Chapter 10
Katatapos lang ng klase namin kaya uwian na at nag-aayang mag-gala ulit sila Abby. Pero wala na akong dalang pera. Sakto lang yung dinala ko para pangbili pag nagrecess at pamasahe.
"Guys saan niyo gustong pumunta?"ani ni Markki.
"Uy Danica wala na akong pero dito. Pang pamasahe nalang ito." bulong ko kay Danica.
"Magpalibre kana lang kila Abby." sabi niya at tumingin sa bintana.
Napabuntong hininga nalang ako, bahala na si batman. Napag-usapan na magpipicnic daw kami. May alam kasi si Dustin na isang Park. Pero bago kami pumunta doon ay bibili daw muna kami ng pagkain sa supermarket.
Nandito na kami sa tapat ng supermarket at papasok na. Ng makapasok ay mabilis akong tumakbo at kumuha ng isang cart. Kapag kasi naggo-grocery si Mama at sumasama ako gusto ko ako yung nagtutulak.
"Hindi ka naman excited, hano Clea." sabi ni Kyra at umakbay sakin.
Napangiti naman ako at tinulak na yung cart. Inagaw pa ito ni Dustin ngunit binawi ko rin kaya napabuntong hinigna siyang sumuko.
Una kaming pumunta sa station ng mga inumin. Dali-dali silang kumuha ng mga gusto nilang inumin at ito ako hawak hawak lang yung cart. 'wala nga kasi akong pera eh!!!'
Lumapit si Dustin sa cart at naglagay ng C2. Bumaling siya sakin at nagsalita.
"Bat di kapa kumuha ng sayo?" sabi niya.
"Wala kasi akong pera dito." mahinang sabi ko at yumuko. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga at umalis, pagbalik niya ay meron na siyang dalang malaking mogu-mogu. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Favorite ko yun.
"Kumuha ka lang ng gusto mo ako nalang magbabayad ng satin." he said.
"Ha?" takang tanong ko at sinundan ko pa siya ng tingin ng umalis siya.
Umayos ako ng tayo ng sa station ng mga junk foods naman sila pumunta. Kumuha ulit sila at nakita kong tumingin pa sakin si Dustin kaya kumuha na ako ng favorite ko ang Mang Juan at Oishy. Bumili rin sila ng mga candy at kung anong maisipan nilang kunin.
Ngayon ay papunta na kami sa counter at yung cart namin ay madami ng laman kaya mahirap ko itong tinutulak. May biglang humawak katabi ng kamay ko at pag-angat ko ay si Dustin pala.
"Let me." he said at binitawan ko na yun. Lumapit na ako kila Abby. Ng tapos ng makapagbayad ay binuhat ng mga lalaki iyon at sinakay sa sasakyan at dumiretso na kami sa Park na sinasabi ni Dustin.
Pagdating namin doon ay may mga batang naglalaro kasama yung mga yaya nila. Lumabas na ako ng kotse at yung ibang mga yaya ay napatingin sa gawi namin. Dala-dala ko yung sitsirya namin at si Jayden ay iniayos na yung papatungan ng mga pagkain. Pumwesto kami sa ilalim ng puno, relaxing. Maghahapon na rin at magandang manood ng sunset.
Habang kumakain at nagkukwentuhan kami ay nakita kong nadapa yung isang bata. Kaya dali-dali akong tumayo at pinuntahan yun.
"Are you okay?" tanong ko at pinagpagan yung tuhod niya pati na rin yung kamay at damit. Pagtingin ko sa mukha, god it's so cute. His cheek were red and his nose. Papaiyak na kaya tinahan ko.
"It's okay, your strong right?" i said, at tumango naman siya at pinalis ko yung luha sa mukha niya.
"Of course because my dad is my idol." he said at humikbi pa. Napangiti naman ako.
"Alright, what's your name baby boy?" sabi ko, mukhang mapapalaban yata ako sa englisan ah!
"I'm Jirro Montelvan." sabi niya at ngumiti kaya lumabas yung ngipin niyang may bungi, hehehe...
"Oh, Hi Jirro nice to meet you." sabi ko at ngumiti ulit siya.
"How 'bout you?"
"Hmmm My name is Ate Clea."
"Nice to meet you too Clea." he said at nagulat naman ako ng pangalan ko lang ang sabihin niya.
"Ha? No baby, you said Ate because I'm older than you." sabi ko.
"But i don't want to call you Ate because I want you to be my wife." sabi niya habang naka pout kaya natawa naman ako.
"Why do you want me to be your wife?"
"Because your beautiful and your kind like Mom and i look like dad because I'm strong."
"Hahaha ok if that's what you want." sabi ko at may biglang tumatakbong babaeng nakapang yayang suot.
"Jirro! Why are you running huh? Do you want your dad to be mad at you?" sabi nung babae at tumingin sakin at ngumiti. "Ah sorry po sa abala, thank you rin po." she said at nagpaalam na sila. Buhat-buhat niya yung bata at narinig ko pa yung sinabi ni Jirro.
"Yaya Nisha, do you see that woman? I gonna marry her." he said at natatawa naman akong bumalik sa mga kaibigan ko.
"Sino yung bata na yun, ang cute." sabi ni Abby ng makarating na ako kung nadan sila.
"Hahaha oo nga, narinig namin yung pinag-usapan niyo. Gusto ka daw maging asawa!" sabi naman ni Kyra. Napailing nama ako at aksidenteng tumama kay Dustin yung paningin ko, nakangiti siya sakin ng may adoration. Napainom tuloy ako ng Mogu-mogu ng wala sa oras.
Kumain, nagkwentuhan pa kami doon at higit sa lahat ay sabay-sabay naming pinanood yung sunset. Nagpicturan din kami at ng maubos namin yung mga pagkain at naging malamok na ay napagpasyahan naming umuwi na.
Sila Abby at Kyra ay nagpahinto nalang foon sa School at nandoon daw yung sundo nila kami naman ni Danica ay hinatid ni Jayden. Nakaupo ako ngayon sa backseat at si Danica naman ay nasa frontseat. Ng huminto ang sasakyan ni Jayden sa tapat ng bahay nila Danica ay sinukbit ko na yung bag ko at nag thank you kay Jayden. Naramdaman kong magtatagal pa doon sa loob si Danica kaya nauna na akong lumabas at pumunta muna sa karinderya para magmano kay Tita Melanie.
"Oh nandito na kayo, Nasan si Danica?" tanong ni Tita.
"Ah kausap pa po yung kaibigan namin, susunod din po yun mauna na po ako." sabi ko at dumiretso na sa bahay nila Danica.
Pagpasok ko sa kwarto ay pahiga akong tumihaya sa higaan at pumikit. Ilang minuto lang ay naisipan ko ng maglinis ng katawan. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nagcecellphone si Danica at nakangiti pa.
"Hoy, ano yan ah?!" sabi ko at patalon na humiga. Sinilip ko pa yung phone niya at bigla niya itong iniiwas. "Naglilihim kana ya, sumbong kita kay Tita.TITA YUNG ANAK NIYO PO!!!" pang e-echos ko sakanya pwro ang gaga ay pumasok lang ng banyo.
Napabuntong hininga ako. Bukas na nga pala uuwi sila Mama. Hindi pa ako nakakalis ng bahay, siguro ay doon na ako didiretso samin at maglilinis pagkatapos ng klase.
Yun lang ang laman ng isip ko hanggang makatulog na ako...
🤡
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...