Noong una kong makilala si L.A, I never thought na magiging close kami. Pumayag ako sa 'deal' niya because of my own reason na mapalapit kay Russel, but iba yata ang nangyari, kabaligtaran yata ang nangyari. Imbis na kay Russel ako mapalapit ng husto ay sa kanya ako napalapit. At kapag nga naman ipinagkaloob pa ng tadhana, nagkagusto pa ako.After ng pag-uusap namin sa FIC ay hindi niya na talaga ako kinontact. Part of me is sad, kasi aaminin ko, kahit na hindi dapat, ay na namimiss ko siya. Namimiss ko iyong pangungulit niya, iyong boses niya, iyong amoy niya, iyong tawa niya, iyong pagiging englishero niya. Lahat. At hindi ko maiwasan na masaktan at malungkot kapag naiisip ko na he's really gone from my life. Kasi tinaboy ko siya palayo, at sinaktan ko siya. I don't think I can still face him. After all what I did to him, I don't think kaya pa niya akong mahalin. It hurts me, pero alam ko na mas mabuti na iyon kaysa ang mayroon kaming masaktan.
"Elieanna, ano'ng mas maganda? Itong pink or itong white?", nilingon ko si Samantha at agad nakita iyong mga hawak niyang floral tops. Nandito kami ngayon sa mall at nagsa-shopping.
Ngumiti ako at itinuro iyong nasa may left hand niya. "Iyong white, mas maganda. Bagay siya sa kahit na anong kulay ng pants mo.", saad ko. Tumango siya at nagpunta sa fitting room para isukat iyon. Nang lumabas siya ay nakita ko na bagay na bagay talaga sa kanya iyong damit.
"Sige, Miss. I'll take this.", ngiti niya doon sa saleslady at pumasok na ulit para magbihis.
After na mamili doon sa store na 'yun ay napagdesisyunan namin na magdinner na. Dumiretso kami sa Pizza Hut since iyon ang favorite na kainan naming dalawa.
Umorder na kami at habang naghihintay ng order ay nagkwentuhan muna.
"I've been texting L.A, pero bakit ganun? He's not even answering my texts.", aniya ng medyo disappointed. "Tell me, may nililigawan ba siya?", aniya na naging dahilan para kabahan ako. Nakagat ko ang labi ko at umiling.
"M-Maybe he's just busy.", saad ko. "Diba varsity siya. At ang alam ko, may business din sila. B-Baka iyon ang pinagkaka-abalahan.", ani ko. Nakita ko ang bahagyang pagnguso niya at medyo pag-iisip. Maya-maya ay ngumiti din siya.
"Siguro nga.", aniya tapos noon ay dumating na iyong pagkain namin. "Tara kain na tayo.", tumango ako at kumuha na ng pagkain doon sa mga inorder namin. Dahil nga medyo gutom na ako ay agad na akong nagsimula na sumubo.
Habang busy ako doon sa pagkain ko ay nahagip ng mata ko si Samantha na hindi magalaw iyong pagkain niya. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa malayo.
"Huy, ano'ng nangyari sa'yo?", saad ko at kinalabit siya pero ni hindi manlang nagbago iyong mukha niya. Ano kayang nakita nito?
Sinundan ko ang direksyon na tinitignan ni Samantha at ganoon na lang din ang panlalaki ng mata ko ng makita si L.A na mayroong kaakbay na babae. Parehas silang parang naka-pang bahay lang pero kaagaw-agaw pa rin ng pansin.
The girl's pretty. Hanggang balikat siya ni L.A. Mayroon siyang mahaba at medyo wavy na buhok. She's also wearing a cap! Parang boyish iyong babae pero ganun pa man ay makikita mo na sobrang ganda nito. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko kung paano tumawa si L.A dahil doon sa babae at kung paano niya iyon pabirong hinalikan sa may ulo. Agad kong nilingon si Samantha at nakitang nakayuko na lang siya. I can tell, she's hurt. Well, I am too..
Hindi na namin naubos iyong pagkain namin kaya pina-take out nalang namin. I don't think makakaya ko pang kumain after what I saw kanina. And I think ganoon din si Samantha.
Dumiretso na kami sa parking lot ng sasakyan niya. Ang akala ko ay aalis na kami pero ilang minuto na ng sumakay kami ay hindi pa rin inistart ni Samantha iyong kotse niya. Tahimik lang siya. Nakagat ko ang labi ko dahil hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.
"I-Is that his girlfriend?", napapaos na sabi niya at nag-angat ng tingin sa'kin. Parang doble ang naging sakit sakin ng makita ko kung paano tumulo iyong luha niya.
"S-Samantha..", iyon lang ang nasabi ko at tinikom ko na ang bibig ko.
Inlove na talaga siya kay L.A. Iyon ang nakumpirma ko ngayon. Kasi hindi naman siya iiyak ng ganito kung hindi. At naguguilty ako na makita siyang umiiyak. Dahil sa alam ko na mayroon din akong mga nagawa na pwedeng makasakit sa kanya kapag nalaman niya.
"I think.. I think I love him..", aniya at muling bumuhos ang luha niya.
Nanatili pa rin ako na walang imik. Hinaplos ko lang iyong likod niya at pinakinggan lahat ng sinabi niya.
"Simula noong nag-transfer ako sa school noong highschool tayo. Siya na iyong napansin ko. At simula noon nagkagusto na ako sa kanya.", aniya at narinig ko na medyo natawa siya. "I mean, ano'ng hindi kagusto-gusto sa kanya? He's handsome, he's an athlete, he's kind, he's smart. Lahat na yata nasa kanya.", aniya. Oo, I'll agree with her. He's almost perfect na naging dahilan din siguro for me to like him. Pero alam ko na hindi lang because of his complete package kaya ako nagkagusto sa kanya.
He was there noong mga panahon na may gusto pa ako kay Russel. He was always there para i-comfort ako sa mga times na nasasaktan ako. He introduced me sa mundo niya. And he's the first person na nagsabi sa'kin na maganda ako, aside from my family. And I think that's the reason why I like him. Because he didn't just tell me na I'm beautiful, he also made me feel that I am.
"I love him, Elieanna.", ani ni Samatha at tinitigan ako nang parang nakiki-usap. "You're friends with him, diba? B-Baka naman, pwede mo akong t-tulungan.", she said at hinawakan ako sa may braso. Nanlaki ang mata ko at parang may kung anong dumagan sa dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos.
I wanted to say no! I wanted to say na I can't! Pero habang nakikita siyang ganito, hindi ko magawang tumanggi.
"Help me, p-please.", aniya at humagulgol na naman. Napapikit ako ng mariin at pilit na kinalma ang sarili ko.
God, why? I'm asking you again, why? Bakit si L.A pa?
Huminga ako ng malalim at nilulon ang bara sa lalamunan ko. I know I'll get hurt, pero."Sige.. I-I'll help you.", mahinahong saad ko kasabay ang pagbagsak ng luha ko. Umiwas ako ng tingin kay Samantha at mabilis na pinunasan ang takas na luhang galing sa mata ko.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Roman pour AdolescentsElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...