Dumating kami sa party at madami na kaming nadatnan na sasakyan na nakapark sa labas. Inayos lang ni L.A iyong pagkaka-park ng sasakyan niya bago kami lumabas na dalawa. Medyo madilim na kaya medyo hindi kami napansin noong mga nagpapasukan na tao sa loob noong malaking bahay kung saan maingay na umaalingawngaw iyong malakas na tugtog at malaya at malikot na nagsasayaw iyong mga ilaw.
"Come on.", naramdaman ko ang kamay ni L.A sa may balikat ko. Agad ko iyong nilingon.
"Russel don't like girls na masyadong mahiyain.", he said at inilibot ang tingin sa mga tao sa loob. "He's there.", agad kong sinundan ang tingin niya at nakita doon si Russel. May hawak siyang pulang party cups at masaya siyang nakikipagtawanan doon sa mga kaibigan niya. Naka-black na long sleeves shirt siya at khaki pants.
Naramdaman ko na hinila ako papunta ni L.A sa direksyon nila Russel kaya agad akong kinabahan. What if nakita niya ako dito? Baka magalit iyon sa'kin.
"What's the problem?", tanong ni L.A. Tiningala ko siya at nakitang nakataas ang kilay niya.
"Ikaw nalang ang lumapit doon. Maiiwan nalang ako dito.", saad ko at nilibot ang tingin ko. Nakakita ako ng vacant table at nagsimula ng maglakad papunta doon ng pigilan ako ni L.A.
"Come on, sinama kita dito para mag-enjoy at maging familiar ka sa environment na mayroon kami nila Russel.", saad niya at hinarap ako sa kanya. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa pwesto nila Russel. Mas lalo akong kinabahan ng magkasalubong ang mata namin. He's looking here!
"Don't worry, I got you."
Hindi na ako nakapagreklamo at sumunod nalang sa kanya. Inakbayan ako ni L.A at dinala doon sa kung nasaan iyong mga kaibigan niya.
"Dito na pala si Luke -- At si Elieanna?", tumingin iyong mga babae nilang kaibigan ng magsalita si Isaac. Naramdaman ko kaagad ang mga nakakatusok nilang tingin at ang mga gulat nilang ekspresyon.
"Late na ba kami? Sorrry, may dinaanan pa kasi kami.", saad ni L.A at nakipag-high five doon sa mga kasama niya.
Kahit na hindi magsalita iyong mga kaibigan niyang babae ay alam ko na naiinis sila ng dahil dumating si L.A ng kasama ako. The whole time na nag-uusap sila doon ay tahimik lang ako. Nakaakbay pa rin naman sa'kin si L.A at paminsan-minsan ay napupunta ang atensyon niya sa'kin kapag siguro ay iche-check kung okay pa ba ako.
"L.A, CR lang ako.", mahinang sabi ko sa kanya. Agad niya akong nilingon at tinanguan.
"First floor, yung dulong door sa kanan.", turo niya sa'kin kung saan ang CR at tinanggal na ang pagkakaakbay sa'kin.
Naglakad na ako papasok ng bahay at may mga familiar na tao pa akong nakasalubong. Sinunod ko ang direksyon na sinabi ni L.A at mabilis ko naman na narating ang CR. Pagkatapos ko na gawin ang ipinunta ko doon ay bumalik na ako sa may garden kung saan ko sila iniwan.
Nakaupo na sila ngayon doon sa may round table at may iilang party cups na din doon, pagkain, at beer. Agad na hinanap ng mata ko si L.A at nakita siya na nakikipagtawanan kay Isaac. Sa tabi niya ay mayroon na bakanteng upuan. Nang nahagip ako ng mata niya ay sinensyasan niya ako na doon maupo sa tabi niya kaya duon ako dumiretso at umupo.
"So, Elieanna. Ano nga palang course mo?", nagulat ako ng kausapin ako noong maganda at sexy na kaibigan nila Russel. Si Rebecca.
"Nursing.", saad ko.
Sa lahat ng kaibigan na babae nila Russel ay siya lang iyong kumausap sa'kin. At masasabi ko na mabait siya. Magkakwentuhan kami hanggang sa oras na para kumain.
"Dito ka nalang.", saad ni L.A sa'kin ng tatayo na sana ako para kumuha ng pagkain ko. Pagkasabi niya noon ay umalis na siya. Naiwan sa table namin si Russel, si Isaac, si Valerie, at ako.
Magkausap si Russel at Valerie habang tahimik naman ako na nakikinig ng music.
"You're Luke's friend now, huh?", nagulat ako ng kausapin ako ni Isaac. Nilingon ko siya at alanganin na tumango.
Friend nga ba kami? E, the last time I check nakipag-deal lang naman ako sa kanya. Magkasama lang kami ngayon dahil part 'yun ng deal namin.
Tumingin ako sa may buffet table para tignan kung malapit na ba na matapos si L.A na kumuha ng pagkain. Habang tinitignan ko siya ay narinig ko na naman ang pagsasalita ni Isaac.
"Pucha, pare. Get a room!", sigaw nito at tumawa. Awtomatikong tumingin ako sa kanya at nakita kaagad si Russel na nakikipaghalikan kasalukuyan kay Valerie.
Sumikip ang dibdib ko at nahinto sa kanila ang tingin ko. Nag-init ang mata ko habang pinapanood ko kung paano gumalaw iyong labi ni Russel sa labi ni Velerie. Parang paulit-ulit na sinusuntok ang dibdib ko at sobra itong sumasakit.
Agad kong naramdaman ang paghawak ng dalawang pares ng kamay sa mata ko. Naramdaman ko din ang ulo niya sa may tainga ko.
"I got you, remember.", bulong niya sa'kin.
Medyo kumalma ako ng dahil sa ginawa ni L.A. Maya-maya ay tinanggal na din niya iyong kamay niya sa pagkakatakip sa mata ko. Kaagad akong yumuko para mag-iwas ng tingin.
"Bro, tell your cousin I dropped by. Bigla kasing sumama pakiramdam ko. I think we need to go home.",napatingin ako kay L.A dahil sa sinabi niya. Hindi niya na inintay na sumagot iyong mga kaibigan niya. Tumayo na siya kaya tumayo na din ako.
"Sayang naman, Luke. Pero sige, pahinga ah.", saad ni Rebecca tapos ay tumingin sa'kin. "Nice to talk to you, Elienna. Sana may next time pa.", ngiti niya sa'kin at nagulat ako ng tumayo siya at bumeso sa'kin.
Matapos noon ay napatingin ako sa gawi ni Russel at nakita na wala manlang siyang pakialam at ni hindi man lang siya tumitingin sa'min. Nakay Valerie lang ang buong atensyon niya. Kumirot ang puso ko dahil doon. Nawala lang ang atensyon ko sa kanila ng mabilis akong hinila ni L.A palabas at dumiretso na kami sa sasakyan.
***
Nasa daan kami at hindi manlang kami nag-uusap. Nakatingin lang ako sa labas at iniisip iyong eksena kanina. Hindi mawala sa isip ko kung paano haplusin ni Russel iyong braso ni Valerie at kung paano niya halikan si Valerie ng hindi manlang iniisip na nanonood ako doon. Sabagay, wala naman nga pala siyang pakialam sakin o sa mararamdamam ko.
"Elieanna, I'm asking you. What do you want?", napatingin ako kay L.A ng kinalabit niya ako. Noon ko lang narealize na nasa drive thru kami ng Jollibee sa may Junction.
"H-Ha?", wala sa sariling sagot ko. Napailing siya bago may sinabi doon sa babaeng kumukuha ng order.
"Wala pa tayong kinakain.", saad niya pagkakuha noong order namin. Miski ako ay nakalimutan ko na hindi pa nga pala kami kumakain at ni hindi manlang nagalaw iyong pagkain na kinuha niya kanina sa buffet.
Nagdrive ulit si L.A at ang akala ko ay pauwi na kami pero nagulat ako ng huminto kami doon sa isa sa mga bakanteng lote malayo pa sa lugar namin.
"Tara.", saad niya at nauna ng bumaba sakin. Sumunod ako sa kanya at lumabas na din ng sasakyan. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin kaya nayakap ko ang sarili ko habang papunta kay L.A na nasa likod ng sasakyan niya.
"Anong ginagawa natin dito?", tanong ko. Imbis na sagutin ako ay binuksan niya iyong likod ng sasakyan niya at naupo doon. Nagsimula siyang kuhanin iyong binili namin na pagkain at nagsimula ng kumain.
Nang malanghap ko iyong amoy ng Chicken Joy ay agad na kumulo ang tiyan ko. Napahawak ako doon bago ako umupo sa tabi niya at kumain na din.
***
Nauna siyang natapos na kumain sakin at nanatili siyang tahimik pagkatapos niya. Nang matapos ako ay narinig ko siya na magsalita.
"Sa nakita mo kanina, gusto mo pa bang ituloy 'yung deal natin?", tanong niya na agad kong na-gets.
Hindi kaagad ako sumagot. Gusto ko nga ba? Gusto ko pa nga bang ituloy yung pakikipagkasundo sa kanya para mapalapit kay Russel?
Totoo nga siguro na kapag gusto mo talaga ang isang tao, handa kang magpakatanga dahil nakita ko nalang ang sarili ko na tumatango kay L.A.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya napatingin ako sa kanya at nagtataka siyang tinignan.
"You like him that much?", tanong niya. Dahan-dahan akong tumango sa tanong niya.
I like him that much that I don't even care anymore kahit paulit-ulit na lang ako na masaktan.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...