Tahimik lang kami ni LA sa loob ng sasakyan niya hanggang sa makita ko na pumasok kami sa isang kanto. Malayo ito ng kaunti sa may kung saan ang bahay namin. Nagdire-diretso siya sa loob nito hanggang sa bumungad sa'min ang isang malaking gate kung saan mayroong arko sa itaas at nakaukit ang salitang Villa Lucia. Bumusina siya ng isang beses bago ito bumukas dahil na rin sa pagbubukas noong gwardya. Bumusina pa siya ng isang beses tapos ay nakita ko ang pagtango noong guard sa kanya bago ulit siya tuluyan na nagmaneho.Kahit na umuulan ay kita ko pa rin ang nadadaan namin at puro nagtataasang puno ng mangga ang nasa paligid. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang paghinto ng sasakyan, agad kong nilingon ang mansyon na nasa harap namin and and the only thing I realized ay kung gaano kayaman ang pamilya nila LA.
The mansion was huge. Sa itsura nito sa labas ay muka itong lumang mansyon pero ganoon pa man ay maganda ang pagkakagawa dito. Para itong Spanish house na mayroong kaunting touch ng pagka-modern ng dahil na rin sa pintura nito at sa mga naglalakihang bintana.
Narinig ko ang pagsara ng pinto sa may side ni LA at nakita ko kaagad siyang mabilis na naglalakad papunta sa side ko habang dala iyong payong. Nang binuksan niya ang pinto ko ay agad siyang naglahad ng kamay doon at agad akong inalalayan hanggang sa makababa na ako. Nakaakbay siya sa'kin habang naglalakad kami papunta doon sa main door nila. Agad niya iyong binuksan at at mabilis na iniwan iyong payong sa labas bago ako tuluyan na hinila papasok.
"Lucas, naaga yata ang uwi mo?", agad kaming sinalubong ng isang matandang babae na nakasuot pa ng puting apron. Nagulat yata siya dahil hindi nag-iisa si LA kaya medyo natigil sa dapat ay sasabihin pa yata niya.
"Opo.", ani ni LA. "Paakyat naman po ako ng kahit na anong mainit. Soup or anything.", aniya tapos noon ay hinila niya na ako ulit at ngayon naman ay paakyat sa hagdan ng bahay nila na gawa sa purong kahoy. Sobrang kintab ng sahig nito na aakalain mo na ni minsan ay hindi pa natapakan.
Nakarating kami sa second floor ng bahay nila ng hindi niya binibitawan ang kamay ko. Naglakad pa kami ng kaunti bago siya huminto sa isang pinto at mabilis iyon na binuksan. Agad niya ulit akong hinila sa loob noon hanggang sa huminto siya sa gitna kung saan marahan niya akong pinaupo sa ibabaw ng kama.
If I'm correct. Ito ang kwarto niya. His room is so clean. White and black ang combination ng dingding ng kwarto niya tapos ay purong puti naman ang bedsheet at comforter niya. Iyong pillowcase niya ay black din. Sa isang gilid ay nandoon ang study table niya na mayroong nakapatong na MacBook at ilang mga libro. May dalawang pinto naman ulit sa may left side na sa tingin ko ay banyo iyong isa.
"I'll just get you something to wear.", paalam niya. Pinagmasdan ko siyang maglakad papunta doon sa may pinto sa left side. Binuksan niya iyong isang pinto at pumasok sa loob noon. Nagtagal siya doon ng ilang sandali bago lumabas ng may dala ng damit.
"You can change here. I'll just go check on our food downstairs.", ngiti niya tapos ay ibinaba lang iyong damit sa tabi ko bago tuluyan na lumabas.
Ayoko sana na manghiram pa ng damit sa kanya pero there's no use. My clothes is wet and I really need to change.
Mabilis ko na isinoot iyong t-shirt niya at iyong shorts niya na ipinahiram sakin. Sakto lang dahil nang bumukas iyong pinto ay tapos na ako na magbihis. Tumuloy siya sa loob at agad kong nakita iyong tray na dala niya. May laman iyong isang mangkok at umuusok-usok pa. Agad kong naamoy ang pamilyar na amoy ng sinigang. Agad na kumalam ang tiyan ko at hindi mapigilan na magutom.
Naka-indian sit ako sa ibabaw ng kama ni LA habang pinapanood ko siya sa ginagawa niya. Inilapag niya iyong tray sa harap ko at agad na iniabot sa'kin iyong kutsara.
"Kumain ka na. This will help you feel warm.", aniya kaya sinunod ko ang sinabi niya. Humigop na ako noong sabaw at agad na nagustuhan ang lasa noon. Tamang-tama lang ang asim.
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...