Chapter 26

0 1 0
                                    

Chapter 26

"Okay guys listen up." ani Danica.

Katatapos lang namin magpractice at ito kami ngayon nakapabilog. Nasa school pa kami.

"Meron naba kayong mga isusuot?"

"Meron na." sabi naming lahat.

"Good good, ang poproblemahin nalang natin ay yung props na gagamitin." she said. "Kelangan natin mag share lahat so maniningil ako ng tig- sampong piso lang."

Tumango naman kaming lahat, yung iba ay nilabas na yung wallet at kaya gumaya na rin ako. Hindi naman ako nagrecess kaya may pera ako. Sabay- sabay kaming nag-abot kay Danica. Halos lahat ay puro papel na pera yung inabot.

"Wala ba kayong barya?" Ani Danica.

"Wala, gusto mo yung card ko?" sabi naman ni Abby. 'Yayamanin!'

"Ganito nalang, sa bente ay dalawang tao. Humanap nalang kayo ng patner niyo tapos bayaran niyo nalang sila." sabi ni Danica.

Kaya yun yung ginawa nila. Pagkatapos nun ay nagsabi na si Danica na pwede ng umuwi.

"Uy, sabay na tayo." sabi ko kay Danica habang nagsusukbit ng bag.

"Ah...Ano k-kasi may pupuntahan pa ako eh. Sorry." sabi niya at napakamot pa sa pisngi.

Tumango nalang ako at nagpaalam nakila Abby.

"Hey, hahatid nalang kita. If it's okay to you." ani Dustin ng tumalikod na ako.

Natulos naman ako sa kinatatayuan ko, hahatid niya ako? For real!

"Sure kaba, baka maabala kita?" sabi ko ng humarap ulit, syempre konting pakipot muna.

"Ah yeah, yeah." he said while nodding.

"Okay." i said, slightly pouting.

"Let's go?"

Tumango naman ako, nagpaalam muna siya kila Jayden bago kami umalis pero syempre hindi mawawala yung mga tingin nilang malisyoso. 'Sarap pitikin.'

Nag sign pa ng Fighting sila Abby at Kyra, mga loka- loka. Nakasunod lang ako sa likod ni Dustin hanggang sa patunugin niya yung sasakyan. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan kaya nagsabi ako ng 'Thanks.'

"Ah thank you nga pala ulit sa paghatid." sabi ko nalang.

Lumingon muna siya sakin at ngumiti. Napatulala pa ako pero mas nagulat ako ng biglang lumapit siya at may inabot sa gilid ko para makatapat ko ang mukha niya. Nailang naman ako at napatingin sa kaliwa, amoy na amoy ko dito ang pabango niyang sobrang manly, sarap amuyin!

Pasimple pa akong tumingin sa mukha niya habang nasa kaliwa pa rin ang mukha ko. Nag-init ang pisngi ko ng nakatingin parin siya sa akin at hindi umaalis sa pwesto. Pigil ko ang hininga ko at naconscious sa amoy. Syempre maghapon kaming nasa School.

"There." he said at umayos na ng upo.

Kinabit pala niya yung seatbelt ko. Dun palang ako nakahinga ng maayos. Jusko kung siya rin pala maglalagay ng seatbelt ko, minu-minuto ko itong tatanggalin, char!

"Are you okay? Your red." sabi niya ng may pag-aalala kaya mabilis akong ngumiti at tumango.

"Oo." sabi ko at nagpasalamat ako at hindi ako nautal.

Tinignan niya pa ang kabuuan ko bago pinaandar ang sasakyan. Habang bumibyahe ay tahimik lang kaming dalawa at walang nangahas na magsalita. 'Anong sasabihin ko? Request naman kayo.'

May napapansin ako kay Dustin habang nagda-drive siya. Minu-minuto ay nagbubuntong hininga siya at parang may gustong sabihin dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko na bumubuka ang labi niya pero ititikom niya ulit ito at bubuntong hininga.

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon