This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All Rights Reserved 2015
© Railleice
***
When I was a kid I used to dream about growing up like those princess sa disney movies na napapanood ko. I used to dream about having my own happy ending and about finding my own Prince Charming. But then, nagbago iyon habang lumalaki ako. I realized na hindi totoo at hindi talaga mangyayari sa totoong buhay iyong mga nangyayari sa movies. Na lahat ng nasa movies ay imposible na mangyari sa real life. Na sa movies lang may happy ending at prince charming at love story na sobrang perfect.
I used to like this particular guy. Simula ng bata ako ay crush na crush ko na siya pero alam ko na ayaw na ayaw naman niya sa'kin.
"Stop following me! You pig!", nilingon ako ni Russel at sinigawan.
He's my schoolmate. Grade 3 na siya noon. Grade one naman ako at kahit na bata pa ako ay crush na crush ko na siya. Maputi siya at talaga namang gwapo. Kaibigan ni Mommy ang Mommy niya kaya madalas kaming nagkikita lalo na kapag bumibisita si Mommy sa bahay nila at lagi niya akong kasama.
Sinamaan niya ako lalo ng tingin at dinilaan. Kahit naman bata pa ako ay hindi naman ako manhid. I know he don't like me. Mataba, pandak, nakasalamin, at sungki-sungki ang ngipin. Sino nga ba naman ang magkakagusto sa itsura kong 'to? Bulag nalang ata ang magsasabing maganda ako at magkakagusto sakin.
Habang lumalaki ako ay aware ako sa physical appearance ko na talaga namang 'pangit'. Iyon din ang naging dahilan, ang itsura ko, para pagkatuwaan ako ng ibang tao. Noong mag-grade 5 ako ay mas lalo akong naging mataba. Nakasalamin pa rin ako ng dahil sa malabo kong mata, at sungki pa rin ang ngipin ko.
"Ayan na si taba! Tumabi kayo! Tumabi kayo!", napupuno ng tawanan ang room sa tuwing dumadating ako. Halos lahat yata ng kaklase ko ay binubully ako kaya kahit na kailan ay wala akong naging kaibigan.
Pero nagbago lahat iyon ng dumating si Samantha. Transferree siya mula sa ibang school. And she was my first friend. Maganda siya at matapang. Palagi niya akong pinagtatanggol sa mga nambubully at nang-aaway sa'kin.
Nang gum-raduate ako ng elementary ay first honor ako. Masaya ako dahil sa lahat ata ng bagay ay ito ang pinaka-ipinagmamalaki ko.
Pagtungtong ng highschool ay same school pa rin kami ni Samantha at magkaklase pa rin. Kami ang palaging magkasangga at magkasama. Ganoon pa rin tulad noong elementary ay palagi niya pa rin akong pinagtatanggol sa mga nambubully sa'kin. Marami nga ang nagtatanong sa kanya kung bakit ako pa ang pinili niyang kaibigan gayong madami naman siyang choice since maganda naman siya at lahat halos ay gugustuhin na maging kaibigan siya.
"Eh ano kung mataba si Elieanna? Pakialam ko? Siya ang gusto kong maging kaibigan at wala na kayong magagawa doon!", sigaw ni Samantha sa mga nagtatanong sa kanya. "Tara na nga, Eli.", aniya sabay irap at hila sa'kin paalis doon.
Mas lalong gumanda si Samantha ng mag-highschool kami. Madami siyang manliligaw at lahat ng mga manliligaw niya ay sa'kin palagi tumatakbo para ilakad ko sila kay Samantha. Pero nalaman agad iyon ni Samantha at binusted niya lahat ng mga sabi niya ay 'manggagamit' niyang manliligaw.
Kung gumanda pa lalo si Samantha noong highschool ay mas lalo naman akong pumangit. Mataba pa rin ako at nakasalamin, pero naka-braces na ako. Kaya may bago na namang nai-asar sa'kin ang schoolmates ko.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...