Chapter 13
Nandito na kami ngayon sa Room at nagpalit na ng damit. Naalala ko pa yung P.E namin, baka iyon na ang maging favorite kong subject. Kanina ay hindi kami nanalo pero yung mga boys sa group namin ay nanalo.
"Okay class, that's for today.Don't forget your assignment. See you on Monday." sabi ng last teacher namin ngayong araw.
Sabay-sabay kaming tumayo at sabing 'Good bye Ma'am, thank you for today.'"Hayyst sa wakas!" sabi ni Abby at tumayo pa sa kinauupuan niya at biglang humarap sakin."Uy punta kami sa inyo nuh?" she said.
Napabuntong hininga naman ako at tumango, kahit naman di ako pumayag ay pupunta talaga sila...
Mabilis kong inayos yung gamit ko at sinukbit na yung bag. Pasimple akong tumabi kay Abby at may binulong...
"Tayo-tayo lang noh, baka magulat sila Mama pag may lalaki tayong kasama sa susunod nalang natin sila isama." i said."Okie. Pero sabay na kayo ni Danica sa sundo namin ni Kyra para di hassle." sabi naman niya at um-oo na ako.
Mabuti at di kami cleaners kaya nakalabas kami ng maaga. Sabay-sabay kaming naglalakad at nasa likuran namin yung mga lalake. Ng makarating sa parking ay nakita ko na yung sundo nila Abby at Kyra kaya huminto kami sa paglalakad ganun din ang mga nasa likuran namin.
"Hatid na namin kayo?" Markki said.
"Thanks but may pupuntahan pa kaming apat eh." Abby.
"May I know, where?"sabat naman ni Dustin.
"S-samin na yun..." sabi ko, gusto kong kutusan yung sarili ko at nauutal-utal pa ako.
"Okay mauuna na kami." he said at pumunta na sila sa kanya-kanya nilang sasakyan. Mayaman nga naman oh, may sarili nang kotse. 'san kapa, sa kanila na?!'
Ng makaalis na kami ay pumasok ako sa sasakyan nila Abby at si Danica naman kila Kyra.
"Ah Manong Noli pwede po ba kaming ihatid kila Danica?" sabi ni Abby sa driver niya.
"Ah, opo Miss Abby" he said at ng magawi ang tingin sakin ay nanlaki ang mata nito. "Oh si Miss Clea pala itong kasama mo."
"Uy Manong Noli, musta na?" i said at ngumiti.
"Ayos lang Miss Clea..." sabi ni Manong Noli habang nagmamaneho. Nag-usap lang kaming tatlo nila Abby hanggang sa nasa tapat na kami ng bahay nila Danica. Nasa likod naman yung kotse ni Kyra.
Sabay pa kaming lumabas ng kotse. Bago ko kunin yung gamit ko sa kwarto ni Danica ay pumunta muna kaming karinderya para batiin si Tita Melanie. Naabutan namin siyang nagsusukli sa isang customer at ng mapatingin samin ay kaagad itong ngumiti at umalis sa counter.
"Oh napabisita kayo, hundi niyo man lang sinabi sakin at ng makapaghanda ako ng inyong makakain." sabi ni Tita at isa-isa kaming nagbless.
"Tita, kukunin ko lang po yung gamit ko at diba po ngayon na yung uwi nila Mama.Tinulungan lang po nila ako." i said.
"Ay oo nga pala, O sige at baka gabihin pa kayo." sabi ni Tita at bumalik na sa counter.
Kami naman ay pumunta na sa bahay nila Danica. Nakapagbihis pa si Danica at ng maayos na namin yung gamit ko ay isa-isa namin itong binuhat sa baba. Ng makita ng mga driver nila Abby at Kyra yun ay bigla silang lumabas ng kotse para tulungan kami.
Yung isang bag ay nakila Kyra at yung dalawa naman ay nasa kotse ni Abby. Pumunta ulit kami kay Tita at nagpaalam. Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa bahay namin. Nagtext din ako kay Mama na wag na akong sunduin doon kila Tita Melanie at nasa bahay na ako didiretso at kasama ko yung tatlo. 'aasahan ko masarap ulam namin ngayon, may bisita eh.'
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceEMERSON UNIVERSITY SERIES # 1 (Clea Velasco) Unang tingin ko palang sa kanya alam kong siya na, pero paano kung dahil sa isang maling bintang lahat ng pinagsamahan namin at pangako namin sa isat-isa ay maglalaho nalang ng parang bula. HOW CAN I HAND...