Naaasar ako. Nagsisi ako kung bakit pumayag pa ako na sumama sa out of town na ito kahit na alam ko naman na palagi kong makikita sila Samantha at L.A na magkasama. Ilang linggo narin halos ng mangyari 'iyon'. At sa loob ng ilang linggo na 'yon ay ginagawa ko ang makakaya ko para umiwas at huwag magpakita ng kahit na anong reaksyon sa mga ka-sweetan ni Samantha at L.A. Pero 'di yata sa lahat ng pagkakataon ay kaya ko iyon. Tulad ngayon na nandito kami sa isang beach resort kung saan ako inaya ni Matthew na sumama, kitang-kita ko ang pagkakayakap ni Samantha sa kay L.A na medyo nakangiti at kasalukuyan na umiinom. Nag-iwas ako ng tingin at binaling na lang ang atensyon ko sa mga inihaw na nasa harapan ko.
"Woah! Easy, ang laki naman ng galit mo sa inihaw!", narinig ko na halakhak ni Isaac. Tiningala ko siya at nakita na tulad ni L.A ay mayroon din siyang hawak na beer.
"Nagseselos ka, ano?", bulong niya ilang saglit nang nanatili akong walang imik sa pang-aasar niya kanina. Kumunot agad ang noo ko at tinapon ang stick ng barbecue ko sa kanya.
"Hindi. Bakit naman ako magseselos?", tanong ko. Narinig ko lang ulit ang halakhak niya bago ko nakita na tumayo siya. Mula doon sa pagkakaupo sa harap ko ay lumipat siya sa tabi ko. Agad kong naramdaman ang pagdampi ng kamay niya sa balikat ko. Inakbayan niya ako.
"Eh siya kaya nagseselos?", tanong niya ng nakangisi. Kumunot lalo ang noo ko.
"Sino-", bago ko pa matapos ang tanong ko ay naramdaman ko nalang ang padabog na pagkakaalis ng kamay ni Isaac sa balikat ko. Agad kong narinig ang pagtawa niya dahil doon.
"Confirmed.", nang-aasar niyang saad at saka mas lalong natawa.
Napaangat ang tingin ko at agad kong nakita ang badtrip at seryosong mukha ni L.A. Matalim ang tingin niya kay Isaac. Nag-iwas ako ng tingin at inayos ang pagkakasuot ng tsinelas ko.
"Mauuna na ako. Inaantok na ako.", saad ko at nagkunwari pang nahigab bago tumayo at lagpasan si L.A.
Agad lumakas ang tibok ng puso ko habang papaalis ako. Pinilig ko ang ulo ko at pilit inalis doon ang mga kung ano-anong naiisip ko.
Elieanna, hindi na pwede. Okay? Masaya na si Samantha kaya wag mo ng sirain iyon! Maging masaya ka na rin at-
"Ay, palaka!", gulat na gulat ako ng biglang may humila sakin at sapilitan akong pinasok sa loob ng elevator. Agad na sumara ang pinto noon at agad kong nakita ang padabog na pagpindot niya sa stop button na nandoon! Nilibot ko ang tingin ko sa buong elevator at napagtanto na kami lang ang nandoon sa loob. Nawala ako sa pag-iisip ko ng ikulong ako ng lalaking ito sa mga maiinit niyang bisig. Kaagad kong nalanghap ang mabango at pamilyar niyang amoy. L.A...
Tinulak ko siya palayo sakin at hindi naman siya umangal. Nang magkalayo na kami ay agad akong sumiksik sa dulo ng elevator at yumuko doon.
Please, L.A. Wag. Wag ka nang magsasalita. Dahil alam ko sa oras na magsalita ka ay baka baliin ko ang lahat ng desisyon na nagawa ko.
"Elieanna..", malambing na tawag niya. Napapikit ako at gusto ko ng batukan ang sarili ko dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Naramdaman ko na naglakad siya at ilang saglit lang ay agad ko nang naramdaman ang presensya niya sa harap ko.
"L.A, bumalik ka na doon. Hinihintay ka na ni-", hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Mabilis na inangkin ang labi ko ng lalaking nasa harap ko. Mabagal lang iyon. Sobrang bagal na nakakalasing. Agad na kinurot ang puso ko at naluha nang nag-flashback sa isip ko na ang parehong labing ito ay ang mga labi na humalik din sa labi ng bestfriend ko. Mabilis ko siyang tinulak at matalim na tinignan.
"L.A, umalis ka na!", sigaw ko at nagsimula na sa pagbuhos ang luha ko. "Naghihintay doon si Samantha. Please, wag mo siyang lokohin! Hindi ko kaya!", hindi ko kaya.. Hindi ko kaya na lokohin si Samantha sa oras na tuluyan na akong bumigay kay L.A.
Imbis na pindutin ulit ang button doon sa elevator ay nagulat ako ng mabilis akong niyakap ni LA. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Pilit ko siyang tinulak palayo pero nang marinig ang paos at basag niyang boses ay tuluyan na akong nanghina.
"Mahal na mahal pa rin kita, Elieanna. Galit ako kasi iniwan mo ko. Kasi sinaktan mo ako. Pero tangina, baliw na baliw pa rin ako sayo.", marahan na bulong niya sa tainga ko. Hindi ako umimik at nagpasalamat nalang na nakasandal ako ngayon sa metal na haligi ng elevator na ito. Kung hindi ay baka kanina pa ako bumagsak sa sahig ng dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko.
"Hindi tama, L.A.", ang tanging nasabi ko.
"Bakit? Mahal kita. Mahal mo ko. Kailan hindi naging tama na maging magkasama ang dalawang tao na nagmanahalan?", saad niya na parang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya na nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik na nakatayo doon. Hindi ko alam ang sagot. Ang alam ko lang ay sa oras na bumigay ako sa kanya at maging kami ay mayroong masasaktan — si Samantha. Hindi ko kaya iyon. Tinuturing ko na parang sarili kong kapatid si Samantha. Siya ang kauna-unahan na naging kaibigan ko at naging tagapagtanggol ko sa mga nambubully sakin noon. Hindi ko kaya na saktan siya, hindi ko kaya.
Marahan ako na umiling at pilit na inilayo siya sakin. Hindi siya nagpumiglas.
"Masasaktan si Samantha.", iyon lang ang lumabas sa bibig ko at agad na akong umiwas ng tingin.
"Nasasaktan ka din. Nasasaktan din ako."
Ang totoo? Ayos lang sakin na ako ang masaktan. Kaya ko na magtiis kasi sanay naman na ako doon. Ang hindi ko talaga kaya ay ang masaktan ang isang tao na wala naman na ginawang masama sa'kin at puro kabaitan lang ang pinakita. Kaya ko na kalimutan ang sarili ko na kaligayan para lang wag masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ko alam kung alin ang mas hindi ko kaya. Ang tuluyang mawala ba sakin si L.A o ang nasa akin nga si LA pero nasasaktan naman si Samantha.
Buong lakas akong tumingin ng diretso sa mga mata ni L.A at tinitigan iyon. Ang lalaking nakatayo sa harap ko ang lalaking hindi ko inakala na mamahalin ko at ang kauna-unahan ding lalaki na minahal ako. At kapag nga naman mapaglaro ang tadhana ay ang parehong lalaki ding lalaki na gustong-gusto ng bestfriend ko. Ang hirap mamili at hanggang sa maaari ayoko na pumili sa kanilang dalawa. Pero nang dumampi na naman ang labi ni L.A sa'kin ay para akong nawala sa sarili ko.
Masama bang maging makasarili kahit na ngayon lang? Masama bang pagbigyan ko ang sarili ko na maging masaya kasama siya? Ang dami niyang sinakripisyo para sakin, pero wala manlang ako kayang i-give up para sa kanya.
"Sabihin mo lang, Elieanna. Isang sabi lang na mahal mo ko. Tatakbo ako pabalik sayo."
BINABASA MO ANG
My Deal with the Bad Boy (Del Castillo Boys Series #1)
Teen FictionElieanna Faith Mendez always desired that she was part of Russel's circle of friends. Hindi para mapabilang sa mga sosyal at kilalang kaibigan nito, kung hindi para mapalapit sa lalaking matagal na niyang gusto. Pero mailap nga yata ang tadhana dahi...