatingin sila sa akin.
"Ah ito po yung order niyo." sabi ko at nilalagay na sa table nila yung pagkain.
"Your new here? Your face is not familiar eh." napataas ang kilay ko ng magsalita yung nasa bandang gilid ko, itsura palang nito alam mo ng fuckboy.
"Kaibigan ng Mama ko yung may ari nito. Tumutulong lang ako sa pagseserve." sabi ko at ambang aalis na ng hawakan ako sa braso.
"Can i get your number? " aniya, sabi ko na nga ba eh.
"Mawalang galang na, pero marami pang customer." seryosong sabi ko at umalis na doon. Bumalik ulit ako sa kusina para kumuha ng panibagong order.
"Pusta ko hiningi number mo no? " sabi ni Danica. Sininghalan ko siya at umalis na para dalin yung order.
Ganun ang ginawa namin ni Danica hanggang sa umonti ang mga kumakain. Nagpahinga kami at bumalik na sa bahay nila. Ngayon ay kinakalkal ko yung tv ni Danica sa kwarto. Nagsearch ako sa YouTube ng Dance Practice na pwedeng icover.
Ng may mahanap ay inaya ko si Danica na magkabisado ng steps. Hanggang sa napagod kami ay napangalahati namin yung nakabisa. Naunang magshower si Danica at ako naman ay nagbukas ng IG. Nagpost ako ng boomerang, sa TV nakatutok at nakaplay yung sayaw na pinractice namin.
Pagtingin ko ay my notification na lumabas may nagfollow sakin pagtingin ko ay sila Dustin, Markki, at Jayden iyon kaya follow back agad. Meron pang iba kaya lang ay hindi ko mga kilala.
Pinatay ko lang ang CP ko ng matapos na si Danica kaya mabilis akong nagpunta sa banyo at naligo. Kumanta-kanta pa ako sa banyo kaya medyo nagtagal ako. Nang matapos ay nagbihis na ako ng pantulog at lumabas ng banyo.
Nakita ko si Danica na nagcecellphone. Kaya kinuha ko din ang CP ko at naglaro ng ML Mythic na ako pinaghirapan ko yun, pag narinig to nila Abby ay aanga iyon. Hahaha nagpabuhat lang ako sa kuya niya.
'Sana ol diba'
Ng matapos maglaro ay inaya ko na si Danica na maghapunan. Pagdating namin ay wala pang nakahanda kaya nagluto nalang si Danica ng Hotdog. Syempre ako inayos ko na yung plato na gagamitin namin. Tsk, wala kang aasahan sa akin sa kusina kahit pagpiprito yan.
Nang maluto ay kumain na kami sakto kading merong kanin at ininit lang namin yun. Ng matapos ay ako ang nag-urong habang si Danica ay nagpaalam na aakyat muna sa kwarto niya. Habang nag-uurong ay nakarinig ako ng mga hakbang papunta dito sa kusina, at ng tignan ko ay si Tita Melanie lang pala.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...