Chapter 24

1 2 0
                                    

Chapter 24

"Uwian na!" malakas na sabi ni Kyra, kahit kailan talaga.

"Danica sabay tayo." sabi ko sa kanya pagkalapit.

"Ha? Eh may pupuntahan pa ako." she said.

Saan ako nito sasakay? Paano ako makakauwi? Padilim na—

"Hatid na kita." sabi ni Dustin na sumulpot sa harap ko.

"Okay." mabilis na payag ko, hoy grasya na lumalapit.

"Let's go?" sabi niya kaya nagpaalam na ako sa iba at alam mo ba kung ano mga sinabi!

"Enjoy!"

Sumabay na ako sa paglalakad ni Dustin at nakatingin lang ako sa dinadaanan. Mukhang di ako makakabili ng fish ball. Napatingin naman ako sa katabi ko at nakatingin lang siya ng diretso.

Para na yata akong mabibingi sa katahimikan jusko po. Pano nalang pag nasa sasakyan na kami?! Para lang nasa A Quiet Place?

So yun nga nakarating na kami sa Parking ng Park at tumunog yung isang sasakyan na color white.

Bubuksan ko na sana yung pintuan sa passenger seat ng maunahan ako ni Dustin.

"Ah thanks." nasabi ko nalang bago pumasok.

Umikot naman siya at pumasok na rin. Nakaalis kami doon ng matiwasay at bumibyahe na. Napatingin naman ako sa mukha niya na nadadanan ng mga ilaw galing sa mga nadadaanan naming establishment. 'Ang pogi talaga ng future ko.'

Mabilis akong napalingon sa harap ng lumingon siya sakin.

"May problema ba?" dinig kong sabi niya.

"Ah, wala wala hehehe." awkward kong sabi. 'Nahuli ako ni crush na nakatingin sa kanya, lol.'

Ang ganda ng araw ko ngayon. Syempre palagi kong kasama si Dustin kahit may umaaligid kaninang Andrea.

"Thank you nga pala kanina." sabi ko at winawala yung katahimikan.

"Para saan?" he said.

"Sa paglibre mo sakin sa Seven eleven." sabi ko.

"Welcome."

"Nakapagkabisado kana ba ng dialogue mo?" tanong ko.

"Hmmm yeah, pero hindi pa lahat." he said. "You?" dagdag pa nito.

"Kabisado ko na siya pero nakakalimutan ko parin. Onti lang kasi dialogue ko pero mahahaba at tyaka name-mental block ako pagkinakabahan."

"Don't be nervous. Isipin mo lang tayo tayo lang yung nandoon sa classroom pag magpe-performe na tayo." he said. ' sana ol may tayo.'

"Sige sige." sabi ko nalang at di ko namalayan na nasa tapat na kami ng bahay ko. " Mauna na ako, thank you ulit bye ingat." mabilis na sabi ko at lumabas na.

"Wait." sabi niya na nasa likod ko na pala.

"Yes?" ani ko.

"Ah... nothing sige pasok kana." he said at napakamot pa sa batok.

"Sige bye ulit, ingat ka!" sabi ko sakanya at tinanguan lang ako.

Pagpasok ko sa bahay ay wala sila Mama sa sala, oh well baka nasa kusina. Dumiretso na ako sa kwarto at humilata agad sa kama.

Ay, mukhang gaganahan akong mag-aral ngayong school year, sana kayo rin.

Bumangon ulit ako at pumuntang closet para kumuha ng pantulog at dumiretso sa banyo. Pagkalabas ay humiga ulit ako at kinuha yung phone ko sa table.

My First Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon